A/N: Another global warming! This chapteration is rented SPG. You skippy peanut butter this chapseouy if you don't wanted violenscent lamp, tank you. - Ean
Anak ng tipaklong! Sana may naintindihan sila sa babala mo, Ean. Hahahahah! Anyways, rated SPG lang ang ibig sabihin niyan. Kada labas na lang ni Max nagiging ganito. Lintek na Max. Mapapatay ko na 'to. Hahah!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*3rd Person POV
Namumungay na minulat ng babae ang kanyang mga mata habang nakaupo sa metal na upuan sa gitna ng malawak na espasyo. Kung titignan ay mala high-tech facility ang kanyang tinitigilan base sa mga kakaibang ilaw na nakadikit sa metal na pader. Makikita rin ang mga ventilation sa kisame kasama ang ilang mga tubo.
Sariwa pa ang mga pasa at galos nito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Sa mukha, sa kanyang leeg, sa mga nakagapos niyang kamay at maging sa kanyang binti. Kapansin-pansin din sa kanya ang matinding pagod at panghihina na halos hindi na nito magawang iangat pa ang kanyang ulo. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay tumulo ang kanyang luha. Sa isip-isip niya ay sana hindi na siya nagising pa. Mas gugustuhin niyang mamahinga na lang gayong alam niyang muli na naman siyang maghihirap at masasaktan sa kanyang paggising.
Lumikha ng ingay ang automated door na umalingawngaw sa lawak ng silid. Naghiwalay ang pinto sa tapat ni Moira at isang malakas na tawa ang sumalubong sa kanya. "Gahahaha! Sa wakas gising ka na! Magsasaya na naman tayo!"
Walang ni anong reaksyon siyang nakita sa babae kung hindi ang panghihina nito na nagpabusangot sa kanyang mukha. Ang gusto niya ay muli na naman itong umiyak. Hinahanap niya rito ang mga pagdaing at pakikiusap na tila isang sensasyon para sa kanya. Sa kagustuhan niyang makita ito muli ay agad niyang mariing pinatingala ang ulo ng babae.
"Hoy! Hoy! Gising!" Sa bawat salitang pinakawalan niya ay sinasabayan niya ng may kalakasang pagtapik sa mukha ng babae, ngunit sa kabila nito ay nanatili lang itong walang imik. Gustuhin mang manglaban ng babae ay masyado nang malaki ang pinsalang natamo ng kanyang katawan. Dagdag mo pa ang lakas ng lalakeng kaharap niya. "P*nyeta! Ang boring!" Bulalas nito at saka marahas na binitawan ang mukha ni Moira.
"Ahh! Bakit ba hindi ka na lang magsalita, huh!?" Napapapadyak sa sahig nitong reklamo. "Katiting na impormasyon lang naman ng Orthil ang hinihingi namin sa'yo. Pangako, papakawalan na kita pagkatapos." Dagdag pa nito saka inekisan ang kanyang dibdib at tinaas ang kanyang kanang kamay. Kasabay ng pag-ikom ng kanyang kamay ay ang nakakapangilabot na ngising sumilay sa kanyang labi. "O baka naman gusto mo na namang masaktan?"
Hindi nito inaasahan ay napahagikgik lang si Moira sa kanyang sinabi. "You... can do... anything you want... with me. I'm not selling out... my comrades."
Tila naging mitsa iyon kay Max para manumbalik ang sensasyon sa dibdib niya. Dali-dali siyang lumapit kay Moira saka bumukaka't naupo sa binti ng dalaga at hinaplos ang mukha nito. "Talaga!? Seryoso ka sa sinabi mo!?" Sabik nitong sabi habang inaalis ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Moira.
Kung noon ay walang ibang nararamdaman si Moira kung hindi ang matakot sa tuwing nagkakaharap sila nang ganito, ngayon ay tanging panggigigil at galit na lang ang nararamdaman niya. Sa dami ng sinapit niya sa lalakeng ito ay pinatibay na nito ang kanyang dibdib. Handang-handa na siya sa kung anumang maaaring mangyari sa kanya.
Habang patuloy na hinahaplos ni Max ang mukha ni Moira ay lalo lang umuusbong kay Moira ang galit. "Sigurado ka ba sa gusto mo, huh!? Dapat malaman mong ito ang magiging kapalit ng pananahimik mo."
Hanggang sa sumabog na ang galit ni Moira at nagawa na nitong lumaban at dinuraan sa mukha si Max. "You pig!"
Gulantang man ay mas lalo pang lumapad ang ngiti ni Max sa ginawa nito at bumunghalit nang tawa saka tumayo mula sa binti ni Moira. "P*ta-- lumalaban ka na! Gahaha!"
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...