*Ean
"Shion! Halika dali! May papakita ako sa'yo!" Nagagalak kong tawag sa kanya habang hindi maalis ang tingin ko sa tanawin.
"Aisht! Ano na naman ba 'yan, Ean? Lahat na lang ng lugar dito pinakita mo sa akin. Eh pare-pareho lang namang--"
"Eto! Dito!" Bungad ko sa kanya sabay turo sa buhanginan. "Dito ako naghanap ng pagkain noong tumakas ako sa Edira!"
"Ano!? Diyan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Shion. "'Wag mong sabihing naghukay ka pa diyan? Eh may nahanap ka naman ba?"
Bahagya akong tumawa saka ako napakamot ng ulo nang maalala ko ang nangyari noon. Tamang-tama kasi ang sinabi niya. Biruin mong naghukay nga ako sa buhangin para makahanap lang ng pagkain. "Wala. Matapos ko kasing tumakas naisip ko na wala pala akong pagkaing makikita sa kahit anong disyerto."
Doo'y humagalpak ng tawa si Shion. Nagpatuloy iyon hanggang sa ang ngiti ko ay unti-unti nang nawala. Grabe ang tawa ni Shion. Mukhang nananakit pa tiyan niya sa kakatawa. Habang nagtatagal pakiramdam ko naiinsulto na ako, 'yung tipong tinatapakan ang pagkatao ko? He's so mean median mode.
"Eh ano'ng tawag sa'yo, Ean?" Tatawa-tawa niya pa ring sambit na ikinasimangot ko na.
"Hoy! 'Wag ka ngang ano. Dito rin ako unang nakainkuwentro ng nasaniban ng Visitant," pahayag ko naman at doo'y unti-unti na siyang tumigil sa pagtawa. Marahil ay naalala niya rin ang bangungot na mayroon noon dahil sa Crack at Visitant.
Pinahid niya ang luha niya kakatawa saka humugot ng malalim na hininga. Seryoso na siyang tumingin sa akin saka nagsalita. "Hindi ba't 'yon ang mga panahong wala ka pang maalala?" Isang simpleng tango lang ang ginawa ko bilang sagot. Umuyam siya't napailing saka ako nginitian. "Naiintindihan ko na kung bakit napakahalaga ng bayan ng Edira sa'yo, Ean. Mukhang hindi biro ang pinagdaanan mo noon."
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ko sa kanya habang nananariwa na naman sa akin ang mga sinapit ko noon. "Pero masaya pa rin naman ako dahil kung hindi nangyari 'yon, hindi ko sila makikilala."
"Ang kumupkop sa'yo?" Pagtatanong niya na agad kong tinanguhan.
"Papakilala kita sa kanila. Tiyak matutuwa si Dylan kapag--"
"Hoy, Ean!" Naputol ang sasabihin ko nang tawagin ako ni Shin. Kusa naman akong napasimangot nang makita kong magkatabi at sabay na naman silang naglalakad ni Moira. Simula kasi nang umalis kami ay hindi na niya nilubayan si Moira. Sobrang babaero talaga. "Malapit na ba tayo? Napapagod na ako eh. Isa pa'y nangingitim na ako oh! Nanlalagkit na rin ako. Gusto ko na maligo."
"Malapit na!" Dami mong arte. Gusto ko sanang idagdag 'yan kaso 'wag na. Sadyang maraming arte lang talaga sa katawan 'yan si Shin. Palibhasa puro babae inaatupag.
"Buti naman. Baka mabahuan na sa akin si Moira eh. Baka hindi na ako lapitan," saad pa niya sabay tingin nang malagkit kay Moira at ngumisi pa nang nakakaloko. Hindi ba siya kinikilabutan sa ginagawa niya? Mukha siyang asong hayok sa buto.
"A-ah, yes, we're almost there," imik ni Moira at nahagip ko ang bahagya niyang pag-iwas at paglayo kay Shin. Palihim naman akong napangiti dahil doon. Binalingan niya ako saka nagpatuloy. "Right, Ean? Can't you believe it? In just a few minutes, mararating na natin ang Edira. I can't wait."
Muli akong napangiti sa sinabi niya habang inalala ko ang una naming pagkikita sa Edira's Cruise. Hindi lang ako makapaniwala na marami na kaming napagdaanan simula noon. Gayunpaman ay masaya ako dahil nanatili siya sa tabi ko at naging tunay na kaibigan. "Eh ano pa hinihintay natin? Tara na--"
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...