S.2 - 19

408 33 0
                                    

Author's:

Wahhh!!!! Konti nalang talaga matatapos na! Nagsisilabasan na ang mga clues kung bakit ginagawa ito ni Joker sa kanyang mga kaklase!

Yay! Ang saya naman!

(Psycho na rin yata ang utak ko      -____- ahhhh!)

But then... kung si Benedict ay Bestfriend ni Jonalyn na syang Joker..

Sino naman kaya ang Bestfriend ni Allen na si Theater Mask Killer?

~AmISaying...

Allen's POV parin po tayo guys!

~¤~¤~

Naglalakad na ako ngayon papasok ng University. Maaga ako ngayon dahil sa gusto kong makisama naman sa mga kasamahan kong SSG na tumulong sa pag aayos ng Christmas JS bukas.

Pero, kelangan ko na munang ipunta ang gamit ko sa classroom namin at ng wala akong bitbitin sa Ball Room sa may Grand Hall ng school. Doon kasi gaganapin ang Ball dahil bukod sa maluwang ito. Magandang doon idaos ang selebrasyon para mas exciting!

Nang makarating ako ng classroom ay wala ng tao. Maliban kay LJ na syang naroroon sa pinaka dulo at naka dukdok ang ulo sa mesa nya.

Napabuntong hininga ako ng makitang nanginginig nanaman ang mga balikat nito. halatang umiiyak nanaman.

Malamang ang dahilan ay si Robert.

Eh kasalanan ko bang si Robert ang syang nakasalubong ko nung araw na yun? Kasalanan nya yun at nagawi sya sa patibong ko.

Naglakad ako palapit sa kanya. Mukhang napansin nya rin ang presensya ko kaya agad syang nag angat ng tingin.

"Oh.. maga nanaman yang mga mata mo. Umiyak ka nanaman." Sabi ko sa kanya at tumabi sa tabi ng upuan nya.

"Bakit? May masaya bang maga yung mata?" Pamimilospo nya pa sa akin.

"Kung ganoon hindi ko pala dapat pinag aalala ang sarili ko sa pag aalala sayo. Mabuti naman ang pakiramdam mo eh. Nakakapamilospo nya nga eh." Yamot kong sabi sa kanya saka sya sinimangutan.

Natahimim naman sya saka ko sya nakitang muling lumuha habang hindi nya pinaparinig sa akin ang mga hikbi nya.

Maya maya ay itinulak nya ang balikat ko pakanan kaya ang ending nakatalikod na ako sa kanya.

Maya maya naramdaman ko na ang pagsandal ng ulo nya sa likod ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkabasa niyon dahil sa mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata.

Nalungkot ako sa nangyare kay LJ. And at the same time. Na guilty. Dahil alam ko sa sarili kong ako ang may gawa ng krimen kung bakit namatay si Robert nung araw na yun.

"B-bes-ss.. w-wala na t-talaga s-sya.." umiiyak nyang sabi saka na lumakas ang hagulgol nya sa likod ko. Mas lalo lamang nabasa ang uniform ko sa likod.

Napa yukom ang mga kamao ko at naitago na lamang ito sa mga bulsa ko.

"Sige, Bess... umiyaka ka lang kahit na gaano katagal ang gusto mo.." nasabi ko sa kanya saka hinawakan ang kamay nya kahit pa nakatalikod ako sa kanya.

Doon lamang sya umiyak ng umiyak.

At habang ginagawa nya iyon nag pa flashback sa akin yung mga eksena kung paano kami nagkakilala ni LJ at naging mag kaibigan. Hindi lang basta magkaibigan. Kundi mag Bestfriend.

Flashback*

Unang pasok ko palang dito sa school na ito. At Grade 2 palang ako. Hmmm... nasaan na kaya ang magiging bago kong room?

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon