Chapter 38 (last Chapter)

668 57 4
                                    

Third person's POV

Kinagabihan..

Hindi malaman ng lahat kung saan nga ba pupunta. Hindi nila malaman kung paano tatakas.

Masyadong maraming nangyare.

Kasalukuyan sila ngayong nasa sala. Lahat sila ay mataman na nagkakatinginan at tahimik lamang matapos i kwento ni Choi ang kanyang naranasan sa loob ng 3 araw na wala man lang nagising sa kanila.

Nakaramdam sila ng takot at pagkabigla lalo na ng sabihin ni Choi na baka dahil sa mga pagkaing inihahanda ng killer na syang kinakain nila tuwing madaling araw ang dahilan kung bakit sila nakakatulog ng mahimbing at hindi magising gising.

Sleeping Pills..

"Hindi na natin hahayaan pang mapasali pang muli sa laro nya. Kinakabahan ako sa mga susunod na mga mangyayare. Kelangan na talaga nating makalabas ng school na toh!" Hindi mapigilang naisigaw ni Reinalyn sa sobrang takot.

Ayaw nyang mamatay ngayon.

Ramdam na rin nila ang nalalapit na katapusan. Lahat sila ramdam ito.

Matapos sabihin iyon ay muli silanh natahimik.

"Sige... ito ang plano." Nasabi ni Benedict bago sya gumuhit sa sketch pad na nakuha nila sa library.

Umaasa silang lahat na magiging matagumpay ang kanilang pagtakas mamaya.

Samantala..

"Mukhang nag re ready na sila ah..." mapang asar ang tinig nito habang nakatingin sa monitor. Nakangisi rin ito habang iginagalaw galawa ang mouse sa tabi ng keyboard.

Napanguso sya at napag isip isip. Tama nga pala. Ito na ang huling gabing itinakda para patayin ang lahat.

Kelangan ng mamatay.

Ang lahat ng tumalo sa kanya..

~¤~¤~

11:07:03 pm.

Tahimik ang kapaligiran.

Madilim na ang lugar.

Ang tanging maririnig lamang ay kung gaano kalakas at kabilis ang pagtibok ng kanilang mga puso.

Kinakabahan sila sa maaaring maging takbo ng isip ni Joker.

Tahimik silang naghawak hawak. Lahat sila ay magkakakapit. Walang bumibitiw.

Hanggang sa makalabas na sila ng Hotel. Ang matagal na naging tahanan nilang magkakaklase.

Muli silang naglakad. Tila kalkulado ang bawat paghakbang. Tinatantya kung tatakbo ba sila, maglalakad ng dahan dahan, o bibilisan ang kanilang paglalakad.

Paikot sila kung maglakad.

Ang mga lalaki ang halos nasa labas ng bilog habang nasa loob naman ang mga babae kasama ang sketch na syang naging mapa nila para makalabas ng campus.

Habang naglalakad ng tahimik--- papasok na sana ng gubat ng makarinig sila ng mga putok ng baril. Nahinto sila at napa upo sa kanilang kinalalagyan. Napahiyaw ang mga babae at napayakap sa kanya kanyang makapitan nilang kaklase.

Maya maya pa ay napatingin sila sa madilim na bahagi ng kagubatang papasukin sana nila.

Lumabas roon ang isang taong alam nilang walang sinasanto pagdating sa patayan.

"Joker..." naibulong ni Benedict habang nakatitig silang lahat sa paparating na si Joker.

Nakakatakot ang mukha nito. Nakakakaba ang porma nito. At nakakataranta ang dala dala nitong Baril.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon