Wala ni isa ang nagtangkang bumasag ng katahimikan sa mga nananatili sa malawak na bulwagan. Tanging kay Rake lang nakatuon ang kanilang atensyon na kasalukuyan nang binibigyan ng pang-unang lunas ng isang Lilac Senior, lalo na sa mga pasong natanggap nito. Pilit mang nagpapakatatag si CJ na inaalo na rin ng kaibigang si Jedi ay patuloy ang pagluha nito sa sinapit ng nobyo. Bakas naman ang lungkot sa katabi nilang si Shion.
Hindi nila inaasahan ay bigla na lamang lumagabog ang malaking pinto dahilan para mabaling ang kanilang atensyon dito. Agad silang naalarma ng isang malaking grupo ng mga armadong sundalo ng Metania ang iniluwa ng pinto na sabay-sabay silang tinutukan ng baril. "Hold your ground!" Kusang gumalaw ang katawan ni Shion at agad pinuwesto ang dalawang babae sa kanyang likod upang protektahan ito. Tumabi naman sa kanya ang ilan sa mga tauhan niya.
Napuno ng tensyon ang bulwagan sa matatalim na titigang binato nila sa isa't isa. Marami mang arms ang nakatutok kay Shion ay anumang oras ay handa siyang kumilos at patumbahin ang mga ito. Hanggang sa isang pagsigaw ang umagaw sa kanilang atensyon.
"Wait!" Bulalas ng isang binata na nagmula sa terrace at lulan ng isang maputi't kumikinang na kabayo. Nang makalapag ang kabayo sa sahig, sa kabila ng pagod ay dali-dali siyang lumundag at tumakbo upang pumagitna sa dalawang grupo na gulantang sa biglaan niyang pagsulpot.
"J-Jarrel?" Pagtawag ni Jedi rito at akmang hahakbang na ito palapit sa binata nang pigilan siya ni Shion.
"Sandali lang, Jedi. Ang kabayong sinakyan niya, sigurado akong iyon ang Kirin," pahayag ni Shion na nagsisimula nang makaramdam ng masamang kutob sa kabayo at kay Jarrel.
"Sir Jarrel! Nagagalak po kaming makita kayo! Ang mga Guardians ng Orthil, bigla na lamang nila tayong inatake at--"
"No! It's not them. Whatever it is that ate Kokoro and Hugh ordered you, disregard it. Kuya Gant did something to them. Now lower your arms," putol at utos ni Jarrel sa sasabihin ng sundalo ng Metania. Agad niya namang binaling ang kanyang sarili sa grupo nila Shion. "And yes, you are right, it is the Kirin and let me explain everything. It's-- I... I guess it would be better if I just show you."
Puno ng pagtatakang nagkatinginan sila Shion, Jedi, at CJ sa kung ano ang ipapakita ni Jarrel na ngayo'y hinahanda na ang kanyang cyber magic. Sa pagkumpas nito ng kanyang kamay ay lumabas ang malaking holographic screen at pinakita ang kaganapan sa kaharian ng Princeton.
"It's all kuya Gant's fault. He's the man behind the mask. He's the man behind the appearance of the Crack," panimula niya na ikinagulat ng mga tao sa loob ng bulwagan. "To make matters worse, he... he was the one who killed the Governor."
Kaagad nagkaroon ng mga bulung-bulungan ang mga sundalo ng Metania sa isiniwalat nito. Bakas naman sa mukha ni Jarrel ang lungkot matapos ang pinaalam niya sa mga ito.
"Patay na ang gobernador ng Metania?" Hindi makapaniwalang untag ni Shion na tinanguan lang nito.
Binalingan naman ni Jarrel ang grupo nila Shion. "Ean, along with Brendz, princess of Princeton, and their friend Kouji are taking care of kuya Gant. For some reason, Ean is able to summon the Kirin. He was the one who sent me back here and asked me to inform everyone of the real situation and settle things in Metania."
"Teka teka, just-- what the hell is going on!?" Naguguluhang sambit ni CJ habang naiwan namang gulat na gulat si Shion at Jedi sa kanilang narinig. "At ano ang dahilan namin para maniwala sa mga sinasabi mo at hindi ito isa na naman sa mga pakana niyo?"
Kita sa mukha ni Jarrel na nasaktan ito sa pinahayag ni CJ, ngunit ang umalma ay hindi niya nagawa. Alam niya sa kanyang sarili ang mga maling nagawa ng Metania at aminado siyang nangyayari ang lahat ng ito dahil sa mga taong mahalaga sa kanya. Huminga siya nang malalim saka sinagot si CJ. "Because I'm the only one left in-charge of Metania. If we do not act now, kuya Gant's-- I mean MG's plan is going to succeed. And I promised not to allow that to happen."
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...