Chapter 8: Big Favor

291 23 54
                                    

Papalapit pa lang sa amin si ate Vivith ay tila gusto nang tumayo ng mga paa ko at ako na mismo ang kumuha sa bitbit niyang ulam. Kanina pa kasi kumakalam ang tiyan ko sa amoy pa lang ng niluluto niya. Sigurado ako at alam ng tiyan ko na masarap 'yon.

"Oh, eto na ang chicken curry," sambit niya sabay lapag ng ulam sa gitna ng mesa. Sing bilis ng lightning magic dumapo ang kamay ko sa sandok at agad akong naglagay sa aking plato. Away-away na 'to! Gutom na ako! "Ay ano ba naman 'yan, Ean! Dahan-dahan lang!"

"Grabe, Ean nakakahiya ka!"

"Anak ng-- patay gutom!"

Galing lang naman 'yan sa dalawang lalakeng kaharap ko habang matalim ang tingin sa akin. "Heh! The bought of you are just maddening because I was pores to getting the foods! What a slowpoke!"

"'Wag mo ako igaya sa'yo," pikon at galit na sagot naman ni Shion. Lalo tuloy akong natawa dahil doon. Totoo naman ang sinabi ko. Bago pa man ay kaming tatlo na ang panay ang daing sa aming tiyan dahil sa sarap ng aromang nanggagaling sa niluluto ni ate Vivith. Kaya alam kong sabik na rin silang kumain at nainis lang sila dahil ako ang nauna.

Pagbalik na pagbalik ko ng sandok ay kitang-kita ko kung paano nabalot ng puting enerhiya ang kamay ni Shion at mabilis na kinuha ang sandok. Doo'y agad sumabog ang tawa ko at lalo pa iyon lumala nang makita ko ang asar na mukha ni Shin.

"Napagkadadaya niyo! Gamitan ng mahika para lang makakain!" Inis na inis na reklamo ni Shin habang sabay namin siyang tinatawanan ni Shion. Lintek talaga, tawang-tawa ako sa ginawa ni Shion. Ni hindi man lang itinago ang paggamit ng mahika.

Napansin ko namang napapangiti lang ang katabi ko sa kaguluhan namin. "Moira, gutom ka na rin ba?"

"Not really, but I'm really craving for ate Vivith's curry," sagot niya habang malagkit ang tingin sa ulam na sinasandok ni Shion. Mula sa kawalan ay may gumuhit na ideya sa isip ko.

"Oh, ayan! Kumuha--"

"Akin na muna!" Hiyaw ko at sa pagkislap ng kuryente malapit sa akin ay nasa kamay ko na ang sandok at agad itong inabot kay Moira. Gaya ng reaksyon ko kanina ay gulat at humagalpak din ng tawa si Shion sa ginawa ko. "Oh, Moira kumuha ka na."

"P*tang--"

"Oy, Shin! Bawal magmura dito, mahiya ka nga!" Bulyaw ko sa kanya at muli kaming nagtawanan ni Shion. Naghi-5 pa kami habang hindi na maipinta ang mukha ni Shin.

"Mahabaging Laksen, oy tumigil na nga tayo. Nakakahiya na," nahihiyang sabi ni Shion habang nagpapahid ng luha dahil sa kakatawa. "Pasensya na po kayo aling Vivith. Sobrang nakakatakam lang po kasi talaga 'yung amoy ng curry eh. Tsaka nabanggit din po kasi ni Ean na dapat daw naming masubukan 'to."

"Ano ba kayo, wala iyon. Sige na, kumain na kayo," nakangiting wika ni ate Vivith. Kasalukuyan na kaming kumakain ni Shion at sumasandok ng ulam si Moira. Muntik ko namang mabuga ang pagkain ko nang pagbaling ko kay Shin ay nakahalukipkip siya at hindi pa rin mawala ang simangot.

"Mhmm! Sarap!" Tuwang-tuwang pahayag ni Shion. Ako naman ay tahimik lang na ninanamnam ang sarap ng pagkain. Tamang-tama lang ang alat at tamis ng malapot nitong sabaw habang malambot naman ang laman ng manok. Higit sa lahat ay gustong-gusto ko ang anghang na mayroon ito. The best talaga ang curry ni ate Vivith.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto mong makabalik dito."

"What I did telled to you? You're not stop, look and listener to me," sumbat ko sa kanya at nahagip ko ang pagkunot ng noo niya. Marahil ay iniisip niya ang sinabi ko.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon