Chapter 43: Battle to Fight For [Part 2]

121 10 31
                                    

Parang bulang naglaho ang isang Visitant matapos makatamo ng ilang bala ng baril. Gigil at seryoso pang kinalabit ni Kouji ang hawak na baril upang patamaan naman ang papalapit na grupo ng Visitant na walang kahirap-hirap din nitong natalo. Hanggang sa mahagip niya ang isang Visitant na mabilis nang lumilipad sa direksyon ng nakatilikod niyang kasama dahilan para mabilis niya itong atakihin. Gulantang na napalingon si Brendz sa pag-irit at paglaho ng Visitant mula sa kanyang likod.

"What's wrong with you, Brendz? You're starting to slow down," alalang sambit ni Kouji habang patuloy na umaatake.

Isang Visitant ang tumili malapit kay Brendz at dali-dali niya itong pinaliparan ng matutulis na yelo gamit ang kanyang mahika. "I-I'm sorry," nababahalang sagot nito.

Mabilis na lumapit ang lumulutang na si Relena sa kanyang kaibigan. "Is something bothering you?"

Humugot muna ng malalim na hininga si Brendz bago nagpaliwanag. "I-- I just suddenly got a weird feeling. I can't get it off my chest," panimula nito. Patuloy naman sa pag-atake at depensa ang kasamahan nilang si Kouji habang handang makinig sa ibabahagi ni Brendz.

*****

Habang tahimik na tinatahak ni Brendz at Jarrel ang tahimik na pasilyo ay napansin niya ang pagkabahala ng binata. Nagdalawang isip pa ito kung tatanungin si Jarrel sa bumabagabag sa kanya, ngunit sa huli ay minabuti niya nang banggitin ito.

"If you're worried about them then focus on the current situation," malamig nitong sabi kay Jarrel.

Bago sumagot ay napalunok muna si Jarrel at napatingin sa sahig. "Kuya Gant did something to ate Kokoro and Hugh. Yes, I'm indeed worried about them, but I'm more worried about what they can possibly do," saad nito na tila hindi mapakali sa naiisip. Hanggang sa tumingin na siya kay Brendz. "Especially ate Kokoro. Out of the four of us, she's the most dangerous. Even kuya Gant admits it. She's someone we should look out for."

Umuyam si Brendz sa nasabi nito saka umirap. "Don't worry. They won't discover us unless you stick your a*s around here. Let's move."

*****

Patuloy ang pagbaril ni Kouji sa mga pasugod na Visitant habang nahahalata na nila ni Relena ang pagkabahala kay Brendz. Hinanda na ng isang Visitant ang matulis nitong kuko upang iwasiwas kay Relena nang gumawa ito ng halang upang depensahan ang sarili. Mabilis na ginamit ni Brendz ang hawak na sibat upang atakihin ang halimaw.

"So you're worried about Jarrel who was sent by Ean to Metania?" Walang ganang asik ni Kouji.

"No, it's not Jarrel I'm worried about," pagtanggi ni Brendz. "If what Ean told us that someone from Orthil is going to deal with matters in Metania was right, I guess I'm bothered by who would face her."

Pumagaspas ang pakpak ni Relena upang makalayo sa grupo ng mga Visitant. Dali-dali niya namang tinutok ang mga palad niya sa sa mga ito at sunod-sunod na tumira ng bola ng purong mahika dahilan para maglaho ang mga ito. "All we could do is to believe in them, Brendz, that Seniors of Orthil will be the victor. I'm pretty sure that kuya Rake and the others would do everything in their powers to make that possible."

Sumirko si Brendz upang iwasan ang atake ng mga Visitant at lumuhod. Sa paglapat ng palad niya sa damuhan ay lumabas ang malakas na enerhiya mula sa kanya at doo'y umangat ang matutulis na yelo na siyang tumuhog sa maraming Visitants. Gayunpaman ay hindi pa rin naalis ang pagkabahala niya. "I hope you're right."

*****

"Rake!" Alalang sigaw ni CJ nang dumaing si Rake at napaluhod na sa batong sahig na humahangos. Bumunghalit naman ng tawa si Kokoro sa kanyang natunghayan na animo'y nakakakuha ng sensasyong makita ang paghihinagpis ng lalake sa harap niya. Sa inakto nito ay nanggigil si CJ at nagmanipula ng tubig tungo kay Kokoro.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon