Panay ang pagpapaputok ni Bullet sa mga nagtatago sa likod ng mesa na sina Brendz at Jarrel dahilan para hindi matuloy ang kanilang plano. Wala itong pakialam kahit pa nababasag at nasisira na ang mga salamin at gamit sa silid. Iyon naman ang kinakabahala ni Jarrel gayong ang mga computer na lamang sa silid ang natitirang pag-asa nila upang ipaalam ang sitwasyon ng Metania sa Orthil.
"Damn this! He won't stop firing," inis na bulalas ni Brendz habang humahanap ng tiyempong umatake pabalik. "Hey, when I give you the signal, run to the computer. Got it?"
"H-huh!? How am I suppose to--"
"Move!" Sigaw ni Brendz at dali-dali naglabas ng bughaw na enerhiya sa kanyang mga kamay. Kasabay ng pagtayo niya ay ang pagkumpas niya ng kamay at doo'y lumipad tungo kay Bullet ang mga matutulis na icicle. Sa ginawa niya ay ang mga icicle na ang pinaputukan ni Bullet. Taranta man ay kaagad na kumilos si Jarrel at kumaripas ng takbo sa computer.
Kaagad na naagaw ni Jarrel ang atensyon ni Bullet kaya naman inasinta siya nito. Gamit ang parehong kamay ay muling nagpalipad ng mga icicle si Brendz at sa pagkakataong ito ay doble na bilang nito. Buong akala ni Brendz ay mababaling niya ang atensyon ni Bullet sa kanya ngunit laking gulat niya nang sumulpot sa berdeng enerhiya ang isang bilog na drone malapit sa balikat ni Bullet at siya ang bumaril sa mga pinalipad niyang icicle.
"No!" Muli niyang sigaw at muling nagpaputok si Bullet.
"Ahh!" Daing ni Jarrel nang madaplisan ito sa kanyang braso.
Kaagad na nataranta si Brendz nang makitang tumakbo na si Bullet tungo kay Jarrel habang binabaril siya ng drone nito. Yumuko si Brendz upang ilagan ang pagpapaulan ng bala ng drone at kasabay nito ay ang paglapat ng dalawa niyang palad sa sahig. Naglabas siya ng malakas na enerhiya sa kanyang mga palad. Sa kanyang kaliwa ay mabilis na gumapang ang yelo sa sahig na siyang nagpawala sa balanse ni Bullet dahilan para bumagsak ito habang sa kaliwa niya ay dumaloy ang yelo malapit kay Jarrel. Unti-unti ay umakyat at namuo ang yelo hanggang sa makagawa ito ng malaking pader upang protektahan si Jarrel.
Matapos ang paglikha ng yelong pader ay muli siyang humampas sa sahig gamit ang kaliwa niyang kamay. Umangat ang yelo sa sahig kung saan nakahiga si Bullet dahilan para tumalsik ito palayo sa kinalulugaran ni Jarrel. Doo'y nakakuha na siya ng tiyempo upang pumuwesto malapit sa pader na nilikha niya.
"Brendz! A-are you ok?" Dinig niyang pangangamusta ni Jarrel.
Napairap siya sa kanyang narinig. "Just get the f*cking communications up!" Kapansin-pansin ang inis sa tono ni Brendz. I never knew that I could get my hands full like this again. Pahayag niya sa kanyang sarili.
Nang muling ibaling ni Brendz ang kanyang tingin kay Bullet ay natunghayan niyang bumabangon na ito muli. Agad siyang naghanda sa susunod nitong galaw at pinatalas ang kanyang pakiramdam, ngunit sa kabila nito ay pilit pa rin siyang nagpapakatatag lalo na sa mukha ng kaharap niya. Hanggang sa muli niyang makita ang drone sa balikat nito.
"Amazing, huh? This cute little droney can do a lot of stuff, mind you." Tila umulit ang boses ni Kouji sa kanyang isip nang maalala niya kung paano nito pinagmalaki ang unang drone na nalikha niya.
Yes, it does. And so are all the AI you made. It's always been your hobby to build those pile of sh*ts. Sabi niya sa kanyang sarili.
Naputol ang pagmumuni niya nang maglabas ng isang granada ang kanyang kalaban. Akmang ibabato na nito iyon nang mabilis na siyang sumugod. Maagap na nahablot ni Brendz ang bakal na braso nito. Gamit ang kabilang kamay ay nagbato ng suntok si Bullet na madali lang nayukuan ni Brendz. Sinundan ni Bullet ang kanyang atake gamit ang kanyang tuhod ngunit mabilis na sumirko si Brendz habang pinipilipit ang braso niya. Doo'y nakakuha si Brendz ng tiyempo na suntukin ang kaliwang tagiliran nito na sinundan niya pa ng pagsipa rito. Pumaikot si Brendz upang kumuha ng lakas at sinipa ang katawan ni Bullet, ngunit laking gulat niya nang hindi man lang ito natinag.
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...