S.2 - 21 (Flashback)

424 36 1
                                    

Author's:

Flashback po ito huh. Wag pong malilito.

At isa pa...

Third person's POV po tayo para hindi po kayo masyadong malito kung papalit palit ang bawat Point Of View rito. Mas magandang iisang tao na lamang ang mag kwe kwentl at ako yun (author) *wink*

~AmISaying

~¤~¤~

Third person's POV

Grade 2

Nagmamadaling umakyat ng kwarto ang batang si Ashley habang masayang yakap yakap ang kanyang paboritong manika. Ito kasi ang manikang iniregalo sa kanya ng kanyang papa noong isang taon. OFW ang kanyang papa kaya minsan sa isang taon lamang sila magkasa kasama.

Alam nya rin sa sarili nyang sya ang pinaka paboritong anak ng kanyang papa. Kaya ganoon na lamang sya nito kamahal at ka ispoil.

Agad syang dumamba sa kanyang kama saka kinuha ang kanyang cellphone.

[Hello, anak!] Masayang sabi ng kanyang papa sa kabilang linya.

"Papa!" Masaya nya ring pagtawag rito.

[Oh? Bakit naman tumawag ang babae ko?] Sabi nito sa kanya.

"Eh... papa. Gusto ko lang sanang malaman kung anong oras kayo uuwi dito sa Pilipinas? Diba you said na uuwi ka dito ngayon?" Halo mapunit na ang bibig nito sa kangingiti habang kausap ang kanyang papa.

[Eh, anak. Mamaya pang gabi ang uwi ng papa. O kaya naman baka mamayang madaling araw na. Medyo matagal kasi ang byahe dito sa Saudi papuntang Pilipinas. Mamayang hapon pa ang flight ko.] Sabi sa kanya ng kanyang papa.

"Ahhh.. ganun po ba?" Medyo nalungkot na tono ni Ashley na syang nahalata ng kanyang papa.

[Wag ka ng malungkot. Promise ko namang uuwi na rin ako ngayon diba? Oh, ilang oras nalang magkakasama sama uli tayo.] Masayang sabi ng kanyang papa sa cellphone.

"Ehhh.. di naman na ako makapag hintay pa." Nakangusong sabi nya sa ama.

[Hahaha.. sige. Maiba tayo. Anong gusto mong pasalubong ko dyan?] Sabi nito sa kanya.

"Hmmm.. papa gusto ko ng barbie! Medyo luma na rin kasi si Lala eh." Sabi nya sa ama at tumingin sa kanyang manikang pinangalanan nyang Lala.

[Ayy! O sige sige. Eh si Alhiya? Tanungin mo naman yung kakambal mo] nasabi nito.

Agad nya namang hinanap ang kakambal kaya nagtatatakbo ito palabas ng kwarto at dumiretso sa katabi nyang kwarto. Alam nya kasing naroroon ang kanyang kakambal at alam nyang busy nanaman ito sa pagbabasa ng mga pambatang kwento.

"Ahliya! Ahliya!" Pagtawag nya sa kakambal habang kumakatok ng pintuan nito.

Agad naman itong bumukas kaya agad na rin syang pumasok.

"Oh? Anong problema mo?" Tanong ng kakambal sa kanya.

"Si papa oh! Usap daw kayo" sabi ni Ashley saka inabot sa kakambal ang cellphone.

Masaya naman nitong tinanggap ang cellphone.

"Papa!" Masaya nyang bati sa kabilang linya.

[Anak, Ahliya!] Masaya ring bati ng kanyang papa sa kabilang linya.

"Kamusta na po kayo?" Tanong nito sa ama.

[Ayos lang naman, anak. Ayy! Oo nga pala. Anong gusto mong pasalubong ni papa mamaya pag uwi ko?] Tanong nito kay Ahliya.

"Hmmm... papa pwede bang doll?" Tanong nito.

Agad namang napasulyap sa kanya si Ashley at napakunot ng noo.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon