*Ean
Kitang-kita ko ang aking repleksyon sa mahaba, malaki at salaming mesa na nakapuwesto sa gitna ng bulwagan. Maging ang chandelier sa gitna ay tila kumikinang pa rin sa repleksyon nito sa mesa. Ito ang lugar na pinaghirapan at inayos namin nang maigi dahil dito gaganapin ang diskusyon. Marami mang tao rito ay naririndi ako sa katahimikang bumabalot dito. Ni isa sa amin ay hindi umiimik, gayunpaman ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng namumuong tensyon dito.
Sa kanan ko nakaupo ang kanina pang tahimik na si Rake. Tulad ng napag-usapan ay kasama rin at nakatayo sa likod niya sina Shion, Brendz, Shin at Violet. Kasama rin nila roon ang mga kaibigan naming sina CJ, Jedi at Yrah. Pare-pareho kaming gulat nila Rake at Shion sa biglaan nilang pagdating. Hindi namin inaasahan na kasama pala sila ni Governor Kelbris na nanggaling sa Metania. Nakakainis lang at hindi kami makakuha ng tiyempo para kumustahin ang isa't isa dahil nga sa importanteng magaganap.
Katabi naman ni Rake ang kararating lang na si Head Captain Jet. Mga ilang guwardya lang ng Edira ang kasama niya at nakatayo sa kanyang likod. Gaya ng inaasahan ko nang batiin ko siya kanina ay pinaalam niya sa akin na hindi siya nagalit nang malaman ang tungkol sa MG, sa halip ay nag-alala pa nga siya sa akin. Nakaka-guilty man na itinago ko sa kanya ang tungkol dito na nagresulta sa malaking pinsala sa bayan ng Edira ay nagpapasalamat ako na pinili niya kaming intindihin.
Kung gaano naman ako kasaya sa pagdating ni Head Captain Jet ay iyon naman ang kinagalit ko't kinaasar sa pagdating ni Governor Kelbris. Nasa kaliwa ko siya't nakaupo sa tapat ni Rake. Sa likod niya ay prenteng nakatayo ang apat na gunggong na bigla na lang nang-amok ng away, ang Four Officers ng Metania. Hindi ko akalaing may lakas sila ng loob na gawin ang bagay na 'yon at dito pa sa teritoryo namin, dito pa sa Orthil. Sa ginawa nila ay para bang sinubok at kinuwestyon nila ang kakayanan namin. Alam kong iyon din ang naglalaro sa isip ni Rake kaya naman kanina pa siya tahimik at naiinis sa matandang kaharap niya.
Pekeng tumikhim si Governor Kelbris na siyang umagaw sa aming atensyon. "I've grown impatient waiting for the king. Let me suggest that we spring into the discussion."
Nahimigan ko ang pagbuntong hininga ni Rake bago sumagot. Sa inakto niya pa lang na 'yon ay alam ko nang mainit na nga ang dugo niya sa matandang ito. "Pardon us Governor Kelbris but let us wait for a few minutes more for King Reginald."
"Tama ang Principal, Governor. Para saan pa ang diskusyong ito kung hindi natin hihintayin ang hari?" Pahayag at pagsang-ayon naman ni Head Captain Jet sa sinabi ni Rake. "Isa pa'y maaga pa para magsimula. Hindi natin kailangang magmadali."
Agad na nagbago ang timpla ng mukha ni Governor Kelbris at humalukipkip. Taas noo niyang tinitigan ang dalawang kaharap. "Well, I do, Head Captain. May mga kailangan pa akong gawin sa siyudad ko," himutok nito. "And don't you have things needed to attend to? What I mean is won't Edira need you after the incident?"
Nang banggitin niya iyon ay nahagip ko ang pagsulyap niya sa akin at doo'y agad kong nakuha ang nais niyang iparating. Medyo nailang ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko kasi ay may mas malalim pang kahulugan ang pagtanong niya kay Head Captain tungkol sa bagay na 'yon, na para bang gusto niya lang ipamukha sa akin na kasalanan ko ang nangyari.
"Maayos na ang lahat sa Edira. Salamat na lang sa pag-aalala mo, Governor," nakangiting saad ni Head Captain Jet. Bahagya naman akong nagulat nang tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Marami na ang nagbago sa Edira at isa na r'on ang bumangon pagkatapos ng unos. Natutunan namin ito dahil sa isang kahanga-hangang tao." Sinuklian ko ang ngiti niya. Parang tumagos sa akin ang sinabi niya at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Sentiments," nang-uuyam na wika ni Governor Kelbris. "A piece of advice if I may Head Captain, but sentiments are nothing if you'll lose your village. You shouldn't have it. Sentiments only lead to downfall." Pagpapatuloy pa niya at hindi ko namamalayan ay napapakunot na pala ako ng noo sa sinasabi niya. Magkaibang-magkaiba kasi kami ng pananaw. "But the incident in Edira. It shouldn't have happened had we known that this man is being sought by a violent group."
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...