Mataman lang akong nakatitig sa tatlong pigura na tinawag ni Morrigan. Ang tunay na Bullet na matagal ko nang hindi nasilayan ay mayroon pa ring karahasan sa kanyang mga mata, ngunit para bang may kakulangan sa mga mata niyang iyon. Si Max na kilala ko bilang isang may sapak at maingay ay kita kong wala man lang ekspresyon sa kanyang mukha. Sa kabila naman ng lahat ng pagbabago kay Gant kanina ay hindi ko na iyon makita pa sa Gant na kaharap ko. Kitang-kita ko kung paano lumalabas ang itim na usok sa katawan nila, maging ang mahikang bumabalot sa kanila ay aking nararamdaman.
"They all seemed different," pagpukaw ni Ms. Elsa ng aking atensyon nang magsalita siya. Pati pala siya ay naramdaman ang kakaibang presensyang pinapakita ng tatlong acolytes.
"Hindi ba't parang pamilyar ang usok na lumalabas sa katawan nila?" Pagbibigay pansin naman ni Shion sa kumakawalang usok sa katawan nila. "Ang mga Visitants... hindi ba parang gan'on din ang lumalabas sa kanila?"
"Same thoughts, kuya Shion. It also feels like they're lifeless," pagsang-ayon ni Char habang sinusuri ang kaharap namin. Hula ko ay kung anu-ano na rin ang naglalaro sa isip ni Char at gumagawa na siya ng paraan para makakuha ng impormasyon sa biglaan nilang pagsulpot sa kabila ng mga kinahinatnan nila.
"W-what do you guys think does this mean?" May pag-aalala sa tono ni Jedi nang sabihin niya iyon.
"It isn't exactly them. They're their spirits," siwalat ni Rake at agad akong napalingon sa kanya nang may nanlalaking mata. Saglit kong nakalimutan na isang Mysticium Senior nga pala si Rake at mataas ang tiyansang nakakakuha na siya ng ideya sa kung anong mundo itong kinalulugaran namin. "Am I right, Ean?" Wala na akong nagawa kung hindi ang mapauyam at tipid na napangiti. Mukhang wala na akong dahilan pa para itago ang katotohanan tungkol sa purgatoryo. "I felt it. Souls are screaming and they're everywhere."
Matapos ang pinahayag ni Rake ay napunta sa akin ang atensyon ng lahat na para bang hinihintay nila kompirmasyon at ang sasabihin ko. Bago magpaliwanag ay napakamot ako sa aking ulo at napakibit balikat. Una kong sinabi ang tawag sa lugar na ito, at iyon nga ay purgatoryo. Pinaalam ko sa kanila na dito nahahatulan ang mga yumao na kung makakasama nila ang diyos ama o habang buhay na magdurusa rito. Isinawalat ko rin na ito ang natatanging lugar na kumokonekta sa mundo ng Ancient tungo sa mundong aming kinagisnan.
Wala naman ni isa sa kanila ang nagduda sa mga sinabi ko at pinaniwalaan na lang nila iyon. Siguro ay dahil din ito sa dami ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari ngayong buong araw. Malaki naman ang pasasalamat ko na hindi na rin nila tinanong kung paano ko ito nalaman.
"I see..." imik ni CJ matapos ang malalim niyang pagbuga ng hininga sa paliwanag ko. "So wala tayong choice but to deal with them."
"Dealing with Morrigan alone is hard enough. With them around-- will we be able to make our stand?" Pag-aalala ni Rake sa aming sitwasyon.
Habang sabay-sabay kaming natahimik sa naging tanong ni Rake ay hindi ko maiwasang mabahala sa kanina pa gumugulo sa isip ko. Kagaya ni Rake ay kanina ko pa rin nararamdaman ang mga kaluluwa sa paligid, ngunit sa kung anong kadahilanan ay mayroon akong masamang kutob. Wala ni isang pamilyar sa akin sa mga kaluluwa rito. Para bang lahat sila ay estranghero sa akin. Kahit nga ang presensya nila Dib, Angel, at ate Vivith ay wala rito. Naisip ko na maaaring nahatulan na sila na manatili kasama si amang Laksen, ngunit bakit ang kani-kanina lang na namatay na si Gant ay hindi ko rin naramdaman dito kanina? Ngayong nasa harapan ko siya ay ngayon ko lang naramdaman ang kanyang kaluluwa.
Bago rin sa akin ang lugar na ito, pero sa dami ng naglalaro sa isip ko tungkol dito ay iisa lang ang naging konklusyon ko.
"May plano ako," pagbasag ko sa katahimikan at sabay-sabay silang napalingon sa akin. Hinarap ko sila at kita kong pare-pareho silang naghihintay. "Pero bago ang lahat, gusto ko lang--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...