Continuation..
Pagkaraan ng makapasok sya ng monitor room ay agad nyang tiningnan ang bawat monitor kung saan kuhang kuha ang bawat galaw sa video ng CCTV.
Tahimik nyang napapanood ang ginagawang pagtakas ng kanyang mga kaklase.
Nakita pa nyang pinuntahan ng mga ito sila Sherwin at Hannah na nakahandusay sa sahig.
Malamang, patay na si Hannah.
Sambit nito sa sarili. Nakita nilang natapik tapik nila si Sherwin bago ito gumalaw galaw na tila sinasabing sya ay buhay pa.
Napangisi sya.. masamang damo be like.
Inakay nila ang nanghihinang si Sherwin saka sama samang naglakad palayo ng malawak na ground.
Pero hindi pa man nakalalayo. Nakita nyang pilit na inaabot ni Reigne ang baril na nasa tabi nito.
Matapos ay itinutok iyon sa isang tao.
Maya maya isang kasa ang narinig bago ang malalas na pagputok nito.
Matapos ng halos wala pa yatang kalahating bilang ng isang segundo doon nakitang bumulagta sa lupa si Glorie.
Habol habol nito ang hininga at nakita nya na ring nag pa panic na ang mga kasamahan.
"Tinupad nya talaga yung hiling?.." nakangisi nyang sabi sa sarili. Mukhang tinupad na ni Reigne ang syang pangako nya kay Charles.
Patayin si Glorie..
Dahil sa pananakit nito sa kanya.
Nakita nyang nilapitan ni Arvic ang Armalite saka ito paulit ulit na pinaputukan sa uluhan ni Reigne. Kung hindi pa sya pinigilan ng mga kasamahan malamang ay uubusin nya ang mga natitirang bala ng Armalite para lamang mapasabog ang buong ulo ni Reign.
Maya maya ay nakita nya ng naglalakad na ang magkakaklase palabas ng malawak na gubat.
Blangko ang mukha nyang ini off ang switch ng kuryente at punabayaang makatakas ang mga kaklase.
Matapos nun ay muli syang naglakad palabas. Muli nyang binalikan ang malawak na ground. Doon makikita ang nakabulagtang si Reigne kasama si Hannah at makikita rin sa di kalayuan si Glorie na may tama sa uluhan nito.
Tila nanghihina ang tuhod syang naglakad palapit rito. Parang naging mabigat ang bawat pag hakbang ng kanyang mga paa palapit rito.
Nang makarating sa harapan nito.
Doon na tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha. Doon na bahagyang nagkaroon ng emosyon ang kanyang mukha.
Napaluhod sya at napahaplos sa pisngi ni Reigne.
Kasabay nun ay ang unti unting pagpatak ng tubig ulan pababa sa kanyang katawan.
Ang unti unting pagpatak ng ulan ay nagmistulang karerahan sa pagpatak ng mga ito sa sobrang lakas at bilis ng pagpatak nito sa lupa.
Mas lalong nakadagdag ng kanyang kalungkutan ang ulan lalo na sa tuwing iniisip nya na kahit sa maikling panahon sila nagkasama ay natutunan nyang mahalin bilang kapatid si Reigne.
"Reigne.." umiiyak nyang sambit ng pangalan nito bago nya yakapin. Di alintana ang dugong pwedeng kumapit sa kanyang puting damit.
Umiiyak nanaman sya.
ipinangako nya sa sarili nyang hindi na sya muli pang iiyak pero ano ito?
Muli akong binigyan ng kapatid. Ay sya rin namang biglaan nyang pagkawala. Naglolokohan ba tayo?
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...