Chapter 23: Vengeance and Justice

260 21 132
                                    

Habul-habol ko ang aking hininga habang ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod. Alam kong dahil ito sa matinding pagod at kaunti na lang ay aabot na ako sa aking limitasyon, ngunit isinantabi ko 'yon. Hindi ako pwedeng matalo. Hindi ko pwedeng hayaan na matalo ako ng isang tulad niya.

Humalakhak ang aking kalaban na nagpalaki sa aking ulo sa galit. Inis na inis na talaga ako sa mga ingay niya. Dagdag mo pa ang bawat maruruming salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko 'yon magawang maatim. Nakakapang-init ng ulo.

"Ano, Ean!? Hanggang diyan na lang ba ang kaya mo!?" Pang-iinsilto nito sa akin na sinabayan niya na naman ng malakas na tawa. Napapalatak na ako ng dila sa inis. Humahalakhak pa siya habang nasa anyo siya ng kaibigan ko. May mali eh. Kahit kailan hindi ko pa nakikita 'to at hindi ko lubos maisip na makikita ko 'to.

"Oy! Pwede ba, huwag kang tumawa nang ganyan habang kamukha mo si Rake? Lintek na-- sa tanang buhay ko ngayon ko pa lang nakitang tumawa nang ganyang kalala ang lalakeng 'yon," reklamo ko sa kanya na may matinding kunot sa aking noo. Eh sa totoo naman ang sinabi ko. Kinikilabutan akong makita na tumatawa si Rake na halos makita ko na ang lamang loob niya.

"Pwe! Wala kang pakialam! Gahahaha!" Hiyaw niya at agad akong naghanda nang mag-iba na naman siya ng anyo at si Shion na ang nakikita ko. Wala pang isang segundo ay nasa harapan niya na ako't nakahanda nang sumuntok, ngunit dahil nga sa mas mabilis ako sa kanya ay nagawa kong ilihis ang suntok niya at paglapat ng palad ko sa kanyang dibdib ay malakas akong tumira ng kidlat dahilan para tumilapon siya.

"Sinabi ko na sa'yo. Kahit anong gawin mong panggagaya sa aming mga Guardians, kung hindi mo alam gamitin ang aming mga kakayahan ay hindi ka rin mananalo sa akin," inis na sambit ko sa kanya habang dumadaing siya sa naging atake ko.

Una si Rake. Nang magawa ko siyang magalusan ay si Shion naman ang ginaya niya. Hanggang sa sunod-sunod siyang nagpalit ng anyo at naging si CJ, Yrah, Jedi at Char. Aaminin ko na iyon ang naging dahilan kung bakit naubos ang lakas ko at dahilan din ng pagkasira ng paligid. Nagmistulang abandunadong pasilidad na nga ang lugar dahil sa tindi ng laban kanina. Hindi kasi biro ang makipaglaban sa iisang tao na kayang gayahin ang kakayahan nila, pero tulad ng sinabi ko ay hindi niya gamay ang mga kapangyarihan ng mga kapwa ko Guardians. Kaya naman nagagawa ko pa ring makalaban sa kanya.

"Ahhh!!! G*go! Mga walang kwenta" Galit niyang sigaw na bumalik na pala sa dati niyang anyo, ngunit napakunot ako ng noo nang muli na namang maghilom ang mga sugat niya. Medyo naasar ako dahil dito. Walang mangyayari kung maghihilom at maghihilom lang ang mga sugat niya. Kailangan kong mag-isip ng paraan para matigil iyon.

"Pesteng bilis 'yan! Nakakagigil!" Tiim bagang niyang pagpapatuloy habang tumatayo't inaayos ang kanyang sarili. Nabahala naman ako nang isang ngisi ang pinakita niya't lumabas ang dilaw na enerhiya sa buo niyang katawan. Kasabay ng paghalakhak niya ay ang pagbabago muli ng kanyang itsura. Napalunok ako sa itsurang mayroon siya ngayon at nagsimula na akong mabahala. "Gahahahaha! Ano!? Ean!? Bilis laban sa bilis! Gahahaha!" Bulalas niya at agad akong naalarma nang kumislap ang kuryente malapit sa kanya at sunod ko lang naramdaman ay ang malakas na pagbayo sa aking gilid dahilan para bumagsak ako.

Patayo pa lang ako ay naramdaman ko muli ang presensya niya malapit sa akin kaya naman agad akong tumakbo palayo gamit ang bilis ko, pero madali niya lang akong nasundan. Napasangga na lang ako gamit ang dalawa kong braso sa suntok na pinakawalan niya at sinundan niya ng tuhod sa aking tagiliran na nagawa ko namang pigilan gamit ang hita ko. Sumuntok ako pabalik at nahagip nito ang kanyang mukha dahilan para mapaatras ito. Susundan ko pa sana ng isang atake ang ginawa ko nang mawala siya sa harap ko at nakalayo na.

"Gahahaha!" Muli nitong halakhak habang nakatitig sa dalawa niyang palad na naglalabas na ng napakaraming kislap ng mga kuryente. "Ganito pala ang lakas mo, Ean. Gahahaha! Kapangyarihan! Malakas na kapangyarihan! Ganito nga! Sige pa!" Tila sumabog ang kidlat sa buong paligid dahil sa lakas ng pinapakawalan niyang kuryente. Tumatama na sa paligid ang mga kidlat na naging dahilan para masira ang mga pader, dingding at sahig. Yumayanig na rin ang buong lugar dahil sa pinsala sa paligid.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon