Chapter 40: Breakout of the Holy War

144 9 32
                                    

*3rd Person PoV

"These are the reports they need. Pakidala na lang sa Mysticium floor," utos ni Char kay Moira sabay abot nito ng iilang folders. Kaagad naman itong tinanggap ni Moira. "Oh and send Violet my regards. I heard she's been working hard keeping an eye on our prisoner. Thank you."

"Will do, ma'am, no problem," nakangiting sagot ni Moira at agad nang lumabas ng systems core hall upang sundin ang utos sa kanya.

Habang mag-isang naglalakad ay kung anu-ano na ang naglalaro sa isip ni Moira. Nariyan ang mga trabaho sa kanilang opisina, ang pagiging doble ingat ng mga Seniors ng Orthil dahil sa pag-alis ng tatlong Guardians tungo sa Metania, ang pag-aalala kay Brendz, at higit sa lahat ay ang maaaring mangyari kay Ean gayong alam niyang nasa Elysium mountains na ito.

"Uy! Kita mo nga naman." Malalim ang pag-iisip ni Moira nang mapabalik siya sa huwisyo nang agawin ng pamilyar na boses ang kanyang atensyon. "Sa dami at busy ng mga Seniors, hindi ko inaasahang makakasalubong ka namin."

"Sh-shin, hello," mahinhing bati nito sa lalakeng malapad ang ngiti sa kanya. Napabaling naman ang tingin niya sa akbay-akbay niyang bata. Naningkit ang mata ni Moira dahil dito. "I didn't expect to see you here, of all time, Dylan."

Binato lang ni Dylan nang tipid na ngiti si Moira at si Shin na ang sumagot. "Kailangan ko kasi ng pangtanggal stress. Kaya heto, nililibot ko na lang si Dylan sa mga floors ng academy," paliwanag nito na tinapik pa ang balikat ng binatilyo.

"Ayun ang sabi niya, ate. Pero sa ilang floors na dinaanan namin, walang nakalagpas na mga babae na hindi niya binati," pagbubuko ni Dylan dito at napalaki na lang ng mga mata si Shin.

"H-hoy! Nagiging friendly lang naman ako. Sharing the good vibes ba?" Depensa nito sa kanyang sarili. Napailing na lang si Moira. "Pero seryoso, kailangan ko lang talaga ng mapaglilibangan. Sobra nang toxic sa workplace ko eh. Baka maapektuhan na kagwapuhan ko."

"Why? What's the matter?" Asik ni Moira.

Bumunot muna nang malalim na hininga si Shin bago nagkuwento. "Si Ms. Elsa. Nag-flatline na naman kanina," siwalat nito na nagpagulat kay Moira. "Pero ok na siya, stable na. Inaalala ko lang na hanggang kailan ba namin siya maililigtas sa kamatayan? Lagpas apat na taon na hindi pa rin bumubuti lagay niya. Hindi ko na rin alam ang gagawin."

"I-I see..." naisagot na lang ni Moira gayong naramdaman niya rin ang bigat mula kay Shin.

Kaagad namang lumiwanag ang mukha ni Shin saka nagtanong. "Eh ikaw? Saan punta mo niyan?" Ang mga mata nito ay nakatutok sa mga folders na bitbit ni Moira.

"Ah, yes! I have to go to the Mysticium floor and give these reports to Violet and her team," pagbibigay alam ni Moira.

"Oh, tamang-tama. Doon din namin balak magpunta ni Dylan eh. Sabay na tayo," nakangiting paanyaya ni Shin ni tinanguan na lang ni Moira.

*****

Binabalot ng matinding tensyon ang buong lawak ng conference hall sa loob ng kapitolyo ng Metania. Magkatapat na nakaupo ang grupong binuo ni Rake at sina Kokoro at Hugh kasama ang ilan nilang tauhan. Sa likod ng kagandahan ng paligid, ng magarbong ilaw na nakasabit sa mataas na pader, ng tanawin sa kalapit na terrace kung saan kitang-kita nila ang halos kabuuan ng Metania, ay ang nakakapangilabot na awrang nilalabas ng bawat tao sa bulwagan.

"So you're here to discuss about the matter involving one of your men, Brendee Esquivel," si Kokoro na ang nang-ahas na basagin ang katahimikan. Suot pa rin nito ang nakakalokong ngisi habang nakatitig kay Rake. "You told me that you've seen what our men got from the video. I fail to see why is still there a need for discussion."

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon