Chapter 18: Back Together

288 21 96
                                    

"Maraming salamat," nakangiti kong saad sa nurse saka siya umalis at lumabas ng kwarto. Binalik ko na ang atensyon ko sa babaeng nakahimlay sa higaan na may mga nakakonektang machine sa kanya.

"Bumuti pa siya sa lagay na iyan?" Nang-uuyam na sabi ng babaeng kasama ko na bakas ang pag-aalala. "Ang tagal na niyang walang malay. How many years has it been? 4 years?"

"Magpasalamat na lang tayo na lumalaban pa rin si Ms. Elsa," sabi naman ni Rake. Lumapit siya sa machine na bumubuhay kay Ms. Elsa at sinuri ito.

"Tsaka ayon naman kay Shin ay may pag-asa pa ring bumalik ang malay niya," pagpapalubag loob ko naman sa kanila.

Iniwas na ng babae ang tingin niya sa nakahiga sa kama at tumingin sa akin. Doon pa lang ay alam ko nang naaawa siya sa lagay ni Ms. Elsa at siyempre nandoon din ang lungkot at pag-aalala niya. "At least you still have that positivity in you, Ean. Akala talaga namin ay hindi ka na magbabalik."

"'Yan din ang sinabi sa akin noon nila Rake at Shion," natatawa kong sabi sa kanya saka siya binato ng ngiti.

"Tama si Yrah," sabat naman ng babaeng katabi ni Rake. "Hindi mo lang alam kung gaano namin hinahanap-hanap iyan noong nasa Metania pa kami. Sobrang nakaka-stress doon. Lalo na ang matandang iyon, diyos ko! Sarap sampalin."

"O-oy, CJ. Nagiging brutal ka na naman," nangingiti kong pagpigil sa kanya at umirap lang siya na tila inis na inis pa rin kay Governor Kelbris.

"Tss. Hindi na mababago 'yon. Brutal na talaga 'yan," masungit na tugon ni Rake na inismiran ni CJ.

"Eh pake mo ba? Ikaw ba, hindi mo aaminin na gusto mo ring saktan ang matandang iyon?" Pagbalik naman ni CJ na nagpahinto kay Rake. Sabay kaming natawa ni Yrah dahil doon. Kahit sino naman ata ay mag-iinit ang ulo kay Gov dahil sa pag-uugali nito. Pero nakakatuwang isipin na nakikita ko na naman sina Rake at CJ na nag-aasaran nang ganito. Ang ganda talaga ng relasyon na meron sila. Dama ang pagmamahalan. Note the sarc-- ay, scarcity. Muntik pa akong mamali.

"Are you two fighting again?" Nabaling ang atensyon naming apat nang magbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae at lalake habang yakap ng babae ang braso ng lalake. Isa pa 'tong dalawang 'to. Sila ang kabaligtaran ng relasyon nila CJ at Rake. Sila ang literal na nagpapakita ng pagmamahal sa isa't isa. "Not that I don't find it adorable anyway."

"Huwag ka nga, Jedi! Eh sa nakakainis naman talaga 'tong si Rake, bwiset," nanggagalaiti namang sabi ni CJ at napa-tss na lang si Rake. Lalo akong natawa sa kanila dahil doon.

"Let's calm ourselves while we're inside now, shall we?" Mahinhing pagpapakalma ni Jedi kay CJ na suot pa ang matamis nitong ngiti. Kusa akong napangiti nang makita ko na naman ang ngiting iyon. Narinig ko na naman ang pagiging peace officer niya sa amin.

"Siyanga pala, nasabihan na namin ni Jedi si Char sa plano. May ginagawa lang siya saglit sa opisina niya. Susunod daw siya sa atin," pagbibigay alam ni Shion sa amin na nagpakunot naman sa noo ko.

"Good. Ano pa'ng hinihintay natin? Tara na?" Yaya ni Yrah.

"Teka teka, saan pupunta? Tsaka may plano palang naganap bakit hindi ko alam?" Pagtataka ko sa pinag-uusapan nila na parang nawawalang bata.

"Huwag ka mag-alala, kaninang umaga lang namin 'to naplano," sambit ni Yrah sa akin saka pumaeywang. "Bakit ba kasi nahuli ka ng dating dito?"

"Ah, pasensya na. May inutos lang kasi sa akin si mama kaninang umaga. Tinulungan ko si Dylan mag-ayos ng kwarto niya," kamot ulo kong paghingi ng dispensa. Hindi ko nga alam kung bakit ako pinatulong ni mama sa pagligpit at pag-ayos ng mga gamit ni Dylan. Eh matagal naman nang maayos 'yon. Biglaan nga't pareho kaming nagtaka ni Dylan. Sabi niya lang sa akin may malalaman ko na lang daw pag-uwi. Ano na naman kaya plano ni mama?

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon