Kakabukas pa lang ng bakal na pinto ay dali-daling lumabas ang isang lalake kasunod ang ilan niyang mga tauhan. Malalaki ang hakbang nito habang tinatahak ang tuwid na daan. Bakas man ang pagkabahala ay hindi maitatago ang inis sa magkasalubong nitong kilay.
"Tell someone from the communications department to prepare and inform them of this matter, ASAP!" Maawtoridad nitong sabi. Walang pagdadalawang-isip na tumugon ang kanyang mga tauhan at agad nang tumakbo. Sa tindi ng emosyong nararamdaman ng lalake ay napabuga na siya ng hangin mula sa kanyang bibig. "Tss. Bakit ngayon pa." Bulong niya sa kanyang sarili.
Binuksan nito ang pintong humaharang sa kanyang daan at agad na pumasok sa kanyang silid. Mula rito ay mabilis na napatayo ang babae nang makita ang mukhang suot ng lalake. "A-ano'ng nangyari? Bakit ganyan--"
"Yrah just contacted us. They have Brendz," siwalat ni Rake habang nagtutungo sa kanyang mesa na nagpalaki sa mga mata ng babae. Mula sa mga papeles na nakapaibabaw sa kanyang mesa ay isa-isa niya itong tinignan.
"Huh? Ano ibig mong sabihin? Hawak ng MG si Brendz?" Naguguluhan at nag-aalalang tanong ni CJ.
Umiling si Rake sa naitanong nito. "Metania. They just took Brendz as their prisoner." Napatiim ng bagang si Rake sa sinabi niya bago nagpatuloy. "At ni wala ata silang balak na ipaalam sa atin 'to. Kung hindi pa tumawag si Yrah."
"Ano!? Teka, b-bakit daw?" Halos hindi magkamayaw si CJ sa kanyang mga nalalaman.
Huminga muna nang malalim si Rake upang kumuha ng buwelo sa kanyang pagpapaliwanag. Binaba niya na ang mga papel na hawak niya sa mesa saka nagsalita. "Sinira raw ni Brendz ang istatwa ni amang Laksen. Not just any statue, the oldest statue of Laksen that we have. Yrah cannot do anything. Nangyari daw ang lahat right after they setup the cameras and it did caught everything." Tanging pagtakip na lang ng bibig ang nagawa ni CJ sa kanyang mga narinig. Humalukipkip si Rake saka napailing. "Something's definitely not right. Brendz may not be emotionally stable as of now, but she knows very well that taking down a relic is going to bring her into serious trouble."
Dahan-dahang humakbang si CJ palapit kay Rake habang malalim ang iniisip. "Tingin mo may kinalaman dito sila Kokoro at Jarrel?"
Napatingin si Rake kay CJ nang tila ba'y may mensaheng pinaparating. "You tell me. You stayed with them in their city and have known them for some years. Do you think they're capable of doing this?" Nanatiling tahimik si CJ at hindi nakasagot sa binatong tanong ni Rake.
Hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa nito ang mga tauhang inutusan ni Rake. "Sir Rake! We've relayed your orders to the communications department. But it seems like Metania is blocking us."
"Ano!?" Kasabay ng bulalas ni Rake ay ang paghampas niya sa mesa. Napapalatak na ito ng dila sa inis at kaagad nag-isip ng panibagong plano. Nang tumama ang tingin niya kay CJ ay kita niyang tumango ito na wari ay naintindihan nila ang isa't isa. Muling binalik ni Rake ang kanyang atensyon sa mga tauhan niya. "Call Jedi. Also tell Shion to prepare some of his men." Tila napako sa kani-kanilang posisyon ang mga tauhan ni Rake sa naging utos niya, hindi makapaniwala sa ideyang namumuo sa kanilang isip. Napauyam siya sa naging reaksyon ng mga ito. "Don't worry. We're just going to pay Metania a visit."
***
Tahimik ang buong paligid at tanging mga hakbang lang ng isang lalake ang naririnig. Nagpapabalik-balik ito ng lakad habang suot ang nakakapang-asar na ngisi at nakatingin sa babaeng nasa likod ng mga rehas. Bawat pagitan ng mga rehas ay makikita ang mga transparent at may pagkakulay bughaw na ilaw. Kapansin pansin din ang ilang mga buton sa harap nito. Mula rito ay masasabing higit na mas hi-tech ang kulungang mayroon ito kung ikukumpara sa mayroon ang Orthil.
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
Viễn tưởngTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...