Chapter 46: The Inevitable

113 10 29
                                    

Sa gitna ng pagdepensa nila Brendz, Kouji, at Relena laban sa mga hindi mabilang na Visitants ay agad silang napatingin sa direksyon ng tuktok ng tore nang marinig ang malakas na hiyaw ni Ean. Bakas ang takot at pagkagulat sa kanila habang kung anu-ano na ang naglalaro sa kanilang isip. Agad silang nagkatinginan.

"Damn it! He might've been careless and got himself infected by Gant's virus," magkahalong inis at pag-aalalang sambit ni Kouji.

"Shouldn't we help him? I'm getting worried," pahayag naman ni Relena na halos hindi mapakali para kay Ean. Nanatili namang tahimik si Brendz na halatang nababagabag din sa kalagayan nito.

Dinig nila ang mga yabag ng isang kabayo palapit sa kanila at doo'y nakita nila si Reginald. "Samahan na ninyo si Ean sa taas. Mukhang kailangan niya ng tulong niyo. Kami na ang bahala rito."

Iyon lang at agad nang tumango si Brendz dito at hinanda ang sarili. Sabay namang tumingin sa kanya sina Relena at Kouji at sa tingin na binigay ng dalawa sa kanya ay agad siyang napahinto. "What? Why are you looking at me like that?"

"We can't let you go with us. It's far too dangerous," saad ni Kouji na ikinaangat ng kilay ni Brendz.

Poprotesta na sana ito nang unahan siya ni Relena. "Kouji's right, Brendz. We can't have you risk for your life."

"Hell no," tipid na sagot lang ni Brendz. Hindi niya inintindi ang dalawa at nagsimula nang maglakad tungo sa tore nang harangin siya ni Kouji. "Get out of my way. I'm going."

Hindi nito inaasahan ay humakbang palapit sa kanya si Kouji nang isang dangkal na lang ang lapit ng kanilang mukha sa isa't isa dahilan para mapaatras si Brendz at sumimangot. Napahagikgik naman si Kouji nang masilayan ito. "Relena and I have nothing to lose. We're done. But you... you still have a lot ahead of you. We can't let you throw that away."

Pinaningkitan ni Brendz si Kouji sa sinabi nito. "And who the f*ck are you to tell me that?"

"Brendz, anak," pagtawag ng hari sa kanya. "Hayaan mo na sila Kouji at Relena sa kanilang desisyon. Kakailanganin din namin ang lakas mo sa laban dito."

Napaawang ang bibig ni Brendz sa sinabi ng hari at binaling ang tingin kay Kouji na malapad ang ngiti sa kanyang pagkapanalo. Umirap na lang si Brendz dito sa inis.

Bigla ay naramdaman niya ang yakap ni Relena. "We're sorry, Brendz. But I hope you understand. And hey, this is originally our mission with Ean. Maybe it's what fate has destined it to be, for me and Kouji to take care of our loose ends." Kumalas si Relena sa pagkakayakap nang may matamis na ngiti. "I promise to do our best and make things right this time."

Iyon lang ay lumipad na si Relena at hinablot si Kouji upang magtungo sa tuktok ng tore. Naiwan naman si Brendz na nakikipaglaban pa rin sa sarili kung dapat nga bang manatili na lang siya kasama ang pwersa ng Princeton o sumunod sa kanyang mga kaibigan.

*****

Nababalot ng makapal na usok na nanggagaling sa mga nagkalat na apoy ang buong kuweba. Ang mga tipak-tipak na bato ay nagkalat na wari ay nagkaroon ng pagguho sa loob nito. Kalunos-lunos naman ang sinapit ng mga taong nakahandusay sa malamig na sahig na halos maligo sa kani-kanilang dugo habang ang iba ay nagkulang na ng parte ng kanilang katawan. Lahat sila ay mga hindi na humihinga pa. Kung susuriin ang buong kuweba ay tila dinaanan ito ng malupit na delubyo.

Sa gitna ng mga duguang tao ay isang nakakagimbal na hagikgik ang pinakawalan ng isang babae. Hawak-hawak nito sa ulo at kinakaladkad ang babaeng humahangos at halos hindi na mabilang ang galos sa buo niyang katawan. Nagmistulang lantang gulay ang katawan ng babae. Hindi na nito kayang manlaban pa.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon