Chapter 5: Status: Active

357 22 71
                                    

*Ean

"Subukan niyo na pong galawin ang braso niyo," pahayag ng nurse kina Shion at Rake. Pareho silang nakaupo sa magkahiwalay na higaan habang walang pag-aalinlangang sinunod ang utos ng nurse. Hirap at nanginginig man ay dahan-dahan na nilang naigagalaw ang kanilang braso. "The healing magic we gave you is finally working. Maya-maya lang po siguro ay babalik na sa normal ang inyong katawan."

"Maraming salamat," mapagkumbabang sabi ni Shion sa kanya saka binaling ang tingin sa akin nang nakasimangot. "Hanep kasi 'tong si Ean eh. Hindi mo man lang pinigilan ang sarili mo sa paggamit ng ganitong kalakas na lightning magic."

"Wow! I'm ashame to you!" Sarkastiko kong balik sa kanya. Baka nakakalimutan ng mokong na 'to ang ginawa niya sa akin. "Nahiya naman ako sa hapet mong pagbayo sa akin kaya nananakit pa rin ang katawan ko."

"Hehe, gan'on ba? Pasensya naman," natatawa niya na lang na sagot saka ako nagbuntong hininga. Seryoso ba talaga siya na nakalimutan niya ang ginawa niya sa akin? Eh halos lumipad ako sa lakas ng atake niya kanina.

"Shion has a point though. Lightning magic is hard to control. I didn't know you're already capable of paralyzing, Ean," segunda naman ni Rake. Base sa tingin niya sa akin ay tila naghihintay siya ng magiging eksplenasyon ko. Kahit kailan talaga ay napakatalas nitong si Rake. Biruin mo pati ganitong kaliit na bagay napansin niya.

"Ah, 'yun ba?" Kamot ulo kong sagot bago ako nagpaliwanag. "Simula kasi nang tumalas ang pakiramdam ko dahil sa spiriti magic, parang nalaman ko kung saan mas epektibong umatake. Tulad na lang ng ginawa ko sa inyo."

"Teka, ibig sabihin ba nito talagang balak mo kaming patayin?" Bumalik ang simangot ni Shion nang tanungin niya 'yon.

"Hindi, 'no! Ang ginawa ko lang naman ay--"

"Pinuntirya ni Ean ang pressure points ng katawan niyo gamit ang lightning magic niya." Naputol ang sasabihin ko nang sumulpot ang isang lalake at pumasok sa loob ng clinic. Kulay rosas ang makapal niyang buhok na bumagay sa maputi at makinis niyang balat. Berde naman ang tila nang-aakit niyang mga mata habang nakatitig sa mga nurse dito sa loob. Naglingunan nga sa kanya ang mga ito. Lalo pa siyang nangibabaw dahil sa disenteng porma niya. "Tama ba ako d'on, Ean?"

"O-oo..." nasabi ko na lang sa kanya habang iniisip ko kung ano ang ginagawa niya rito. Tagal ko na rin kasing hindi nakita 'tong hambog na 'to simula noong makabalik ako.

"Ha! Sabi na eh! Ang galing ko talaga! Matalino na, gwapo pa. Hindi ko rin masisisi kung bakit nagkukumahog ang mga kababaihan sa akin. Tsk tsk," sabi niya sabay kindat sa mga nurse. Ang mga nurse naman halatang kinilig. Agad akong napaismid sa kahanginan ng lalakeng nasa harapan namin. Pareho kami ng naging reaksyon ni Shion habang si Rake naman ay nakapikit lang at walang emosyon ang mukha.

 Pareho kami ng naging reaksyon ni Shion habang si Rake naman ay nakapikit lang at walang emosyon ang mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon