Chapter 17: The Erfus Accords

288 23 100
                                    

Magkahalong gulat at pagkamangha ang mga reaksyon dito sa bulwagan dahil sa inanunsyo at pinakita ni King Reginald. Hindi ko akalaing makakahanap siya ng kopya ng librong iyon. At base sa reaksyon ng lahat ay wala ni isa sa amin na nag-akala na may natitira pa palang kopya ng librong iyon at nasa kaharian lang pala ng Princeton.

Simula noong pinaalam ko kay Rake ang tungkol sa layunin ng MG ay nagpaimbestiga na siya para sa libro ng Ancients. Halos dalawang taon na rin mula noon ngunit walang nangyari sa pagiimbestigang iyon. Hanggang sa matapos ang imbestigayon na naniwala kaming natangay na ng MG lahat ng kopya nito. Pero heto't dala ng haring Reginald ang libro ng Ancients.

"Ah, yes, the book of Ancients," imik ni Governor Kelbris habang nakatingin sa mesa't hinihimas ang kanyang baba. "It is an old yet controversial book that questioned our good lord Laksen's godly act as well as being our god."

"Hmm... sa pagkakaalala ko ay nakasaad din diyan na normal na tao lang ang ating diyos ama at hindi karapat-dapat na sambahin. Sinasabi riyan na kung meron man tayong dapat sambahin ay iyon ang diyos sa mundong ginagalawan noon ni amang Laksen," pagbabahagi naman ni Head Captain Jet na may kunot sa kanyang noo.

"Not only that. It was also written there that lord Laksen is to be blamed for the extinction of the old world. Namely, the Ancients," pahayag naman ni Rake.

"Kung gayon ay alam na pala nating lahat ang nilalaman at nais iparating ng librong ito," wika ni King Reginald saka binuklat ang lumang libro at tumingin sa akin. "Ean, tama ba ako na ito ang pinagbabasehan ng kulto ng MG?"

"Opo. Ayon sa lider nila, gusto nilang ibalik ang mundo ng Ancients. Magagawa raw nila iyon sa oras na magawa nilang buhayin ang diyosa nilang si Morrigan," sagot ko naman. Kita ko kung paano nag-alala ang mga kausap ko sa aking nasabi. Lalo na ang hari na ngayo'y tahimik nang binabasa ang libro.

"Personally, there are parts inside the book that is worth believing in," pahayag ni Governor Kelbris.

"Nangangahulugan ba ito na wala kang pananampalataya sa ating diyos?" Asik ni Cap kay Governor Kelbris.

"Tread carefully, Head Captain Jet. I didn't say anything like that," sagot ni Gov sa kanya na may inis sa kanyang tono. Nilabanan lang naman ni Cap ang titig na binibigay nito sa kanya. "I believe in lord Laksen. There are just possible facts in it that I would take into consideration if you would think rationally."

"Kung gayon ay tama nga ako. Naniniwala ka sa lahat ng mga nakasaad sa librong ito," pagpupumilit ni Head Captain Jet na nagpasimangot kay Governor Kelbris.

"I told you not to jump into conclusion, Captain. I only believe in facts and the possibility of new facts. But the existence of this world of Ancients along with its goddess Morrigan? Those are mere speculations," depensa niya sa kanyang sarili na bakas na rin ang pagkainis.

"May katotohanan mang nakasaad sa librong ito o wala ay kailangan nating gumawa ng hakbang laban sa MG. Iyon ang kailangan nating bigyang pansin sa panahong ito." Nilingon ako ng hari nang may nangungusap na mga mata saka niya ito binaling kay Rake. "Rake hijo, maaari niyo bang sabihin lahat ng nalalaman niyo tungkol sa MG?"

Bago sumagot si Rake ay tinignan niya ako. Sa pagtango ko ay agad niyang nakuha ang nais kong iparating. Doon ay natayo na siya at pumuwesto sa likod ng kanyang upuan upang ipakilala ang aming mga kasamahan. "Of course, King Reginald. That is actually the reason why I brought these people with me as they were one of the few Seniors who personally encountered members of MG."

"I see. That simply means that these people also took part in hiding these from us," pagpuna ni Governor habang suot ang tila mga nanghuhusgang titig. Palihim na lang akong napailing sa sinabi niya. Sarado na talaga pag-iisip ng matandang 'to. Hindi na 'to mapapaliwanagan. Talagang ididiin at ididiin niya sa amin ang tungkol sa paglilihim namin.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon