Prologue

751 32 20
                                    

Buhay. Ito ang ibinigay sa atin para raw matutunan natin ang napakaraming bagay. Isa na rito ang pagngiti't pagtawa. Sabi nila, ang ngiti't tawa raw ay ang senyales na maligaya ang isang tao. Ito raw ang karanasang maramdaman ang tunay na kaligayahan, mababaw man o may mas malalim pang dahilan. May iba't ibang pananaw man ang mga tao sa salitang kaligayahan ay sa iisang bagay lang sila nagkakasundo. Ang mga tao-- gagawin nila ang lahat para sa kanilang ikaliligaya.

Isa iyon sa mga natutunan ko sa paglalakbay ko sa aking buhay. Noong una, ganoon lang naman talaga kasimple ang lahat. Kapag ngumiti ka, kapag tumawa ka, ibig sabihin lang n'on ay masaya ka. Wala na iyong kahulugan pang iba. Marahil ay dahil nakamit mo na ang matagal mo nang pinapangarap kaya ka masaya. Pwede ring dahil kasama mo ang pinakamamahal mo. Napakaraming dahilan para ngumiti at tumawa ng mga tao. Pero sa paglipas ng panahon ay may mga bagay pa tayong natutunan. Kasinungalingan.

Ngayon, ang dating mga inosenteng ngiti at tawa ay nabahiran na ng kasinungalingan. Sa katunayan nga ay marami na ang nabiktima nito. Ngingiti kahit malungkot. Panay pa ang ngiti kahit na sa loob niya ay gusto niya nang sumuko. Tatawa kahit ang sakit-sakit na. Tinitiis ang pagsisinungaling sa sarili dahil iyon ang gusto niyang paniwalaan. Na pilit sinasabi sa sarili na ayos lang ako.

Bakit nga ba ito ginagawa ng mga tao? Pwedeng ayaw niya lang magpakita ng kahinaan. Dahil iyon ang magbibigay ideya sa mga tao kung gaano siya karupok na siya ring mag-uudyok sa mga ito para hilahin siya paibaba. O pwede ring sadyang martir lang ang iba. Na gaya kong mas pinipili lang nilang isipin ang kaligayahan ng iba kesa sa kanyang sarili.

Teka nga. Bakit ko ba pinagsasabi ang lahat ng 'to? Tsaka sino ba kausap ko? Lintek na-- nasisiraan na ata ako ng bait. Kung anu-ano na sinasabi ko. Ang haba ng mga sinabi ko eh wala naman akong kausap. At ngayong inaalala ko ang mga nasabi ko ay hindi ko maiwasang kilabutan sa sarili ko dahil sa kalaliman ng mga pinagsasasabi ko. Hindi ako nagsabi ng mga iyan! Hindi ako iyan!

Isa pa'y nasaan ba ako? Wala akong makita. Napakadilim ng paligid. Ano 'to? Patay na ba ako? Pero hindi ba't sabi ng karamihan ay sa isang maliwanag na lugar ka raw mapapadpad sa oras na mamatay ka? Eh bakit ang dilim dito. Hindi kaya... impyer--

"Ah!" Agaran kong bulalas nang may maalala ako. Kasalukuyan nga pala akong hinahasa ni Rake sa paggamit ng spirit magic.

"Lintek naman, Rake! Bakit ganito kalalim ang ilusyong nilagay mo sa akin!" Reklamo ko at agad na minanipula ang aking mahika. Mula sa aking katawan ay pinadaloy ko ang aking mahika tungo sa aking ulo. "Ano nga ulit ang sabi niya para makawala sa isang ilusyon?" Pangungusap ko sa loob ng aking isip habang inaalala ang tinuro ni Rake sa akin. "Hmm... Nagkakaroon ng isang ilusyon sa paglagay ng mahika sa loob ng utak ng tao. Iyon ang ginagamit para mapaglaruan ang isip."

Unti-unti akong napangisi nang makuha ko ang nais niyang sabihin. Ngayong mayroon na rin akong spirit magic ay makakaya ko na ring labanan ang anumang spirit magic na ilagay sa isip ko. Kaya naman iyon nga ang ginawa ko. Gamit ang aking mahika ay hinanap ko ang mahikang gumugulo sa aking isip. Hindi iyon naging mahirap at agad kong sinubukang labanan ang mahika.

Sa isang iglap ay agad nabago ang paligid. Nawala ang madilim na paligid at napalitan ito ng isang malawak na field sa ilalim ng maulap na langit. Tumambad din sa akin ang isang lalakeng magkakrus ang mga braso na may kunot sa kanyang noo.

"Tss. Tatlong minuto kang nasa loob ng ilusyon, Ean. Sa loob ng oras na 'yon malayang-malaya akong patayin ka," maawtoridad nitong sabi na agad kong kinainis.

"Utang na loob naman, Rake! Konting pigil naman oh. Sa lalim ng ilusyong nilagay mo sa akin ang layo kaya ng nalakbay ko," pagdadahilan ko na inuyaman niya lang. "I'm so tires. Oo may 's' kasi ang dami kong pagod."

"Enemies won't hold back, Ean. Alam mo 'yan. Tss," sagot niya naman. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga na lang.

Hindi kaya biro makipaglaban gamit lang ang isip. Parang mas nakakapagod pa nga 'yon kesa makipagbangasan eh. Alam kong alam niya 'yon pero ni hindi man lang niya naisip na bihasa na siya sa mga ilu-ilusyon na ganito. Samantalang ako ay nangangapa pa. Minsan iniisip ko rin kung bakit ako nagtitiis sa kaibigan kong 'to eh. Masyado akong pinapahirapan.

"Sir Ean!" Naagaw ng malakas na pagtawag ng babae ang atensyon namin ni Rake. Sa paglingon ko ay nakita ko ang isa sa mga tauhan ko sa interrogation unit. "Kailangan po ulit namin kayo."

"Oh? May problema na naman ba sa unit?" Pagtataka ko sabay inis na napakamot sa aking ulo. "Pangatlong beses niyo na akong tinawag ngayong araw ah."

"Pasensya na po, sir. Sinubukan na po namin lahat para mapaamin siya but to no avail," dismayado nitong tugon.

"Which case?" Panghihimasok ni Rake.

"'Yung nahuling bandido po kaninang umaga. Tungkol po sa mga smuggled weapons," sagot naman ng babae sa kanya.

Umuyam si Rake bago magsalita. "Sabi na't hindi agad-agad magsasalita ang bandidong 'yon." Hinarap ako ni Rake na may makahulugang tingin. "Let's end our training for today. Gawin na muna natin ang trabaho natin."

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na natapos na ang training namin ni Rake. Akala ko makakapagahinga na ako, hindi pa pala. "May magagawa pa ba ako?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello, guys! Yes, Ean's back! Yey! Hahaha! At problemado agad. Hahaha!

I know, medyo bitin po 'to. Gusto ko lang pakita how Ean's coping up with his new magic. Mas aastig yan sa chapter one. Pero engot pa rin. Hahaha!

On a serious note, I hope natatandaan niyo pa po 'yung terms na ginagamit dito sa Lakserf. Tulad ng Mysticium and Magicus. If not, should I include a chapter containing all terminologies? Comment lang po. Salamat ulit! :D

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon