Chapter 37: Memories

119 9 48
                                    

Nakalapat ang likod nina Brendz at Jarrel sa malamig na pader habang nakadungaw sa isang tahimik na pasilyo kung saan nila namataan ang dalawang lalake. Kasalukuyan itong palayo sa kanilang posisyon kaya naman minabuti na ng dalawa ang maghintay. Bakas sa mukha ni Jarrel ang kaba at takot na mahuli sila habang mataman namang nakatitig si Brendz sa dalawang lalake. Hanggang sa iangat na ni Brendz ang kanyang kamay, hudyat na maaari na silang magpatuloy.

Tumatakbo man ay maingat ang bawat hakbang nilang dalawa lalo na't nasa isang kulob na lugar sila. Ang simpleng ingay ay maaaring umalingawngaw sa buong lugar. Mamamataan ang mga tubo na may iba't ibang laki sa pader at dingding. Mga maliliit na ilaw sa bakal na pader naman ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

"You clearly have not done this before, huh?" Pahayag ni Brendz sa gitna ng kanilang pagtakbo.

Umiling si Jarrel at napalunok muna sa tindi ng kanyang nararamdaman bago sumagot. "I'd rather stay inside my office than do this kind of thing."

Umuyam si Brendz at napairap sa naisagot nito. "Anyways, are you sure we're on the right way? How many more guards are we going to sneak by just to get to the f*cking control room?"

"It should be close by," saad ni Jarrel sabay palabas ng isang screen sa kanyang palad at doo'y lumitaw ang tila isang blueprint ng buong lugar. "I-if what this blueprint that I got from kuya Gant's room was right."

"Tsk, much as I like to praise you for getting that information before asking me for help, just how come none of you had any idea that MG's main headquarter is located here in Metania?" Iritadong sambit ni Brendz.

"As I've said, I no longer know how many of our men has been made ally of MG. Could be every men of the city," may lungkot sa tono ni Jarrel nang sabihin niya iyon.

Doo'y nahinto si Brendz sa pagsasalita. Kanina lang ay pinaalam sa kanya ni Jarrel na wala na itong matakbuhan. Nabanggit din nito na ang kasamahan nitong sina Kokoro at Hugh ay nasa mga kamay na ni Gant. Ang tanging pinanghahawakan na lang nito ay ang paniniwalang walang gagawing nasama si Gant sa dalawa na ikakapahamak ng mga ito, ngunit maging si Jarrel ay nalilito pa rin sa kung bakit nagawa ito lahat ng kanyang kuya.

"There's the control office," pigil na bulalas ni Jarrel. Tumambad sa kanila ang isang may kalakihang automated door. Unang tingin pa lang nila rito ay alam na nilang matibay at makapal ang pagkakayari rito. "Hold on. I'll try to hack the system and open the door." Pagpapatuloy nito saka kinalikot ang control sa pinto.

Wala pang ilang segundo ay sabay na nagulantang sila Jarrel at Brendz nang makarinig ng mga boses na unti-unting lumalapit sa kanila.

*****

"Haaay tapos na ang break! Sasakit na naman ulo ko sa pinapagawa ni sir. Kailangan ko talaga ng tulong niyo," daing ng lalake. Sabay namang tumawa ang mga kasamahan niya.

"Eto na nga at tutulungan ka na," natatawang sambit ng isa pang lalake.

Umuyam naman ang isa nilang kasama. "Huwag muna kayo pakampante. Mahirap aralin ang mga ginagawang system ng gag*ng 'yon. Hindi natin 'yon basta-basta mapapakialaman."

Sabay-sabay na huminto ang tatlong lalake pagkarating nila sa tapat ng automated door. Ang lalakeng malapit sa scanner ay siya nang nagtungo rito at pina-scan ang ID na nakasabit sa kanyang leeg. Lumikha ng tunog ang scanner saka umilaw at doo'y naghiwalay ang automated door at bumukas.

Tumingin nang nakakaloko sa mga kasamahan niya ang lalakeng nagbukas ng pinto saka nagsalita. "Ano sa tingin niyo ang magiging reaksyon ni sir Jarrel kung malalaman niyang ginag*go lang natin siya?"

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon