Chapter 24: Gift

278 23 173
                                    

Tila kumikinang ang buong silid dahil sa ilang sinag ng araw na nanggagaling sa nakabukas na bintana habang umiihip ang malumanay na hangin na siyang nagpasayaw sa manipis na kurtina. Magarbo't halatang pagmamay-ari ng isang mayaman ang silid. Nagkikintaban ang mga kagamitan at agaw pansin din ang kulay ube't malaking kama.

Isa-isang sinuksok ni Brendz ang ilang mga aklat at kwaderno sa maliit niyang bag habang nakapatong ito sa maliit niyang mesa, ngunit nang kunin niya ang huling kwaderno ay agad nangunot ang kanyang noo nang mapansing may nakaipit sa isang pahina nito. Dali-dali niya itong binuklat at inalam kung ano ito.

Lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo nang malaman na litrato pala ito ng isang lalake. Base sa litrato ay kahit sino'y magkakaroon ng ideya na may pagkasuplado ang lalake, ngunit hindi naman maitatanggi ang angkin nitong kagwapuhan. Dagdag mo pa ang porma't pananamit nito.

"Who put this here?" Pagtataka ni Brendz na may halo pa ring inis, ngunit hindi maalis ang kanyang tingin sa litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Who put this here?" Pagtataka ni Brendz na may halo pa ring inis, ngunit hindi maalis ang kanyang tingin sa litrato. Hanggang sa hindi niya namamalayan ay tinititigan niya na pala ang mukha ng lalake kaya naman dali-dali niya itong kinumos sa inis. "F*cking lazyass."

Akmang itatapon niya na ito nang matigilan siya. Wala mang ibang tao sa paligid ay namula siya sa kanyang ginagawa at naiisip. Pasalampak siyang naupo sa tapat ng mesa na may malalim na pagbuntong hininga. Muli niyang tinignan ang lukot-lukot na litrato sa kanyang palad at napaisip kung itatapon ba ito o hindi. Sa huli ay napili niyang ilagay na lang ito sa ibabaw ng kanyang mesa saka kinuha ang bag upang makaalis na.

Pagkalabas ng dalaga sa kanilang bahay ay bahagya siyang nagulat nang mabungaran ang kanyang kaibigan, lalo na't malapad at makahulugan ang ngiting binabato nito sa kanya. Inirapan niya ito saka nagsimulang maglakad. Agad naman siyang sinabayan ng kanyang kaibigan.

"So..." imik ng kanyang kaibigan na hindi pa rin mawala ang ngiti. Muli na namang napairap si Brendz dahil dito.

"Cut it out, Relena! So annoying," reklamo nito sa kanyang kaibigan.

"I'm so sorry. I just can't help it," bumubungisngis na wika naman nito. "But I assume you already saw the picture?"

Kunot noong nilingon ni Brendz ang kanyang kaibigan na may namimilog na mata sa gulat saka nahinto sa paglalakad. "You were the one that put that picture in my notes?"

Tila lumiwanag ang mukha ni Relena sa naging sagot ni Brendz. "Oh my gosh! So you did see it already!" Bulalas nito na parang kinikilig pa.

"What the f*ck was that for!?" Inis na sagot ni Brendz at nagpatuloy na sa paglalakad. "What if someone sees that I have that picture? And of all pictures-- his picture? What if he sees that I have a picture of him? What the hell would he think?"

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon