Chapter 29: Get Mad

243 23 39
                                    

A/N: Hey, everyone? How 'ya doin'? You good? I'm good. We're both good. We'll go to heaven. HAHAAHA! Kung anu-ano na naman sinusulat ko. SI EAN 'YAN! Hahahahaha! Anyways, just wanna give a heads up for a mild SPG for this chapter. Sira ulo ka, Ean! Umi-SPG na story mo!

Ean: Hala!!! *takip unan sa mukha tas diniin na ni EGStryker nang mamatay na*

Lol! Enjoy po sa chapter na 'to while I kill Ean.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Agad kong namataan ang pigura ng isang lalakeng nakatalikod at nakatanaw lang sa maganda't payapang kabuuan ng Lilac garden. Sariwang umiihip ang hangin na siyang mas nagpaganda pa ng paligid at dahilan ng pagsayaw ng mga makukulay na halaman at bulaklak. Saglit ko pa lang nadama ang mga ito ay nagawa na nitong pagaanin ang loob ko. Humugot ako ng malalim na hininga upang mas damhin pa ang hangin saka ako nag-umpisang maglakad tungo sa lalake.

"Dumiretso ako sa opisina mo. Assistant mo lang nadatnan ko," pukaw ko sa atensyon niya at base sa paggalaw ng kanyang balikat ay alam kong narinig niya ako. Nahinto ako sa paglalakad nang ilang hakbang na lang ako mula sa kanya. "Pinapatawag mo raw ako?"

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay pinanatili niya lang ang kanyang mga mata sa magandang tanawin. Doo'y tumabi na ako sa kanya at sinamahan siya sa kanyang ginagawa.

"It was here when Ms. Elsa held a small race for you and the others. A punishment for bullying Rinoa," pagbasag niya sa kanyang katahimikan at marahan pang napabungisngis sa huli niyang sinabi.

Maging ako man ay natawa at bigla ko na lang naalala ang kaganapang iyon. Ako ang may dahilan ng lahat ng iyon. Malala talaga kalokohan ko noong nag-aaral pa ako at ang mga kasama ko noon sa parusang iyon ay mga nadamay lang sa kagagawan ko. Tandang-tanda ko pa ang mga nag-uusukang ilong nang dahil sa akin. Hanggang sa may isang bagay pa akong naalala nang balikan ko ang sinabi ng katabi ko.

"Ikaw nga pala nag-utos sa kasamahan mo noon na atakihin kaming mga nandaya sa race kaya ako namatay. Paano isa si CJ sa mga naparusahan kaya ganun na lang kalaki ang galit-" agad akong nahinto nang sumanggi sa isip ko ang mga sinasabi ko. Hindi ko pala dapat sinabi iyon. Bibingo na talaga ako rito. "A-ang ibig kong sabihin ano... uhh..."

"Cut it, Ean. Totoo naman eh. It was my doing," saad niya na hindi pa rin tumitingin sa akin. Hindi man niya sabihin ay alam kong nasa isip niya pa rin ang naging pag-uusap kagabi. Kung paano niya naalala ang lahat ng kasalanan niya. Ang mga salitang binitawan ko at binatong tanong sa kanya. Malamang ay binabagabag pa rin siya ng mga ito.

"Ahh, Rake? Tungkol nga pala sa mga nasabi ko kagabi-"

"Tss. Pwede ba, Ean? Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ako ang dapat humihingi niyan." Sa pagkakataong ito ay hinarap niya na ako na may kunot sa kanyang noo, ngunit ilang saglit lang ay napayuko siya't napahalukipkip. "I actually think that I needed that. Believe it or not, all these events are being too much for me. Kung wala pa rin siguro sila CJ ngayon-- hindi ko na alam kung ano gagawin ko."

Saglit akong natigilan nang mahimigan ko ang kahinaan mula kay Rake. Kailan man ay hindi ko pa nakikitang ganito ang kaibigan ko. Lintek, hindi ako sanay nang ganito 'to. "Si pareng Rake slash principal Rake ba talaga kausap ko? Parang hindi naman 'yon tinatablan ng mga ganyan."

Sa mga sinabi ko ay agad akong nakatanggap ng nakamamatay na titig mula sa kanya. Agad akong napaangat ng kamay na parang sumusukong kriminal. "Oh, kalma! Can't you told I'm kidder?" Depensa ko sa aking sarili na mas lalong kinalalim ng kunot sa kanyang noo.  Bumuntong hininga ako saka nagpaliwanag. "Ang ibig ko lang sabihin eh alam ko namang ibang lebel na ng stress ang mga nangyayari ngayon. Naiintindihan ko 'yon. Kahit naman ako eh. Kahit si Shion sinasabi rin 'yan. Pero si Rake ka 'tol eh! Sisiw na sa'yo ang mga ganito. Makakaya mo lahat ng 'to."

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon