Charles Mendoza's POV
Tahimik akong nagmamasid sa kapaligiran. Dinadama ang bawat hampas ng hangin sa aking balat. Pinapakinggan ang huni ng ibon na nagmumula sa gubat.
Tahimik na sana ang buhay ko kung hindi lang ako humingi ng pabor sa kanya..
I was broken that time. Hindi ko maintindihan ang anumang isinisigaw ng utak ko. Basta ang alam ko lang nasasaktan ako.
Minsan bigla kong naisip..
Kamusta na kaya sya? Matagal tagal na rin pala nung huli kaming nagka usap.
Yan ang mga katagang nasa isipan ko. Kinakabahan ako sa kung ano ang magiging sagot nya.
Masakit kasing malamang wala na talaga. Na tuluyan ka ng nabura sa isipan nya. Nawala na ng parang bula ang alaala sa kanyang puso. Wala na syang pake sa pinagsamahan nyo.
Masakit malamang ganun na pala ang minahal mo.
Kaya kumapit ako sa patalim ng hindi nalalaman.
Hindi ko man nakikita ang mukha ni Joker ng gabing yun. Humiling ako sa kanya.
Na dapat'y hinding hindi ki ginawa...
Flashback*
Gabi ng Hide and Seek.
Takot na takot akong nagtago sa isang classroom sa Education Building sa Building C.
Hindi ko alam kung saan ko ipagkaka siksikan ang sarili ko dahil wala akong alam na pwede kong pagtaguan.
Kinakabahan ako na baka makita ako ng killer rito.
Habang nagtatago sa classroom na ito. Napapasilip ako sa labas ng bintana. Kinakabahan na baka bigla nalang akong mapansin ng killer rito saka nya ako patayin.
Pero hindi. Nakita kong nagtatatakbo si Lyeichelle papunta sa gawi ko. Tila hihingi pa sana ito ng tulong sa akin ang kaso ay naabutan na sya ng killer saka ito sinaksak sa likod ng paulit ulit. Nasa harapan ko mismo napatay ng walang kalaban laban si Lyeichelle.
Kinabahan ako sa uri ng pagkakakatitig sa akin ng killer. Ayoko ng mga ganoong titig at alam kong nakita nya ako kaya hindi ko na namalayang pumasok na sya sa loob ng classroom.
Saka nya ibinigay ang isang kutsilyo sa akin. Pinaghalong takot at pagtataka ko syang tiningnan. Habang kapit na kapit ako sa mga bakal na railings sa bintanan sarado.
"Patayin mo ang mga gusto mong patayin. Binibigyan kita ng pagkakataon." Sabi nito sa akin.
Kinabahan ako at hindi namalayang kinukuha na pala ang kutsilyong iniaabot nya sa akin.
Matapos nun ay walang pasabi syang lumabas ng classroom. Matapos ay nawala na rin sya sa paningin ko. Napatingin ako sa kutsilyong hawak hawak ko. May mga Initials itong naka ukit doon na syang pinagwalang bahala ko na lamang.
Pero ano? Patayin ko ang gusto kong patayin?
Wala naman----- ahhhhh.... gets ko na sya..
Alam kong hindi ako gagalawin ng killer kaya agad akong lumabas ng classroom na toh. Matapos ay naglakad lakad ako ng tahimik at patago parin sa paligid. Malakas parin ang tibok ng puso ko hanggang sa nakita ko ng nagkakatakbuhan na sila Joyce at Choi. Napatago ako sa isang gilid at pinanood sila. Kung hindi lang sana dumating si Benedict at iligtas si Choi. Malamang ay wala na itong buhay maya maya lamang.
Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay nakita ko ng tumatakbo at nagsisisigaw si Jaimelyn kasunod ang mabilis na tumatakbong si Joker. Naka handa na itong umatake dahil sa naka angat na sa ere ang dala dala nitong tubo.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...