Chapter 45: Opposing Gods

128 7 30
                                    

Kitang-kita ko sa mukha ni Gant ang pagkagulat matapos ang nasabi ko. Tinitigan niya ako na tila ba'y nangungusap na bigyan siya ng paliwanag, ngunit hindi ko iyon ginawa. Nilabanan ko lang ang tingin niya.

"What did you just say?" Hindi na nito napigilan ay nagtanong na ito.

"Ang sabi ko, handa ka ba talagang pangatawanan ang pagiging diyos ng takot, galit, at pag-aaway kahit alam mong--"

"Blasphemy!" Agad nanlaki ang mga mata ko nang sa paghiyaw niya ay lumabas ang maitim na likido mula sa kamay niya at marahas na nagtungo sa akin. Walang anu-ano akong tumakbo palayo upang iwasan ang atakeng iyon. Malakas na bumangga ito sa nilulugaran ko kanina dahilan para mag-iwan iyon ng pagkasira sa batong sahig. "You disgust me with your filthy words! A mere man cannot be a god!"

Humugot ako ng malalim na hininga saka ko inayos ang aking sarili. "Sa maniwala ka man o hindi, pero matapos kong malaman ang lahat, nararamdaman ko na sa'yo sumanib ang muling pagkakatawang-tao ng mga diyos na 'yon."

"Graaahh!!!" Hiyaw niya at muling minanipula ang maitim na likido. Tulad kanina ay mabilis ko lang itong naiwasan, ngunit sa pagkakataong ito ay nagpatuloy ang pagsugod nito sa akin, umaasang maiisahan ako nito. Patuloy lang ang pag-ilag ko rito at hindi rin nagtagal ay huminto si Gant sa pag-atake. "Don't drag me with your blasphemous thoughts! Aren't you ashamed of yourself?"

Sa inis ay napakamot ako sa aking ulo at napasimangot. "Ewan ko sa'yo! Blasphemous blasphemous ka pang nalalaman, sino ba'ng sikat?" Tirada ko naman na inilingan niya lang. Ang dami kasing alam. "Maniwala ka na lang sa akin, pwede ba?"

Saglit siyang tumitig sa akin na tila malalim ang iniisip. Hinaplos pa ng mga daliri niya ang kanyang baba habang nakatitig pa rin sa akin. "Correct me if I'm wrong, but the facts about the existence of gods of fear, anger, and war is only written in the book of the Ancients. And here you are telling me that I am the reincarnation of those gods. Does it simply mean that you finally opened your eyes and see through the reality of our world? You believe in it?"

Isang tipid na ngiti ang binato ko sa kanya hindi dahil sa paratang niya, kung hindi dahil sa mga isiniwalat ni amang Laksen sa akin na kanina pa naglalaro sa isip ko. "Oo, tama ka. Naniniwala ako na totoo sila. Pati na rin ang lahat-lahat ng nakasulat sa Ancients."

Iyon lang at kita kong agad lumapad ang labi niya at humalakhak. "Congratulations to you then! You finally learned the truth!" Bigla naman ay nagseryoso ang mukha niya. "Then what's the point of this fight? You should join our cause to bring back the goddess and--"

"Nasisiraan ka na ba talaga ng bait, Gant?" Putol ko sa sinasabi niya dahilan para agad magsalubong ang mga kilay niya. Hindi ko magawang paniwalaan na gusto niya pa ring ibalik ang mga diyos na iyon sa mundo. "Kung alam mo nga talaga ang lahat ng nakasaad sa libro ng Ancients, dapat alam mo rin kung anong klaseng mundo iyon. Isang lugar na puno ng galit? Puno ng takot? Puno ng pag-aaway? Gugustuhin mo talagang mamuhay sa mundong gan'on?"

Bago sumagot ay umiling lang si Gant sa akin. "Did you just describe our world?" Agad akong natigilan sa kanyang sinabi. "I mean-- what makes Lakserf diferent from the world of Ancients as described in the book?" Ang sumagot o labanan ang sinabi niya ay hindi ko nagawa. Kahit saang anggulo man tignan, ay nakukuha ko ang pinupunto niya.

Hanggang sa may sumanggi sa isip ko. "Ito ba ang dahilan kaya mo pinlano ang lahat ng 'to? Ang sinabi mong pinapatagal lang namin ang kahihinatnan ng mundong 'to, ibig mo bang sabihin ay gusto mo lang padaliin ang lahat?"

"Of course not!" Agaran nitong sagot. "You have those who're important to you, and I have mine. I'm doing this for them even though they don't approve of my way. Time will come that they will realize that it is for the best."

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon