Benedict's POV
Hanggang ngayon ay nag aalala kami para kay Julie. Kinakabahan na at natataranta sila Belladel dahil sila sila ang mga kaibigan ni Julie.
Hindi na ako nakatiis saka kinuha ang flashlight na nasa drawer.
"Hindi ko matiis. May babae nanamang nawawala." Sabi ko kah Khent na lumapit sa akin.
"Kung ganun sasamahan kita." Sabi nya sa akin at kumuha rin ng sarili nyang flashlight.
Nagpaalam kami sa kanila at ang iba raw ay hahanapin parin si Kyle. Mukhang hindi parin sila nawawalan ng pag asa na makita si Kyle.
Naglakad lakad kami ni Khent papuntang kagubatan dahil baka nandito si Julie. Pwede naman kasing naliligaw lang sya.
Habang naglalakad lakad kami ni Khent ay nag kwe kwentuhan kami sa mga nangyayare sa amin dito.
"Para sayo, Ben? Dahil sa mga nangyayare ngayon dito. Masasabi mo na kaya yang nararamdaman mo?" Nakangising pagbibiro ni Khent sa akin. Hindi ko alam kung pagbibiro pa ba yung sinabi nya sa akin.
Basta natawa ako sa sinabi nya.
Napatingin naman sya sa akin at iiling iling na sinabing:
"Ang torpe mo talaga."
Ngumuso ako sa sinabi nya.
"Napag tapat ko na nga eh." Pagsagot ko sa kanya.
Tumahimik naman sya at hinintay lang na magsalita ako ng magsalita.
"Hindi ko lang alam kung ano ang sasagutin nya. Natatakot kasi akong masaktan." Sabi ko.
"Hay. Yan ang mahirap sa ating mga tao eh." Sabi ni Khent. "Ang lakas lakas nating mainlove at mahulog sa isang tao tapos pag hindi masalo sasabihing ayaw masaktan." Napapailing nyang sabi.
"Humugot ka nanaman." Tatawa tawa kong sabi sa kanya.
"Stating the fact." Sabi nya at maya maya'y biglaan syang nadapa kaya nag tatatawa ako habang nakikita syang naka upo at nakangiwi.
"Ano ba yan Khent! Ang lampa!" Sigaw ko sa kanya at tutulungan sana syang tumayo ng mapako sa isang bagay ang mga mata namin.
Agad akong napa urong at agad ding napa dausdos sa lupa ng makita ang isang daliring naka usli sa lupa.
"B-ben.." nawika ni Khent sa akin.
Matapos ay agad kaming kumuha ng malaking bato at iyon ang ginawang pang hukay ng lupa sa kinalalagyan ng kung sino man.
Habang naghuhukay kami ay ang pagbagsak ng ulan. Pero pinagpatuloy lamang namin ang paghukay.
Hanggang sa agad na ngang bumulaga sa amin ang katawan ni Kyle.
Nagdurugo pa ito pero alam naming sariwa pa kahit na punong puno na sya ng lupa.
Napadiin ang pagkakakagat ko sa ibabang bahagi ng labi ko.
Walang pasabi akong tumakbo at galit na galit na pinuntahan ang posibleng maging kanang kamay ng Killer. Ang posibleng pumatay kay Kyle.
Ang mga lakad ko'y naging takbo. Alam kong nasa hotel sya ngayon kaya agad akong pumunta roon.
Nang makarating roon ay agad na nilapitan ako nila Rei. Pero hindi ako nagpatinag at hinanap ang salarin.
"Hayop ka Agasa!" Sigaw ko sa kanya at agad syang inatake ng suntok.
Napa upo sya dahil sa lakas.
Kinuha ko pa ang kwelyo nya at muling sinuntok ng malakas.
Nagdurugo na ang labi nya pero hindi parin ako tumitigil.
Halos nakakapit na sa aming dalawa ang mga kasamahan namin dahil hindi nila kami mapaghiwalay.
Sinuntok na rin ako ni Charles ng maka ilang beses.
Maya maya rin naman ay natigil ng makita namin sila ate Mikaella na pumagitna sa amin kaya natigil ako at napasama na sa mga humahatak sa akin.
"Anong nangyayare rito!?" Sigaw nya. "Nasa panganib na nga tayo nagawa nyo pang magsuntukan!" Sigaw nya. Galit na galit na rin sya.
Dinuro duro ko si Agasa.
"Akala ko mapagkakatiwalaan ka! Pero anong ginawa mo!? Pinatay mo si Kyle!" Sigaw ko na syang ikinatahimik nila.
"P-patay na si Kyle?" Tanong ni Izean.
"Oo. At yang g*gong may asul na mga mata ang syang pumatay sa kanya!" Sigaw ko pa.
"HINDI AKO ANG PUMATAY SA KANYA!" Bulyaw ni Charles.
"Paano mo nasabi? Nakita kitang putikan ng umuwi ka nung gabing nawawala ka! Siguro pinaglalaruan mo lang kami noh? Siguro----" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita na muli si Charles.
"NANDOON AKO KASI NAKITA KO! NAKITA KO KUNG PAANO PATAYIN NG KILLER SI KYLE! NANDOON AKO!" Sigaw nya.
Natahimik muli ang kabahayan. Nakikita kong umiiyak na si Agasa.
"Takot na takot ako nun. Hindi ko alam kung paano sya lalabanan. Dahil duwag ako. Natakot ako sa mga ngiting ibinigay nya sa akin. Natakot ako na baka pag nanlaban ako. Ako na ang isunod nya. Gusto ko pang mabuhay!" Sigaw nito.
Natahimik ako. Wala akong masabi. Bakit ba kasi hindi ko inisip ng mabuti na pwedeng mangyare toh? Na pwedeng pinaglalaruan kami muli ng killer.
"Kung ganun sino ang Killer?" Tanong ni Benji.
Natahimik si Charles.
"Si...."
Hindi pa man natatapos ay namatay na ang mga ilaw sa kabuuan ng hotel. Madilim na sa labas dahil hapon na at umuulan pa.
Kanya kanyang hanapan ng flashlight hanggang sa umilaw na rin naman ang kabuuan ng paligid.
Muli naming ibinalik kay Charles ang atensyon namin.
Kita ang panginginig nya at ang pamumutla nya. Para syang nakakita ng multo.
"C-charles?" Tanong ni Joyce.
"W-wala.. hindi ko n-nakita ang m-mukha nya. N-naka maskara sya." Sabi nya.
Napatango tango sila. Hindi ako kasama. Dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nya.
"Ahm guys! Matulog na tayo ngayon. Napagkasunduan namin ni Mika na dala dalawa sa iisang kwarto para na rin sa proteksyon ng iba. Paunti na tayo ng paunti. Kelangan ay maging alerto tayo." Sabi ni Mary sa amin.
"Baka mamayang gabi uli sya makipaglaro kaya tayo matutulog ng hapon para may energy tayo mamaya. Ngayon. Kung sino ang gusto nyong makasama sa iisang kwarto ang isama nyo sa kwarto. Pero please lang. Magbantayan kayo okey?" Sabi ni Mikaella.
Napadako ang tingin ni Mary kay Charles.
"Agasa. Matulog na tayo." Sabi ni Mary saka inakay si Agasa paakyat at papunta ng kwarto nya.
Kanya kanyang pasok narin ang iba hanggang sa makaramdam ako ng paghila.
"Tayo nalang magkasama." Seryosong sabi ni Sam sa akin..
Palihim akong napangiti.
Paakyat na sana kami ng marinig namin ang nakakagulat na rebelesyon ni ate Mika.
"Patay na si Julie." Sabi nito.
Agad kong narinig ang pag iyak ni Belladel at Rachel.
Wala naman na tayong magagawa diba?
Iligtas nalang ang mga natitirang buhay.
~¤~¤~
Author's:
Last update.. baka bukas o mamayang gabi nalang uli
Exam eh XD
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...