Chapter 25: To Be Happy

251 20 94
                                    

*Ean

Puno ng pagtataka kong tinignan si Dylan na malalim ang iniisip habang pinaglalaruan ang panulat na hawak niya. Sa harap niya ay may mga sinulat siya na tulad ng dati ay hindi ko na naman maintindihan. Ano na naman kaya balak ng batang 'to at dinadamay pa ako sa research kuno niya. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niya ako rito eh. Ilang beses ko na namang nasabi sa kanya na wala akong maitutulong gayong hindi ko alam kung paano 'yung logic logic na 'yan. Ano ba kasi 'yon? Nakakain ba 'yon?

"Hm... kanina ko lang nalaman na apat lang ang main elements ng mga Magicus at hindi kasama ang lightning magic noon dito. Idineklara lang na kabilang na ito sa main element dahil marami ang may ganitong kakayahan kahit na isang advanced elemental magic ito," mahabang pahayag ni Dylan. Lalo naman akong nagtaka na bakit niya pinag-aaralan ang tungkol sa aming mga Magicus. Hanggang sa may sumanggi sa aking utak.

"T-teka, Dylan. Huwag mong sabihin na nagbago na isip mo at sa Magicus ka na mag-aaral?" Sabi ko sa kanya habang pilit siyang pinapaharap sa akin. Napasimangot naman siya sa ginawa ko.

"Hindi, kuya. May inaalam lang ako, huwag kang OA," sambit nito na ikinakamot ko na lang ng ulo. Sino ba talaga mas matanda sa amin? Ako ba o siya? Aba eh kung pagsalitaan ako nito ganun-ganun na lang ah. What's his problemation?

"Oo, tama 'yang nalaman mo. Isang advanced elemental magic ang elemento ng kidlat. Ang prime magic nito ay ang fire magic," paliwanag ko sa kanya at agad niya naman akong pinangunutan ng noo. "May ilan lang kasi na hirap o hindi kayang pahinain ang kanilang mahika para magamit ang prime magic at dumidiretso na ang kanilang mahika sa advanced magic. Isa na r'on sina Ms. Elsa at Brendz. May posibilidad na makagamit sila ng water magic, pero mas gamay na nila gamitin ang ice magic."

"Eh ikaw, kuya? Nakakagamit ka ng fire magic?" Pagtatanong niya sa akin.

Mula sa kamang kinauupuan ko ay naupo ako sa dulo nito bilang paghahanda. Pinaikot niya naman ang inuupuan niyang swivel chair upang humarap sa akin. Inangat ko ang aking kamay sa espasyong pumapagitna sa amin at doo'y inumpisahan kong manipulahin ang aking mahika. May panaka-nakang kuryente ang lumitaw sa ibabaw ng aking palad sa ginawa ko, ngunit nang malumanay kong kinontrol ang aking mahika ay unti-unti itong nagbago. Hanggang sa naging isang apoy na ito. Doo'y kita kong namilog ang mga mata ni Dylan.

"Ang astig!" Natutuwa niyang sambit. "Bakit hindi mo 'yan ginagamit sa pakikipaglaban, kuya?"

Kasabay ng paglaho ng apoy sa aking palad ay ang pag-ismid ko. "Mahirap na baguhin ang nakasanayan eh. Medyo hirap akong kontrolin nang malumanay ang mahika ko. Lalo na sa gitna ng laban kaya hindi ko na rin binalak na gamitin 'to."

Bumalik siya sa kanyang mesa at may sinulat sa kanyang kwaderno. Laking gulat ko naman nang tumayo siya't bigla na lang lumapit sa akin. "Oh, ano ba'ng-- aray!!!" Napahiyaw ako nang walang pasabi niyang tinurok sa aking braso ang isang syringe at kumuha ng dugo. "Lintek na-- oy, Dylan! Ano ba 'yang ginagawa-- aray na naman! Ano ba 'yan!?" Muli akong napadaing nang hugutin niya naman ito at dali-daling bumalik sa kanyang mesa.

Lalo akong nainis nang bumubungisngis siyang bumalik sa kanyang ginagawa at pinagtatawanan ang ginawa niya sa akin. "Maraming salamat, kuya. Baka itong dugo mo na ang maging sagot sa ginagawa ko."

"Aisht! Ewan ko sa'yo!" Inis kong bulalas saka padabog na tumayo. "Kung alam ko lang na eto lang pala ang balak mo edi sana umalis na ako! Pinigil-pigilan mo pa akong umalis tapos eto lang pala gagawin mo. What--"

"Oo na, oo na! Sorry na! Huwag ka na mag-english! Makakaalis ka na," pagtataboy niya sa akin na lalo kong kinainis. Grabe na talaga ginagawa sa akin ng batang 'to. Hindi na makatarungan. Kapag ako talaga nainis na. Nako, sinasabi ko sa kanya. He will container to me. Tulad ng sinabi niya ay umalis na lang ako sa kanyang kwarto habang hawak ang dumudugo kong braso. Kahit man lang pa-betadine wala. Pinaalis na lang ako nang ganun-ganon.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon