Grade 3
Lumipas pa nga ang mga araw. Grade 3 na sila ngayon.
At habang tumatagal ang kanilang pagsasamang magkakambal. Maa lalo pa rin nya itong pinag seselosan.
Pilit nyang ipinamumukha sa sariling dapat ay hindi sya pwedeng magselos sa kakambal. pinipigilan nya pa ito.
Not until, nang biglang dumating ang isang pangyayare sa kanila.
Monday..
Maagang pumasok ang magkambal sa kanilang school dahil ayaw nilang ma late. Gusto kasi nilang ma maintain ang kanilang grades at syempre maging aktibo sa klase parati.
Habang tumatakbo sila patungong school. Nakikita nyang halos maunahan sya ng kakambal sa pagtakbo. Feeling nya nakikipag karerahan ito kaya mas binilisan nya pa ang kanyang pagtakbo. Pero, bakit ganun? Tila napaka bilis nitong tumakbo at hindi mya mahabol habol.
Hanggang sa maka rating na nga sila sa kanilang classroom. Agad silang pumunta sa kanilang upuan at sila'y saglit na nagpahinga.
Binalewala na lamang nya ang selos na nararamdaman. Dahil naiirita lamang sya sa tuwing iisipin na sya'y naungusan ng kakambal. Para sa kanya. Sya parin ang mas maganda, mas matalino, mas popular, ma kapansin pansin. Walang wala ang kanyang kakambal kumpara sa kanya. Para sa kanya. Sya ay isang nobody na nagpupursigeng maging popular tulad nya.
Napairap na lamang sya ng palihimim hanggang sa magsimula na ang klase.
Math ang una nilang subject.
"Good morning class." Nakangiting sabi ng kanilang teacher sa kanila.
Agad na naghanda si Ashley para sya ay muling mapuri ng kanyang guro.
Kinuha nya ang kanyang notes na nasa notebook nya saka nya muling binasa ang syang naging lesson nila kahapon.
"Ano class, ready na ba kayo para sa graded recitation?" Nakangiti paring sabi ng kanyang teacher.
"Yes, ma'am!" Nasabi nila ng sabay sabay.
Ngumiti itong muli saka na kinuha ang kanyang class record.
"Okey, class. Kapag alam nyo ang sagot. Magtaas lamang ng kamay at kung sino ang unang magtaas ang syang tatawagin ko. Maliwanag ba?" Rules nito sa kanila.
"Yes, ma'am" ang sabay sabay na pagsang ayon ulit ng lahat.
"Okey, let's start." Sabi ng kanilang guro saka na ito nagsimulang magtanong. "5×7=?"
Agad na nagtaas ng kamay nya si Ashley. Agad rin naman syang nakita ng kanilang guro saka na sya nito agad na tinawag.
"Ashley." Pagtawag nito sa kanya.
Tumayo si Ashley saka nya sinabi ang kanyang sagot. "35, teacher." Masayang sabi nito.
"Good!" Masayang papuri nito sa kanya saka sya nito nilapitan at nilagyan ng tatak na star sa kanyang kamay.
Napangiti na lamang sya ng makita ang star na iyon.
"What about, 6×9=?"
Nag compute na muna sya sa kanyang isipan bago nya itinaas ang kamay. Pero bago nya maitaas ito ng tuluyan ay agad ng nakatawag ang kanyang teacher.
"Ahliya." Pagtawag ng kanilang teacher kay Ahliya na syang unang nakapagtaas ng kamay.
"54, teacher." Cheerful nitong sabi sa teacher.
"Very good!" Nasambit ng teacher na syang ikinakunot ng noo ni Ashley.
Bakit pagdating kay Ahliya, Very Good? Tapos sa akin Good lang?
Ang mga katagang nasa kanyang isipan. Hindi nya maintindihan kung bakit mas mataas ang papuri ng kanilang teacher kay Ahliya. Kesa sa kanya.
Tulad nya ay tinatakan rin ng kanilang teacher si Ahliya.
At dahil sa pag iisip dahil sa nangyare kanina. Nawala sya sa focus kaya hindi nya narinig ang tanong ng teacher.
"9×9=?" Tanong nito.
Agaran naman uling nakapag taas ng kamay si Ahliya. Doon lamang sya natauhan ng marinig nya ang kanilang teacher na tinawag si Ahliya na nasa tabi nya.
"81, ma'am!" Nakangiti nitong sabi.
"Very good, Ahliya!" Masayang sabi ng kanilang guro at muli syang nilapitan saka tinatakan ng star sa kamay.
Dahil sa nangyare ay mas lalo lamang syang nawala sa mood. Pero kahit ganun ay nanatili syang kalmado. Kelangan nyang matapatan---- hindi.. kelangan nyang HIGITAN ang kakambal.
Famewhore!
Napabuntong hininga sya at ikinalma ang sarili. Nagsimula syang makinig sa teacher.
"8×3=?"
Nagtaas sya ng kanyang kamay.
At dahil sa sobrang kaba ng tawagin sya ng kanyang teacher. Nakalimutan nya ang tamang sagot. Panic syang nag compute sa isipan.
"26." Nasambit nya. Hindi alam kung tama ba ang nasagot o mali.
"Ahh... anyone???" Sabi ng kanyang teacher kaya napa upo sya ng dahan dahan. Nahiya sya sa kanyang sarili.
Ipinagdarasal nya sa sariling na sana hindi ang kanyang kakambal ang tawagin ng kanyang guro.
Pero nagkamali sya.
"Ahliya." Pagtawag ng kanilang guro kay Ahliya.
"24?" Patanong pa nitong sagot sa guro.
Doon sya napapikit ng mariin.
8
16
24
Tama ang sagot nito.
"Very good!" Masayang sambit nito at muling tinatakan ang kamay ni Ahliya.
Matapos nun ay muli ng naglakad pabalik sa pwesto nito ang kanilang teacher.
Maya maya pa ay merong dumating na isa pang teacher.
"Excuse me." Nasabi nito at tumingin kay Ahliya.
"Hmmm... ano yun, Ms. Cruz?" Tanong ng kanilang guro sa kadarating pa lamang na teacher.
"Ah.. ma'am Gil. Gusto ko lang sanang i announce na si Ahliya ang syang magiging pambato natin sa singing. Congratulations, Ahliya!" Masayang sambit nito sa kanya.
Napatayo naman si Ahliya saka nya magiliw na napagsaklob ang kanyang mga kamay.
Tuwang tuwa sya at mababakas iyon sa kanyang mukha.
Agad namang nagpalakpakan ang mga kaklase nila saka nila pinagkaguluhan si Ahliya.
Naiwang nasa isang gilid si Ashley. Napahigpit ang pagkakahawak nya sa kanyang mga magkasaklob na mga kamay. Naiinis sya na si Ahliya ang napili kesa sa kanya.
Napatayo na sya saka sya tumakbo palabas ng kanilang room.
Habang tumatakbo sya ay pahina na ng pahina ang kanyang pagtakbo. Hininhingal na rin sya sa kanyang ginawa kaya napa upo na lamang sya sa isang bench.
Habang naka upo ay nag mumuni muni sya. Magiging okey naman kasi sana ang kanilang pagsasama bilang magkakambal kung hindi lang sya nagpapanalo sa singing contest. Dapat medyo pinangitan nito ang boses ni Ahliya nang sya ang naging pambato ng kanilang school.
Maganda naman ang boses nya eh.
Hindi nya lang talaga matanggap na higit na mas maganda ang boses ni Ahliya kesa sa kanya.
Napapikit na lamang syang muli para pigilan ang sarili.
Dadating ang panahon na mahihigitan rin kita, Ahliya. You! Famewhore!
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...