Chapter 42: Reliving Bonds

203 11 39
                                    

*Ean

Mapunit na kung mapupunit bibig ko pero hindi ko magawang ialis ang ngiti ko gayong muli ko silang nakikitang magkakasama. Parang kailan lang ay inatasan ako para maging adviser ng grupo nila noong graduation exams nila. Matapos ang lahat ng mga nangyari sa amin ay hindi ako makapaniwala na maaari pa itong mangyari. Buong akala ko ay sa ala-ala ko na lang sila muling makikitang magkakasma, ngunit hindi, heto nga't kaharap ko sila.

Suot-suot ni Relena ang matamis na ngiti nang lumipad siya tungo sa amin. Hindi ko maiwasang mamangha sa purong kulay lilang enerhiya na bumabalot sa kanya. Dagdag mo pa ang pagkinang nito at ang paghulma ng isang pakpak ng paru-paro sa likod niya. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong diyosa siya. "I sure am glad to see you again, kuya."

Sa pagngiti ko ay biglang pumasok sa isip ko ang sakripisyong ginawa nila ni Kouji para lang masalba ang buhay ko. Agad na nagbadya ang mga luha sa mga mata ko. "Ako rin, Relena. Masaya ako na sa wakas makukuha ko na rin ang pagkakataong personal kayong pasalamatan." Lumingon ako kay Kouji habang suot ko pa rin ang aking ngiti. "Kayong dalawa ni Kouji. Maraming salamat."

"We're just glad that our sacrifices weren't put to waste. I always knew that we could count on you," sinserong saad ni Relena na ikinataba ng puso ko. Mula sa kawalan ay lumungkot ang mukha niya. "I just wished that we could stay like this longer."

"Relena was right. Things will surely turn out different and worse had you not survived that encounter," pahayag naman ni Kouji habang inaayos pa rin ang bakal niyang braso.

Bigla akong napabuga ng hangin sa mga nasabi ni Kouji at nakaramdam ng press-- pre-- parachute. Basta yung mabigat. "Kung alam niyo lang kung gaano kabigat ang responsibilidad na iniwan niyo sa akin. Hay nako kayo!"

"No sorries here," agarang imik ni Kouji at napailing. "You're the only one who could do it. You're our last bet."

Gustuhin ko mang magalit kay Kouji matapos nilang magpatong ng ganitong kabigat na pasanin sa aking balikat ay nanaig sa akin ang matuwa. Sa tingin na binibigay pa lang nila ngayon ay ni katiting na pagsisisi sa sakripisyong ginawa nila para sa akin ay wala, bagkus ay naramdaman ko pa na ipinagmamalaki nila ang kanilang nagawa. Napakarami kong dahilan para ipagpatuloy ang laban na 'to, pero sapat na sapat nang dahilan ang gawing makabuluhan ang sakripisyo nila.

"This does bring back memories, doesn't it?" Ngiting tanong ni Relena sa amin.

"Damn right. But you two could suck it up for leaving me with Ean," mataray na sabat ni Brendz na nakataas pa ang isa niyang kilay. Imbis na matakot nama'y napahagikgik lang si Relena habang ako napakunot ng noo. Parang ayaw akong kasama nito ah.

"I'm so sorry, Brendz, but how have you--"

"And seriously, Relena? A girlish diary as a gift?" Putol niya sa sasabihin nito na saglit na nagpahinto kay Relena.

Hanggang sa mapapalakpak siya't pinagsiklop ang pareho niyang kamay. "So you did receive it!" Tulad kanina ay agad ding nagbago ang timpla ng mukha niya. "But... I should've known that you won't like it."

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa naging reaksyon niya. Ganoon pa rin talaga siya. Para pa rin siyang bata kung tignan. Umuyam naman si Brendz at bahagyang napangiti. "Thank you, Relena. I appreciate it."

Ang lungkot sa mukha ni Relena ay unti-unting napawi sa narinig mula sa kaibigan. Hindi inaasahan ni Brendz ay bigla na lang sumugod si Relena sa kanya at yumakap nang mahigpit. Sandaling natulala si Brendz sa ginawa niya habang kitang-kita ko naman na nakapikit lang si Relena at dinama ang kanyang kaibigan. Hanggang sa nilagay na rin ni Brendz ang kanyang kamay sa likod nito at yumakap.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon