Chapter 39: Goddess of War

153 7 41
                                    

*Ean

Dahan-dahang namulat ang aking mga mata nang bumalik ako sa aking malay. Kaagad kong pinalibot ang aking tingin at nakita ko ang aking sarili sa isang maliit na silid. Gawa sa kahoy ang dingding at pader na may mga ilang mga gamit na nakasabit dito. Tanging ang lampara na nakapatong sa mesang malapit sa akin ang nagsisilbing liwanag at kaunting sinag na nagmumula sa buwan. Tahimik ang buong kapaligiran at tanging pagaspas lang ng mahamig na hangin ang aking naririnig.

Bumangon ako at dinig kong bahagyang lumangitngit ang kamang hinihigaan ko. Kung hindi pa may nalaglag sa hita ko ay di ko mapapansin na may basang tela pala sa aking noo. Kinuha ko iyon saka ako nagtaka. Nasaan ba ako?

"Ean?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Bakas ang saya sa mukha niya nang lumapit siya sa akin. "Buti naman at nagising ka na. Pinag-alala mo ako." Kumunot ang noo ko sa nasabi niya. "Bigla ka na lang nawalan ng malay pagkarating natin sa templo ng mahal na Rinoa. Buti na lang at may pahingahan malapit dito kaya dito muna kita dinala."

Doon ko lang naalala ang mga nangyari sa akin. Marahil ay nangyari iyon nang makausap ko si Rinoa at ang amang Laksen. Napakamot na lang ako sa aking ulo at napangiti nang tipid. "A-ay sorry po pinag-alala ko kayo, ate. Baka napagod lang po."

Sinuklian niya ang ngiti ko at nilagay ang palad sa noo ko. "Sigurado ka bang ayos ka na? Mahiga ka muna kung masama pa ang pakiramdam mo."

"Ayos na ayos na po ako. Huwag niyo na po ako alalahanin," pangungumbinsi ko na tinanguhan niya naman.

"Osiya sige. May mga kailangan pa akong ayusin sa templo. Maiwan na muna kita saglit ha. Kung may kailangan ka, andoon lang ako sa templo," bilin niya sa akin.

Kusa akong napangiti sa nasabi niya. Napakabuti naman kasi nito ni ate. "Sige po. Maraming salamat po." Iyon lang at naglakad na palayo si ate upang lumabas sa maliit na pahingahang ito.

Nang maiwan muli akong mag-isa ay nanumbalik sa akin lahat ng nangyari kanina. Gusto kong paniwalaan na panaginip lang lahat ng iyon, ngunit napakaimposible. Nakausap ko sila. Damang-dama ko ang presensya nila noong makaharap ko sila. Walang duda na sila Rinoa at amang Laksen iyon. Hindi ko alam, pero napakagaan ng loob ko ngayon na para bang lilipad na ako. I'm so lit.

Hanggang sa maalala ko naman ang tungkol sa pagiging pagkatao ko. Bahagya akong nabahala dahil dito. Pag-asa? Pagmamahal? Kapayapaan? Tama nga kaya na ako ang sumisimbolo ng mga iyon? Mapapanindigan ko kaya ito? Napakahirap naman kasi paniwalaan na isang tulad ko na dati ay puno lang ng kalokohan ay may ganito palang itinatago. Eh hanggang ngayon nga ay panay pa rin ako kalokohan.

Inalog ko ang aking ulo upang mawaglit na ang nasa isip ko. Hindi ito ang tamang panahon para mag-isip ng mga ganito. May trabaho pa akong kailangan tapusin. Bumangon na ako't agad hinanap ang banyo para sana makapag-ayos, ngunit bago pa ako makarating sa isang pinto na palagay ko ay magdadala sa akin sa banyo ay nahinto ako nang makarinig ako ng kaluskos sa labas. Sa kung anong kadahilanan ay nakaramdam ako ng isang presensya. At hindi iyon si ate.

Maingat akong sumilip sa labas at natunghayan ko ang tila isang maliit na garden. Kung hindi lang natatabunan ng mga niyebe ang paligid ay alam kong napakaraming halaman sa labas. Sa gitna nito ay mayroong isang maliit at may kalumaang fountain na may istatwa ng ama. Doon sa likod ng fountain ay nakita ko ang presensyang naramdaman ko kanina at halos tumalon ang puso ko sa aking nakita.

Dali-dali akong lumabas at inagaw ang kanyang atensyon. Pinatalas ko ang pakiramdam ko dahil na rin sa pigurang nakatalikod sa akin. "Hoy! Ikaw! Ano ang ginagawa mo rito?"

"Ang mahikang ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Narito siya." Kusang napagalaw ang mga tenga ko nang marinig ko ang malalim nitong boses. Napanganga ako sa gulat dahil alam kong kanya ang boses na narinig ko.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon