Chapter 26: Underneath

266 22 151
                                    

*Ean

"Diyos ko, bakit ba kasi kailangan pang maraming audio sa gagawin natin? So hustler!" Reklamo ng kasama ko habang inaayos ang kanyang buhok. Kanina pa niya 'yan ginagawa. Sasabihing ayos na pero aayusin ulit. Baliw talaga.

"Kasama nga kasi ito sa kasunduan ng Erfus Accords. Kailangan nandoon din ang ilang representative ng ibang lugar sa gagawin natin para wala silang masabi't paghinalaan pa tayong nagtatago na naman ng impormasyon," paliwanag ko sa kanya na inismiran niya lang. "Tsaka anong audio? Ang alam ko may n at c 'yun eh. Adjacent dapat!"

"Tsk! Pwede ba? Kung saan ka mas komportable, d'on ka. Basta para sa akin audio 'yon," sagot niya naman sa akin na inilingan ko na lang. Grabe, wala talagang utak. Adjacent na nga lang hindi pa alam. So idiom.

"Ah, tama na nga kalokohan!" Sabi ko at naghanda na para umalis. "Handa ka na ba, Violet?"

"Off coarse! When I am not ready? Duh!" Sabi niya na may palagitik-lagitik pa ng daliri na akala mo kina-cool niya. Eh ni wala ngang lumabas na tunog sa daliri niya at halatang hindi marunong. "Tsaka may plano naman na tayo sa gagawin natin."

"Alam ko. Pero huwag mong maliitin ang utak ni Max. Iba siya sa mga naging customer natin," pagbabanta ko sa kanya na saglit na nagpaisip sa kanya. Sa huli ay tumango na lang siya at natayo na.

Palabas pa lang kami ng aking opisina ay nagbukas na ang pinto at bumalandra sa amin ang isang lalake. Agad umarko ang kilay ko nang makita ko siya rito. "Oh, Shin? Ano ginagawa mo rito?" Pagtataka ko kasi dapat may ginagawa siya ngayon. "Hindi ba dapat nasa clinic ka? Sino nagbabantay kay Moira ngayon?" Imbis na sumagot ay binato niya lang ako ng nakakairitang ngiti dahilan para mainis ako. "Oy! Umayos ka, Shin! Ano nga!?"

"Tsk, grabe ka naman makapag-alala. Wala namang sakit si Moira kaya pinayagan ko na siya umuwi," sagot niya sa akin nang hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngisi. Sarap sapakin ng lintek. Nagpipigil lang ako eh.

"Ano nga ba nangyari at bigla mo na lang sinugod sa clinic si Moira kagabi?" Panghihimasok ni Violet.

"Haay, Violet," nakakalokong banggit ni Shin at inakbyan si Violet. "Sabihin na lang natin na nasobrahan sa saya si Moira. Ayun, hindi nakayanan. Nahimatay. Hindi ba, Ean?"

"H-huh!?" Patay malisya kong sabi na halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Tae talaga 'tong si Shin, kahit kailan panira ng araw. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng doktor kagabi eh siya lang ang available. Sa kanya ko tuloy nasabi ang buong nangyari kung bakit nawalan ng malay si Moira. Tatawa-tawa pa ang lintek. Wala namang nakakatawa sa nangyari. Hindi na lang siya nag-alala para kay Moira. "Aisht! Tama na nga 'yan! Magtatrabaho na kami! Umalis ka na!"

"Hep! Hindi ako aalis. Sinabihan ako ni sir Rake na maging audience din sa gagawin niyo," pahayag niya na ikinakamot ko na lang ng ulo. "Baka kasi kailanganin niyo ng medic. Alam niyo namang hindi basta-basta ang kakausapin niyo."

Hindi na ako tumutol pa nang sabihin niya iyon dahil agad ko namang nakuha ang punto niya. Mas makakabuti nga siguro na nandoon siya sa oras na magsimula kami. Kahit naman kami ni Violet ay hindi namin alam kun ano nga ba ang mangyayari sa gitna ng interrogation. Sa tagal ko nang nagtatrabaho sa unit na 'to ay ngayon nga lang ako nakaramdam ng pagdududa sa planong naisip namin ni Violet. Gayunpaman ay mataas pa rin ang tiyansang may malaman kaming mga impormasyon kay Max.

Pagkapasok naming tatlo sa observation room ay doon ka lang nalaman na kumpleto na pala ang lahat at kami na lang ang hinihintay. Kasalukuyang nakikipag-usap si Rake kasama si CJ kina Head Captain Jet at ang representative ng Princeton. Agad ko namang pinigilan ang pag-init ng ulo ko nang makita ko ring kausap nila ang dalawa sa Officers ng Metania na pinadala ng matandang hukluban na si Kelbris. Lumapit na kami ni Violet sa kanila at agad silang binati.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon