Chapter 36: Unmasked

145 9 33
                                    

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kokoro sa pagkagulat nang biglang may pumasok sa kanyang silid. Ilang saglit na tumigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil dito at hindi agad nakapagsalita.

Bakas ang pagtataka sa lalake nang paunlakan niya ang kanyang sarili paloob ng opisina ni Kokoro. Nang mapansin ang tindi ng pagkabigla ni Kokoro ay natigil siya sa paglalakad. Umuyam ito at umismid saka pumaeywang habang tinititigan si Kokoro.

"Tama ba ang dinig ko? Classified information?" Paghingi ng kompirmasyon ng lalake.

"U-uhh... uh--" utal na banggit ni Kokoro habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.

Napakamot na lang sa kanyang ulo ang lalake at napailing. "Ano na naman ba 'tong itatago mo, ate? Nakakailan ka na, ah! Akala ko ba wala nang maglilihim sa atin?"

Pagkabuga ni Kokoro ng hangin ay doon niya napakalma ang kanyang sarili. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib saka natauhan. "I'm-- sorry, Hugh. I didn't mean to--" natigil siya sa pagsasalita nang mapansin ang isang device na suot nito sa kamay. Ang device na umaaktong susi tungo sa kanilang kulungan. "Why are you wearing those? Are you going back to the prison?"

"Tsk," imik ni Hugh at napahalukipkip. Kapansin-pansin ang pagkailang dito nang tila mapakali ang kanyang mga mata. Pilit niyang tinatago ang nararamdaman niya sa pagsimangot. "W-wala 'to, ate. Pupuntahan ko lang sana 'yung bago nating preso."

Napaangat ang parehong kilay ni Kokoro sa kanyang narinig. "Are you planning to let her go?"

Lalong tumindi ang simangot ni Hugh sa kanyang narinig. "Ate naman eh, hindi! Ano lang... uhmm... gusto ko lang sana humingi ng ano... uhh..." Puno ng kuryosidad na hinintay ni Kokoro ang sasabihin ni Hugh. "Pero teka nga! Iniiba mo usapan eh! Ano ba 'yang classified information na--"

"Shh!" Putol ni Kokoro sa sasabihin ni Hugh habang sumisilip sa bukas na bukas na pinto ng kanyang silid. Laking pasasalamat niya na isang tahimik na pasilyo lang ang nakita niya at wala ni isa ang nakarinig sa sinabi ni Hugh. "Forget our prisoner for the meantime. Follow me."

Hindi na nakakibo pa si Hugh nang makita ang ekpresyon sa mukha ni Kokoro. Doon pa lang ay nakakuha na siya ng ideya na hindi biro ang impormasyong tinutukoy nito. Agad na umusbong ang kaba kay Hugh at nagpatianod na lang sa kung san man siya dadalhin ni Kokoro.

Mabibilis na hakbang ang ginagawa ni Kokoro at Hugh habang binabagtas ang madilim at tahimik na pasilyo. Ang walang kaalam-alam na si Hugh ay nagtataka pa rin, lalo na't nakikilala niya na ang daang tinatahak nila. Si Kokoro naman ay panay na ang galaw ng mga daliri at hindi na makapaghintay na marating ang autopsy room.

"Ate? Papunta na 'tong morge ah," pagbasag ni Hugh sa kanilang katahimikan. Unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng takot. Sa kabila nito ay nanatili pa ring tahimik si Kokoro.

Makalipas ang ilang sandali ay narating nila ang dulo ng daan na may iilan nang taong nagbabantay dito. Kaagad silang binati at sinaluduhan ng mga ito na hindi man lang binigyang pansin ni Kokoro at dumiretso na sa autopsy room.

"How's the investigation?" Bungad ni Kokoro at agad nagtungo kung saan may dalawang nagiimbestiga sa isang katawan na nakabalot na ang buong katawan. Muling kinabahan si Kokoro nang makita ito. Sa isip niya ay umaasa pa rin siyang nagkamali lang ang mga taong nag-report sa kanya. "Were you able to confirm everything you told me? Is it really him?"

"Ma'am... we're sorry," malungkot na sabi ng tauhan niya at napayuko na lang. Hindi na napigilan ni Kokoro ang pagpatak ng luha niya sa kanyang nalaman. Nanatili namang puno ng pagtataka ang katabi niyang si Hugh.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon