Chapter 19: Trampled On

238 22 98
                                    

A/N: Heeep! Before starting this chapter, I would like to give you a heads up that this chapter is rated SPG. Santol, plema, at galunggong ay kailangan. Hahaha! De, mild lang naman. Pero kasi feeling ko medyo dark ang chapter na 'to. 'Yun lang po. Uhh... parang mali ata kung sasabihin kong "Enjoy". Hahaha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Ean

Prente lang akong nakadapa sa kama habang pinaglalaruan ng kamay ko ang maliit na bola. Sa kabila ng ginagawa ko ay napakalalim pa rin ng iniisip ko na tila hindi na ako nito tinantanan at mukhang natuwa nang guluhin ang isip ko. Ginawa ko na ata lahat para mabaling sa iba ang atensyon ko, ngunit kahit anong gawin ko ay may sumasanggi at sumasanggi pa rin sa utak ko.

"Dylaaaaan! Tara alis tayo! Nababagot ako," nangingiyak kong daing sa kasama ko at narinig ko ang pag-uyam niya.

"May ginagawa ako, kuya. Ikaw na lang," sagot niya na nagpasimangot sa akin habang naririnig ko ang pagtipa niya doon sa tapat ng kanyang computer.

"Oy, Dylan," tawag ko sa kanya saka ako naupo sa kama. "Baka naman mawili ka na diyan sa computer at hindi ka na lumabas. You should getting out and seesaw the sun and moon to the sky and enjoy! You know what I mean?"

"Hindi. Ang gulo na naman ng pagkakasabi mo eh," agaran niyang pagbasag sa sinabi ko. Grabe talaga 'tong batang 'to. Masama pa atang nagkaroon siya niyan eh. Nawalan na ng oras sa labas.

Tumayo na ako saka siya nilapitan upang tignan ang ginagawa niya. Agad naningkit ang mga mata ko nang bumungad sa screen ang hindi ko mabasang mga simbolo, letra, at napupuno rin ng mga numero. Sunod-sunod siyang nagtitipa sa keyboard at kita kong mabilis na lumilitaw sa screen ang ginagawa niya. Hanggang sa hindi ko namalayan na napapangiwi na pala ako sa gulo ng ginagawa niya.

"Gaaaah! Ang sakit niyo sa ulong mga tiga Zoidiac! Paano niyo naiintindihan 'yan!?" Bulalas ko at napaturo pa sa screen na siyang kinainis ni Dylan.

"Tsk, kuya naman eh! Huwag kang magulo! Ang hirap mag-isip oh!" Masungit niyang suway sa akin kaya naman napakamot na lang ako sa aking ulo.

Ayaw ko na nga dito. Habang tinititigan ko ginagawa ni Dylan lalo lang sumasakit ang ulo ko. Hanggang sa mapagpasiyahan ko na lang lumabas ng kanyang kwarto. Ibang klase rin 'yung batang 'yon. Kailan lang noong pinaalam ko sa kanya na sa klase ng Zoidiac siya mag-aaral at kung anu-anong paraan na ang ginawa niya para matutunan ang ginagawa ng isang Zoidiac Senior at kung paano gamitin ang Cyber Magic. Pursigido talaga siyang matuto.

"Oh, Ean? Sa Valin ba ulit ang punta mo?" Palabas na sana ako ng bahay nang tanungin ako ni mama.

Tumango ako sa sinabi niya saka ako nagsalita. "Opo. Makikibalita lang ulit ako kina Rake."

"Ay sige. Mag-iingat ka," paalala niya sa akin na sinuklian ko lang ng matamis na ngiti.

Kakahakbang ko pa lang sa labas ng bahay ay agad akong natigilan nang malaman kong naiwan ko 'yung maliit na bolang pinaglalaruan ko kanina. "Ay 'yung bola!" Bulalas ko at dali-daling bumalik sa kwarto ni Dylan. Doon lang naman ako nanggaling kaya alam kong doon ko lang 'yon naiwan. Kailangan ko 'yon habang naglalakad-lakad ako. Ginawa ko na kasing pangtanggal ng stress ang bolang iyon eh at hinahanap-hanap na ng sistema ko.

Akmang kakatok na ako sa pinto ng kwarto ni Dylan nang marinig ko ang hiyaw niya. "Sa wakas nagawa ko rin!" Kusang nagsalubong ang kilay ko sa sinigaw niya at may kung ano ang nagudyok sa akin na buksan na lang ang kwarto niya.

"Huy, ano ang nagawa--"

"Kuya Ean!?" Gulantang niyang sigaw na halos mahulog pa sa kanyang kinauupuan.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon