S.2 - 1

632 53 0
                                    

Benedict's POV

Nakakalungkot isiping natapos na rin ang bangungot na syang nagpagising sa amin sa katotohanang...

Lahat kami nagkamali.

Oo. Masyado kaming naging mapanghusga. Ni hindi namin inisip ang mararamdaman ng iba.

Hindi namin inalam ang tunay nyang kalagayan.

At iyon ang nagtulak kay Reigne para maghiganti sa amin. Galit at poot ang syang kumontrol sa kanyang pag iisip. Ni isang memories kasama sya wala kaming nagawa. Kaya ganun nalang sya ka push gawin lahat dahil walang may nagkaroon ng part sa amin na kasama sya.

Ngayon ay magkasama kaming tatlo nila Khent at Arvic sa Private room ng hospital na pinagdalhan sa amin.

nakakatuwa nga eh. Dahil pagmulat ng mga mata ko kanina. Agad na bumungad sa akin ang mga nag aalalang mga mukha ng mga magulang ko.

Mas naging caring sila sa akin. Tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko.

At todo bantay sila sa akin ngayon

Tulad ngayon. Malaya lang akong nakikipag kwentuhan kela Arvic dahil pansamantalang lumabas ang mga magulang namin para pumunta sa canteen at bumili ng makakain namin.

Kasalukuyan naming pinag kwe kwentuhan ang mga naging karanasan namin sa loob ng campus ng biglang mag suggest si Arvic na buksan ang tv.

"Yun lang pala ang iuutos mo may pa suggestion suggestion ka pang nalalaman!" Tatawa tawang sambit ni Khent kay Arvic.

Napanguso na lamang si Arvic saka sinamaan ng tingin si Khent.

Binato ko na sa kanya ang remote na agad nya rin namang nasambot. Umakto pa nga itong kinakabahan dahil sa baka hindi nya masambot ang remote na inihagis ko sa kanya. Eh ang totoo naman ay makakaya nya. Gulo ba? Kahit rin ako eh naguguluhan XD.

Agad nyang pinindot ang button ng tv para malipat ng channel. Agad iyong napunta sa isang balia news channel.

Wala kaming hilig sa panonood ng mga balita pero iba ang balotang ito ngayon.

Kami kasi ang laman ng balita.

Magmula ng sumibol ang balitang natagpuan na ang mga nawawalang estudyante ng Section 9-1 ay agad na sumikat ang mga pangalan namin.

Nasabi ko na rin bang maraming umidolo sa amin dahil napatay daw namin yung kinikilalang killer na pagala gala sa school at naghahanap lang ng kanyang mapaglalaruan.

Hindi na lamang kami sumagot.

Alam naman kasi naming magpapasalin salin lang sa iba ang istorya. Madadagdagan ng madadagdagan. Hanggang sa yung una nalang ang totoo tapos ang gitna hanggang sa huli. Hanggang sa maging isang kathang isip na lamang na iniisip na wala naman talagang Death Game na nangyare.

Pero kami..

Kaming mga nakaranas nito ang syang hindi makakalimot sa mukha ni Joker na halos syang umubos ng kanilang klase.

Samantha's POV

Tahimik ako sa kinahihigaan ko ng bigla akong sutsutin ni Elizabeth na syang nasa gilid ng kama ko.

Nakakunot ang noo na napatingin ako sa kanya.

"Why?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede bang mag open up?" Nag aalangan nyang tanong sa akin.

Napakunot naman ang noo ko.

Saka ako umupo mula sa pagkaka higa ko at tiningnan sya ng mataman. Humarap pa nga ako ng pagkaka indian seat sa kanya saka sya tinaasan ng kilay.

"What now?" Bored kong tanong sa kanya.

"Hmmm.. Samantha... alam kong hindi tayo masyadong Close ano pero dahil pinagbigyan mo na rin lang ako. Mag o open up na ako sayo." Sabi nito.

Napa ilinh iling na lamang ako saka kinuha ang una ko at ipinatong ito sa aking hita.

"Oh ano nga? Dami mong paligoy ligoy eh." Nakasimangot kong sambit sa kanya.

Natawa naman sya ng alanganin saka na sya nagsimulang mag open up.

"Alam mo Sam. Kinakabahan ako na ewan. Parang may mangyayareng hindi ko ma explain." Sambit nito. Pero yun palang ang sinabi nya agad na akong kinabahan. Bakit parang bigla akong nahawa sa mga kabang iyon?

"A-anong ibig mong sabihin?" I remain calm para hindi ko na sya mahawaan pa. Mas magandang yung kahit isa sa amin ay matatag para hindi kami matakot pareho.

"Basta.. may kakaiba talaga eh.. napansin mo nung nasa tunnel tayo? Bigla nalang sumabog the Campus. then namatay pa nga sila Dex eh. Strange isn't?" Takang tanong nya rin.

Kumunot ang noo ko. Tama nga sya.

"What I mean is.. malamang may isang tao pa sa loob para pasabugin ang school." Sambit nito sa akin.

Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Tila na hugot ko ang hininga ko sa sobrang kaba na naramdaman ko.

"S-so.. Meron pang isang killer?" Kinakabahan kong sambit bago kami nagkatitigan.

Nag usap kami gamit ang aming mga tingin.

Matapos ay nagsalita sya.

"Kelangan natin silang balaan."  Wika nito sa akin bago kami nagtanguan pareho saka nag isip isip ng plano kung paano sasabihin sa kanila ng maingat.

Dahil nawalan na ako ng gana magtiwala sa mga natitira sa amib ngayon..

~¤~¤~

Charles Agasa's POV

Payapa ang aking kalooban habang nakahiga sa kama ko ng marinig kong bumukas ang aking pintuan. Doon palang nagising na ang diwa ko kasi kung isa man yan sa mga nurse or doctors. Kumakatok muna sia bago buksan ang pintuan.

Agad na gumapang ang kaba sa buong katawan ko.

Hindi ko na napigilang magsalita.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko saka nagmulat ng mga mata.

Maya maya ay narinig ko na ang tinig nya.

"Ang lakas talaga ng signal mo, Agasa. Na detect mo agad ako? Amazing.." kunwari'y bilib nitong sambit sa akin.

Napa upo ako sa kinahihigaan ko saka sya tiningnan.

"Bakit??" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Gusto ko lang sanang tingnan kung ayos na ba kayo dito. Kung lahat ba okey." Nakangisi nitong sambit.

Napailing iling ako.

"Hindi ako naniniwala.. ano yung totoo mong sadya?" Lakas loob kong tanong sa kanya.

Mas lalo syang napangisi sa sinabi ko. Para bang alam na alam ko kung ano ang talagang ipinunta nya dito.

"Papaalalahanan na rin kita, Agasa. I am always watching you. Malayo ka man. Malapit. O kahit na nasaan ka pa. Palagi akong nakatingin sayo." Sabi nito habang matalim na nakatitig sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras bago ako natango tango at saka ko sya nakitang napatango ng marahan.

Tumayo na sya saka inilagay ang mga kamay sa bulsa.

"Mabuti at nagkaka intindihan tayo. Salamat." Sambit nito bago lisanin ang kwarto ko.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon