Sabay kaming pumasok ni Rake sa kanyang opisina upang ituloy ang aming pag-uusap. Nadatnan namin sa silid si CJ na may inaasikasong papeles sa mesa habang si Yrah ay prenteng nakatayo sa gilid nito. Kaagad namang natayo sina Jedi at Shion mula sa sofa sa aming pagpasok.
"Kumusta ang naging diskusyon? May nalaman ba kayo, Ean?" Salubong ni Shion na bakas ang pagkabahala. Tumango ako bilang sagot. "Nasaan sila Violet?"
"Pinauwi ko na siya. Mukhang napagod din sa naging trabaho namin kanina eh. Ako na ang bahalang sagutin ang tanong niyo," pagbibigay alam ko sa kanya.
"Gaanong karaming impormasyon ang napiga niyo sa kanya?" Agad na tanong ni Yrah na may matinding kuryosidad sa kanyang mga mata.
"Enough for us to conclude that there will be so much work to do from now on," seryosong sambit ni Rake habang nagtutungo sa kanyang mesa kung saan naroon si CJ at Yrah. Sinenyasan niya lang ang mga ito na tila nagsasabi na ipagliban muna ang kanilang ginagawa na agad namang sinunod ng dalawa. "Let's get on with business. Ano ang gusto mong sabihin sa akin, Ean?"
Bumuntong hininga ako bago magsalita na may makahulugang tingin sa mga kasama ko. "Tungkol 'to sa pinadalang tao ng Metania."
"Gant and Kokoro?" Tila inaasahan na ni Rake ang sinabi ko base sa naging reaksyon niya. Nagtinginan naman ang iba pa naming kasama sa sinabi ko. "Wait, is it about the barrier protecting their minds?"
Imbis na magulat ay nagpakawala na lang ako ng tipid na bungisngis sa nasabi niya. Mukhang wala na pala akong dapat ipaliwanag sa kanya. "Sinubukan mo rin palang basahin ang nasa isip nila."
"Teka, ano'ng ibig sabihin nito, Rake? Ean?" Panghihimasok ni CJ at napatayo sa kanyang kinauupuan. Pinagbaling-baling niya ang kanyang tingin sa aming dalawa na may kunot sa kanyang noo. "Hindi niyo dapat ginawa iyon. Hindi niyo pa sila kilala. Sa oras na malaman nilang sinubukan niyong pasukin ang isip nila ay sigurado akong issue na naman 'to."
"Huwag ka mag-alaa, CJ. Naging maingat ako. At isa pa'y hindi rin naman natuloy ang balak naming gawin ni Ean dahil nga sa humaharang sa isip nila," kalmadong pagdadahilan ni Rake. "It's just very suspicious of them to do it. I mean-- what's the meaning of Erfus Accords if they would take such precautions? Don't they trust us?"
"They could say the same thing for the both of you. The fact that you attempted to read their minds only means that you don't trust them," pahayag naman ni Jedi. "We did warn you about them, I know. And I'm not taking sides here. But do you really have to go this far?"
"Naiintindihan ko ang nais mong iparating, Jedi. Pero..." putol kong sambit. Hinanda ko ang aking sarili para sa isisiwalat ko sa kanila. "Habang kinakausap namin si Max, napansin namin ni Violet na pilit siyang umiiwas sa mga tanong naming patungkol sa Metania. Para bang may tinatago siya o may iniiwasang isiwalat tungkol sa lugar na iyon. Na para bang may pinoprotektahan siya."
"Are you saying that there is someone in Metania working for MG?" Pagtatanong ni Yrah at humakbang papalapit sa akin. Base sa kunot sa kanyang noo ay nagsisimula na siyang magkaroon ng masamang kutob. "Pinaghihinalaan mo ba sina Gant at Kokoro?"
"Mahirap magsalita nang tapos, Yrah. Kaya nga sinubukan kong basahin ang utak nilang dalawa kanina, ngunit lalo lang lumakas ang hinala ko nang mapag-alaman kong naglagay pala sila ng harang sa mga isip nila. Oo, naiintindihan ko na hindi buo ang tiwala ng Orthil at Metania sa isa't isa, pero hindi naman tayo umabot sa puntong kailangan pa nating maglagay proteksyon sa ating isip," pagpapaliwanag ko na nagpatahimik sa kanila. Nagkatinginan ang tatlong babae na minsan nang namalagi sa Metania at nakasama ang mga pinaghihinalaan namin. Tila ba'y may namumuong ispekyulasyon sa kanilang isip sa kanilang mga tinginan.
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...