Tinawag na ang lahat para sumayaw sa gitna. Nasa kalagitnaan na ng kanilang JS PROM! napakasaya nila! At dahil malapit ng magtapos ang kanilang pinaka masayang party na nangyare sa taong ito ay hindi na nagpa kj ang iba. Agad na rin silang nakisayaw at nakisabay sa beat ng music na pinapatugtog ni dj.
Love songs remix ang syang naging kanta sa kabuuan ng hall. Umalingawngaw rin ang masasayang hiyawan ng mga estudyante sa hall na iyon na kumalat pa hanggang sa labas ng school.
kanya kanyang picture ng camera sa kani kanilang mga cellphones ang syang naging hobby ng iba. Tulad na lamang ni Anthony. Dahil sa bagong bagong cellphone na syang binili nya lamang kanina. Hindi nya man ipagmalaki ang cellphone sa iba. Nakikita iyon ng lahat dahil sa bahagyang makaagaw pansin na tatak nito. Halatang iniinggit rin sila ng baklita.
Nagsimulang mag picture picture si Anthony hanggang sa hindi nya inaasahang abutan sya ni mother nature.
"Bwisit naman oh!" Naibulong nya na lamang sa sarili sa kabila ng malakas na tugtugin na ipinapatugtog sa hall na iyon.
Nagmamadali na syang naglakad patungong restroom ng mga lalaki. At nang makarating roon ay agad nya na rin namang ginawa ang dapat nyang gawin.
Naging maginhawa rin ang kanyang pakiramdam. Salamat at nakapagbawas rin sya.
Nagtungo sya sa salamin na naroroon. Ewan nya pero nakaramdam syang parang may nagmamasid sa bawat kilos nya. Pero, alam nyang malabo dahil wala naman syang ibang kasama sa banyo. Doon sya nakaramdam ng takot.
At dahil sa hindi na nakayanan ang takot ay nagpunta na sya sa pinto ng cr.
Agad nyang pinihit ang pintuan at laking gulat nya ng makitang ikinulong sya sa cr!
Ilang beses nyang kinalampag ang pintuan. Nag iisip ba sya? Natural walang makakarinig nun kahit pa may dumaan sa pintuan nya. Sa lakas ba naman ng musika sa hall! Walang makakapansin na nakulong sya sa banyo!
Kinakabahan na sya. Ipinagdarasal na lamang nyang sana ay wala na syang iba pang kasama sa banyong iyon ng biglang nawalan ng lahat ng ilaw!
"Wahhhhh!" Tili ng isang bakla ang syang maririnig sa loob ng restroom ng school.
Napa upo sya sa sobrang takot na kanyang nadama.
Lalo na ng maramdaman nyang hindi lang sya ang tao sa loob ng cr.
Kinuha nya ang kanyang bagong cellphone.
At dahil sa siguro! Hindi nya pa napag aaralan kung nasaan nakatago ang flashlight nito. Ay ipinunta nya sa camera saka sya nagsimulang mag picture picture sa paligid ng cr.
Click!
Nakakasilaw na liwanag mula sa flash ng kanyang cellphone ang syang naging pansamantalang ilaw nya sa paligid.
Click!
Tutok na tutok si Anthony sa bawat capture ng kanyang cellphone.
Click!
Isang pulang laylayan ng dress ang syang nakita nya sa kanyang cellphone pagkatapos nitong i capture sa pangatlong beses.
Click!
Kinakabahan man pero muli syang kumuha ng litrato!
At laking gulat nya ng makita nyang lumabas sa isang cubicle ang isang nakapulang babae habang naka maskara ang buong mukha!
Hindi nya ito makilala! Pero ang presensya nito ang syang nagpaalala sa kanya kung sino ang taong ito na nasa kanyang harapan!
Ang presensyang si Joker lamang ang nakakagawa! Si Joker! Si Joker ang nasa harapan nya!
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...