Chapter 27: Well Played

318 20 124
                                    

*Ean

Nadatnan ako ni Rake na nakayuko't nakasandal sa pader ng tahimik na pasilyo. Agad naman akong tumayo nang ayos nang makita ko siya.

"Iniwan ko na muna si CJ para tanggapin ang mga reports sa opisina. Siya na raw muna bahala," salubong niya sa akin.

"Buti naman kung gan'on," maikli kong tugon. Ewan ko, sumakit kasi ulo ko sa mga nangyari kanina. Hirap kayang mag-isip. Lalo na sa tulad kong tamad mag-isip. Huwag kayong ano, nag-iisip ako. Hindi lang lagi.

"Let's head inside. I bet all of them are dying to know what you got," pagyaya niya sa akin habang inaayos ang kanyang sarili bago pumasok sa loob ng silid. Akmang maglalakad na ako para buksan ang pinto nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat at tinitigan ako.

"Oh, may problema ba, Rake?" Nag-aalala kong sabi.

"Iwan mo na ang kalokohan mo rito sa labas. Ayaw kong magulo ang pag-uusap dahil sa mga kalokohan at katangahan mo," diretsahan niyang sabi na nagpabilog na lang sa bibig ko.

"Grabe ka, Rake! Ang sakit n'on ah!" Reklamo ko sa kanya na humahawak pa sa aking dibdib. Sobra 'yon. Tanga raw ako! Tanga!

"Tss. Binabalaan lang kita," inis niyang sabi saka inalis na ang kanyang kamay sa balikat ko. "The two Officers were not impressed by what they saw and heard." Pagbibigay alam niya sa akin dahilan para mapaisip ako. "They are having doubts."

Sa totoo lang, hindi na dapat ako nagulat sa pinaalam niya sa akin gayong alam ko rin namang hindi kami gusto ng mga tao ng Metania. Ang akin lang ay bakit kailangan pa nila kami pagdudahan. Hindi naman sa pagmamayabang at alam kong may mga first time sa lahat ng bagay, pero hindi ba nakarating sa kanila ang records ng mga na-interrogate namin ni Violet? Ni minsan ay hindi pa kami pumalpak sa trabaho namin. Kaya naman alam ko at tiwala ako sa aming sarili na nakuha namin ang sagot kay Max.

"Oo na! Magpapasapi muna ako sa kaseryosohan mo," pagbibiro ko sa kanya na inilingan niya lang. Makagawa man lang ng huling kalokohan bago ako magseryoso.

"Good," wika niya at binuksan na ang pinto papasok sa silid kung saan magaganap ang diskusyon.

"I'm still grasping everything that happened." Nabungaran namin ang pag-uusap nila sa pabilog na mesa habang patungo na kami ni Rake sa aming pwesto. Nasa harap nila si Violet at kasalukuyang nagpapahayag ng saloobin si Kokoro. "It's so confusing. The only clear answer we got from him is about their other member Bullet who turned out to be a supposedly dead Senior of Orthil," pagpapatuloy niya pa. Naupo naman ako sa tabi ni Violet at doon ako binalingan ni Kokoro. "Tell me you really did get the answers we were looking for. Tell us that we didn't waste our time in this interrogation."

"Ean and Violet wouldn't have ended the interrogation if they hadn't squeezed some answers out of Max," pahayag ni Rake na ngayo'y nakahalukipkip na't nakatingin sa akin. "But we do need a clear explanation, Ean. We're all clueless. What did you and Violet learn?"

Huminga ako nang malalim saka ako tumikhim bilang paghahanda sa mga sasabihin at ipapaalam ko. "Marahil ay siguro nagtataka kayo kung bakit naging ganoon ang takbo ng interrogation. Pero sa maniwala kayo o sa hindi, umayon ang lahat sa plano namin ni Violet," panimula ko na taimtim naman nilang pinakinggan. "Bago ko ipaalam sa inyo ang mga nalaman namin, kailangan ko muna ipaliwanag sa inyo kung paano namin nakuha ang sagot nang sa gayon ay maintindihan niyo."

Tumingin ako kay Violet na ngayo'y seryoso't taas noo na ring nakikipagtitigan sa aming kaharap. Doon pa lang ay alam ko nang saglit na mawawala ang nakilala nilang Violet. "Umpisa pa lang nahulog na si Max sa bitag namin," pahayag ko saka ako muling humarap sa kanila.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon