S.2 - 29 (Flashback)

347 22 0
                                    

Author's:

Napagod na akong mag third person's POV guys. Hay! Pero panandalian lang naman ito na mag po POV ang taong ito.

Saka nasa nakaraan parin po tayo. Hindi tayo bumalik sa kasalukuyan okey?

Sya lang ang ginawa kong POV dahil sa isa sya sa mga taong nakasaksi ng mga panahong iyon.

Walang iba kundi si..

~¤~¤~

Khentlee's POV

"Good bye class.." pamamaalam ng teacher namin. Pamamaalam talaga? Tsss... pinatay ko naman agad yung teacher namin hahahah!

"Good bye, Mrs. Montero." Sabi nito saka na sila nagsitayuan at kanya kanyang labas ng classroom.

Agad ko ng pinuntahan si Reinalyn sa upuan nya. Kinuha ko ang nga libro nya saka hinawakan ang kamay nya.

Nakita ko ang pamumula nya na pilit itinatago sa akin. Napangiti ako ng palihim dahil sa mga ginagawa nyang pagbibigay motibo sa akin na may gusto na rin sya sa akin.

Matapos nun ay naglakad na kami palabas ng classroom.

Habang naglalakad. Hindi ko maiwasang mag lakabay ang aking isipan. Iniisip ko yung mga panahong nagsisimula palang akong manligaw kay Reinalyn.

Halo lahat ng lalaking manliligaw nya ay agad kong binabakuran. Ganun talaga ako pagdating sa kanya. Syempre. Mahal ko yung tao eh.

Pero may iisa akong naging kakumpetensya. Pero wala na yun. Alam ko namang sa aming dalawa. Ako ang pipiliin ni Reinalyn.

Ang ikinababahala ko lang ay yung sa tuwing nag o open sa akin si Reinalyn saka sinasabing natatakot na sya doon sa estudyante ng senior high grade 12 na binatang yun. Kahit kasi ilang beses na syang bina basted ni Reinalyn. Nananatili syang manliligaw nito.

Stalker rin ito ni Reinalyn kaya natatakot ako na baka pagsamantalahan nya ito.

Nagising na lamang ako sa realidad ng maramdaman kong tumigil si Reinalyn sa paglalakad. Kaya nahila rin ako nito pabalik sa kanyang pwesto at natigil sa paglalakad.

Napatingin ako kay Reinalyn na naka pako ang mga tingin sa kanyang harapan. Napakunot ako ng noo at bumaba ang tingin sa mga kamay naming magka holding hands. Humigpit kasi ang pagkakahawak sa akin ni Reinalyn.

Doon na ako tuluyang napatingin sa harapan namin. Doon ko nakita si Aly na may dala dalang bugkos ng bulaklak. Mukhang pupuntahan pa lamang nya si Reinalyn ng makita nyang magkasama kami.

Unti unti itong naglakad patungo sa amin.

Inihanda ko ang sarili ko sa anumang mangyayare. Kelangan ay ma protektahan ko si Reinalyn kahit na anong mangyare.

Alam ko namang mabait si Aly eh. Ang kaso nga lang. Hindi mo rin sya mapapaniwalaan dahil sa pagka misteryoso nito. Usap usapan pang sya ang dahilan kung bakit nagkakanda walaan ang mga estudyanteng nasa grade 9 section 1. Halos apat na taon na ring halos nawawala ang pinaka unang mga naging kaklase ni Aly.

Noong mag class picture kasi ang batch nila. Sya lang ang kaisa isang estudyanteng nasa picture kasama ang kanilang adviser.

Sumunod na batch ay tatlo na lamang sila. Isang babae at dalawang lalaki. Mga nanatiling naka tikom ang mga bibig ng mga ito at parang takot na takot pa. Dahil ang sabi'y lumipat ng ibang school ang mga ito malayo sa school namin.

Sumunod na batch. Ang natira ay ang apat na puro mga kalalakihan lamang. Tulad ng mga nauna. Wala rin silang sinabi patungkol sa mga nawawala nilang mga kaklase.

At ngayong batch na.

Ang buong klase ay muling nawawala. Hinanap na rin si Aly sa kabuuan ng school at oo. Pati sya ay nawawala rin.

Kaya simula nun. Ang naging pangunahing suspect ay si Aly. Para kasi itong kabuti. Bigla nalang bubulaga sa tuwing wala na sa kanya ang mga maiinit na mga mata ng kapulisan. At saka. Nagsimula kasi ang lahat ng pagkawala noong mga panahong nag grade 9 sya. Section 1.

Muli akong nagising sa realidad ng magsalita si Aly.

"Reinalyn.." pagtawag nito kay Reinalyn.

Agad kong itinago sa likod ko si Reinalyn at iniharang ang katawan ko kay Aly.

Sinalubong ko ang mga mag aapoy nitong mga mata at tiningnan sya ng mataman.

"Khent, mag uusap lang kami ni Reinalyn." Sabi nito sa akin saka ako hinawi pagilid.

Pero namatili ang mahigpit na pagkakakapit sa akin ni Reinalyn. Kaya nang hawiin ako ni Aly ay nasama rin sya.

Nanatili akong naka harang kay Reinalyn.

"Khent, Isa!" Sigaw nito sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba at takot sa pwede nyang gawin pero nanatili akong nakaharang kay Reinalyn.

"Dalawa, Khentlee! Hindi ka ba aalis!?" Nang gagalaiti nitong sabi sa akin.

Mas hinigpitan ko lamang ang pagkakayakap ko kay Rei saka inihanda ang sarili sa kung ano mang gagawin ni Aly.

"Tatlo!" Sigaw nito. Aambangan na sana ako nito ng suntok ng mailagan ko ito at humakban patalikod. Still itinatago ko parin si Reinalyn sa aking likuran.

Aabahan sana ako uli ng suntok ni Aly ng magsalita si Reinalyn.

"Tigilan mo na ang anumang kabaliwan mo, Kuya Aly. Ikaw lang rin ang mananakit sa sarili mo sa huli." Malumanay na sabi ni Reinalyn.

Napakalas ang pagkakahawak ko kay Reinalyn saka sya bumitiw sa akin. Nagkatitigan lamang silang dalawa ni Aly.

"Bakit, Rei? Hindi kita maintindihan." Sabi nito at pilit na inihahawak ang kamay nya sa kamay ni Reinalyn.

agad naman akong umaksyon at iniharang ang katawan ko kay Reinalyn saka sya tinago sa likuran ko. Ramdam ko ang panginginig nya dulot ng pinagsamang takot at kaba.

"Khent! Hindi pa kami tapos mag usap! Epal ka ah!" Sigaw nya sa akin at inambahan akong suntukin ng hilahin ako palayo ni Reinalyn.

"Gusto ko na si Khent! At wala ka ng magagawa pa para lang kunin ang puso ko na sa kanya ko lang ipinagkaloob!" Sigaw nya bago nya ako tuluyang hilahin paalis sa kinalalagyan namin.

Nanatili akong nakatulala nun dahil sa pangyayare.

Napalingon pa ako sa kinalalagyan ni Aly pero nakita ko na itong itinapon ang bulaklak na para sana ay kay Reinalyn saka tumakbo papasok ng campus.

Matapos nun ay nahinto kami ni Reinalyn sa isang park.

Iniharap ko sya sa akin dahil kita ko ang pagtulo ng mga luha nito dahil sa pinagsamang takot... at lungkot?

"Nakasakit ako, Khent. He doesn't deserve that." Umiiyak na sabi nito sa akin.

Niyakap ko na lamang sya saka sya pinatahan.

"I know. At alam ko ring ginawa mo lang iyon para tigilan na nya tayo at syempre maka pag move on na sya. You just made the right desicion." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Napatango tango na lamang sya. At makalipas ang ilang oras na pagtambay sa park ay nag aya na ring umuwi.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon