S.2 - 20

373 30 0
                                    

Benedict's POV

Dahil sa nakita ko kahapon halos hindi na ako lumabas ng kwarto lo dito sa bahay. Natatakot ako.. hindi ko kaya na baka gumama ang hula ko. Hindi ko kayang intinihin si Jonalyn kung sya talaga si Joker na pumapatay sa amin. Sa mga kaklase ko.

Oo. Kelangan ko ng kasagutan. Noon.

Dahil sa nakita ko kahapon. Para bang naurong ko ang dila ko. Ni hindi ako nakapagsalita ng maayos. Para bang bumagsak ang puso ko. Dahil hindi ko matanggap na sya ang pwedeng gumawa ng mga iyon sa amin.

Ano bang naging kasalanan namin sa kanya kung nagkataon?

Maya maya pa ay nagising ako sa realidad. Narinig kong nag ri ring ang phone ko sa study table ko dito.

Pilit kong ibinangon ang katawan ko dito sa kama. Saka ako naglakad patungong study table at tiningnan ang caller sa screen.

"Sino naman kaya ito?" Natanong ko na lamang sa aking sarili dahil unregistered ang number sa cellphone ko.

Maya maya pa ay nawala na ang call. Babalik na sana ako sa kama ng makita kong rumehistro muli ang number na iyon sa cellphone ko.

Ano bang kelangan nito? Sino kaya toh?

Kinuha ko na yung cellphone ko saka ko na sinagot ang tawag.

"Hello?" Bungad na sagot ko sa kabilang linya.

"Benedict.." boses nya palang ay agad ko ng nabitawan ang cellphone ko. Na tap yata yung loud speaker kaya naririnig ko pa ang mga nangyayare sa kabilang linya.

"Gulat ka ba?" Natatawa nitong sabi sa kabilang linya.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako makapagsalita sa mga nangyayare. Bigla akong kinabahan at hanggang ngayon. Gulat parin sa mga nangyayare.

"Sa ngayon, alam kong nalilito ka pa. Magkita tayo sa Seoul kung saan tayo muling nagkita kahapon. Hihintayin kita." Sabi nya saka na nag call ended.

Mga ilang minuto yata akong naka tayo ng ganun habang nakatingin sa cellphone ko.

Hindi ko alam kung paano nya nagawa yan.

Pero iisa lang ang alam ko.

Sya si Joker.

Jonalyn's POV

Pagkatapos lang ng tawag ko kay Benedict sa cellphone ay agad ko na ring inutusan si Kuya George papuntang Seoul.

"Kuya, sa Seoul po." Utos ko sa kanya.

Ginantihan nya lamang ako ng isang tango saka na nya pina andar ang sasakyan.

Tulad nga ng nakasanayan ko na habang nagmamaneho ang kung sino mang driver ko.

Palagi na lamang malalim ang iniisip ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Seryoso ang mukha ko habang nakatingin ako sa labas. Iniisip ko kung ano ang kahahantungan ng pag uusap namin ni Ben mamaya. Iniisip ko rin kung pupunta ba sya sa pinag usapan namin. Ayaw ko man pero nakaramdam ako ng mumunting kaba dahil naging malapit syang kaibigan sa akin.

Naging totoo rin naman akong kaibigan sa kanya. Ang kaso nga lang...

"Ma'am! Nandito na po tayo.." pagtawag sa akin ni kuya George ang syang nakaputol ng aking iniisip.

Napapikit muna ako ng mariin  saka ako muling nagsalita.

"Sige, kuya George. Salamat." Nakangiti kong sabi.

"May problema ka ba, ma'am?" Tanong nya sa akin.

Napatingin ako sa kanya saka sya binigyan ng isang pekeng ngiti.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon