Chapter 35: Beneath

213 14 35
                                    

*3rd Person PoV

Sa loob ng isang silid ay kapansin-pansin ang pagkabahalang nakapinta mula sa tatlong tao. Malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ng lalakeng nakasalamin habang nakayuko't tila malalim ang iniisip. Sa kanilang tatlo ay siya ang labis na naaapektohan kung kaya nama'y inaalo siya ng isang babae. Gayunpaman ay maging ang babae'y may katanungan ding namumutawi sa kanyang isip.

Nabaling ang kanilang atensyon sa isang gawi nang mapahampas sa metal na aparador ang lalake kung saan siya nakasandal. Ang kaninang pagkabahala niya ay napalitan ng inis. "P*cha, bakit ako lang ang hindi nakakaalam tungkol sa bagay na 'to? Bakit hindi niyo 'to sinabi sa akin, huh!? Ate Kokoro? Jarrel?"

Bumuntong hininga muna si Kokoro upang pawiin ang bigat na nararamdaman niya. Sa kabila nito ay patuloy niya pa ring pinapakalma ang nababahalang si Jarrel. "I'm sorry, Hugh but we just thought that there's no need for us to--"

"Ano ba namang dahilan 'yan, ate Kokoro!? Nagkaroon kayo ng plano kasama si Gov nang ako lang ang hindi nakakaalam?" Inis na putol ni Hugh sa paliwanag ni Kokoro. Natahimik na lamang ito dahil alam niyang nagkamali siya. Umuyam si Hugh at napailing nang maalala ang ginawa niya kanina. "Kung anu-ano pa ang sinabi ko sa babaeng 'yon kanina habang nasa loob siya ng kulungan, tapos malalaman kong sinet-up niyo lang pala siya."

"There's nothing we could do, Hugh. It's been done," malungkot na sambit ni Kokoro.

"But, ate... was it right?" Pagbasag ni Jarrel sa kanyang katahimikan sabay ayos ng kanyang salamin. "Governor Kelbris wasn't like this before. Yes, Metania may have always been beneath Orthil, but was that reason enough for him to come up with this decision while we all know what really happened?" Sa tanong ni Jarrel ay napayuko lamang si Kokoro na hindi na alam ang kanyang gagawin. "I mean-- execution? I can't help but think that soon, with what we did, we are to blame of her death."

Dahan-dahan nang inalis ni Kokoro ang kanyang kamay sa balikat ni Jarrel at naupo. Kasabay ng malalim niyang hininga ay ang paghilamos niya sa kanyang mukha na tila hindi na kaya ang nararamdamang konsensya. "I don't know what to think anymore."

"Pwede pa ba natin baguhin ang desisyon ni Gov?" Asik ni Hugh habang magkakrus ang mga braso. "P*ta, oo matagal na tayong gigil sa Orthil pero ni minsan hindi pa tayo pumapatay ng inosenteng tao. Hindi natin 'yon gawain."

"And he ordered me to block communications from Orthil and to stop them from learning about his decision," siwalat naman ni Jarrel na ikinagulat ni Hugh at Kokoro.

Napatayo muli si Kokoro habang si Hugh naman ay napaalis na ng sandal. "Ginawa mo ba ang inutos niya?" Tanong ni Hugh na tinanguhan ni Jarrel. "Anak ng-- sumosobra na--"

"Hugh, that's enough!" Napigilan ang dapat pagwawala ni Hugh nang pumasok ang isang lalake sa silid. Nadatnan niya ang tindi ng konsensyang nakapinta sa mga tao mula sa loob ng silid na naging dahilan para kumunot ang kanyang noo.

"How's the Governor?" Pangangamusta ni Kokoro.

"He's back inside his room," maikling sagot ni Gant.

"Na naman!? Gaano katagal pa ba magkukulong si Gov sa kwarto niya? Minsan ko na lang siya makita ah! Ano na ba'ng nangyayari sa kanya, huh, kuya!?" Nagtataka't nag-aalalang tanong ni Hugh.

"He's fine," pabalang na sagot ni Hugh. "And were you just talking about the Governor's decision of executing Brendee Esquivel of Orthil?"

"Oo!" Matapang na sagot ni Hugh at lumapit kay Gant. "Alam mo ang tungkol sa bagay na 'to, hindi ba, kuya? Dapat alam mo na hindi na tama ang ginagawa niya. Sa totoo lang, hindi ko na siya makilala nitong mga nakaraang linggo!"

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon