Narinig ko mula sa kasama ko ang mahinang bungisngis habang abala siya sa pagtipa sa controls. "Are you thinking of a way to defeat them both? Kaya ba kanina ka pa tahimik?"
"Hindi naman. Hindi lang ako makapaniwala sa susunod na mangyayari," pag-amin ko sa kanya at muli kong narinig ang kanyang paghagikgik. "Ni minsan kasi hindi sumanggi sa isip ko na kalabanin silang dalawa. I'm so exorcisted, actuated. Like I can't comprehension to what is gonna happen there and if I will--"
"Woah, woah! Relax, kuya! Wala na akong maintindihan," pigil sa akin ni Char. Ako naman ngayon ang natawa sa naging reaksyon niya. Nagkumahog intindihin ang sinabi ko eh. Iba talaga kapag matalino. Hirap na intindihin. "Kung ano man 'yang gusto mong iparating, kuya-- I just want to say na kahit ako excited din mapanood ang duel niyo. Good luck to the three of you."
"Salamat," nakangiti kong sabi sa kanya. "Pero ano? Matagal pa ba 'yan?"
"Just a few more settings. I want to make sure that the simulation room wouldn't have any problems once you guys start the duel," sagot niya sa akin at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. Minsan ay inuutusan niya rin ang mga tauhan niya na abala rin sa paghahanda ng simulation room.
Narito kami ngayon sa control room para i-setup ang simulation room. Sa simulation room kasi napili ni Rake gawin ang magiging duwelo namin. Hindi naman ako tumutol doon dahil alam kong mas makakagalaw kami nang ayos sa kwartong 'yon. Bilang isa sa mga imbento ng cyber magic, may kakayahan ang simulation room na baguhin ang paligid mula rito sa control room. Matitibay din ang pader doon. 'Yon ang malimit na gingagamit ng mga estudyante ng Magicus na gaya ko noon kapag nag-eensayo sa larangan ng elemental magic.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na makakaduwelo ko sina Rake at Shion sa ilang sandali. Magkahalong sabik at pag-aalala ang nararamdaman ko. Panigurado kasing masisiyahan ako sa magiging duwelo namin, ngunit medyo nag-aalala ako sa kung paano ko lalabanan mag-isa ang dalawang 'yon.
"Got it!" Bulalas ni Char at humarap na sa akin. "I'll stay here to maintain the simulation room. Leave the technicalities to me and my team. The simulation room is all set. Ikaw na lang ang hinihintay, kuya."
"Sige. Maraming salamat ulit, Char," pahayag ko at natayo na.
Laking gulat ko nang hindi pa ako nakakalabas ng control room ay parang alon na naglipatan ang mga tauhan ni Char malapit sa malapad na screen kung saan ipapakita ang magaganap na duwelo mamaya. Tignan niyo 'tong mga 'to. Ginawa kaming mga manok. Mukhang magsasabong.
Dumiretso ako sa simulation room at kakapasok ko pa lang ay tanging pigura lang nila Rake at Shion ang namataan ko. Nadatnan kong nag-uunat ng mga braso si Shion. Si Rake naman ay prenteng nakatayo sa gitna ng silid. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad ko na silang nilapitan.
"Ano, 'tol? Ready ka na ba?" Mapangkantiyaw na salubong sa akin ni Shion.
"Come on, Shion. What do you think of me? Thinking of you? Off curse I'm ready," palaban kong sagot sa kanya na tinawanan niya.
"Sana alam mo Ean ang dahilan kung bakit kailangan natin 'tong gawin. It's not just for the mission," seryosong sabi naman ni Rake.
"Naisip ko na ang bagay na 'yan kanina. Gusto mo lang subukin ang kakayahan ko. Gusto mong malaman kung handa ako kung sakali mang makasagupa namin ang MG sa gitna ng aming misyon," diretsahan kong sagot sa kanya at nahagip ko ang pag-angat ng pareho niyang kilay.
Umuuyam niyang tinagilid ang kanyang ulo saka nagsalita. "Always the unpredictable. Hindi ko akalaing maiisip mo 'yon."
"Hoy! Ano ibig mong sabihin?" Bulyaw ko sa kanya na nginisihan niya lang. Akala talaga nito bobo ako eh. He's later to me. He will shame to me.
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...