Chapter 43: Battle to Fight For [Part 1]

132 10 25
                                    

Kanya-kanyang tutok ng mga armas ang mga tao sa loob ng isang malawak na bulwagan. Tanging mahaba't makinang na mesa na yari sa bakal lamang ang pumapagitna sa dalawang grupo. Matatalim ang mga tingin ang binabato nila sa isa't isa, lalo na ang lalakeng naglalabas ng puting enerhiya sa magkabila niyang kamay. Kitang-kita naman ang pagbula ng tubig na minamanipula ng katabi nitong babae. Kasabay ng paghaplos ng hangin sa balat ng lalake ay ang pagkahakbang naman ng isa pang babae sa kabila nitong gawi.

Bumungisngis ang babae sa harap at dahan-dahan nitong hinaplos ang kanyang braso. Hindi naman nakalagpas sa kanilang paningin ang kaluluwang tila naglalaro sa paligid nito. "You might want to tell your men to lower their arms, Mr. Roulette. We wouldn't want to have any commotions happening here, would we?"

Dismayadong umiling si Rake sa tinuran nito. "So Metania's under the influence of the cult after all. Why am I not surprised?"

Inangat ni Kokoro ang kamay niya tungo sa kanyang pisngi at ngumiti. "Such accusation..." Matapos ang naging linya nito ay sabay-sabay na humakbang pasulong ang mga tauhan niya't tinutok ang mga hawak nitong baril sa grupo nila Rake.

Sa naging galaw na iyon ni Kokoro ay nakuha na ni Rake na hindi na nila maiiwasan ang magaganap na labanan. Alam niya sa kanyang sarili na nasa teritoryo sila ng mga kalaban. Hindi magiging sapat ang kanilang lakas upang labanan ang buong Metania kahit pa na kasama niya ang dalawa pa sa Guardians. Kaya naman palihim niyang kinausap ang mga ito.

"We do not stand a chance against the whole city of Metania with just a few of us, we need backup," panimula nito sa kanyang mga kasama na hindi pinapahalatang kasalukuyan na silang kinakausap ng kanilang lider. "Jedi, I'm going to need you. Bring anyone who can deliver a message to Orthil with you and escape. Wait for my signal. CJ and the rest of you will stay here and we'll try to hold out as long as we can."

"Roger that," walang pag-aalinlangang sagot ni Jedi sa kabila ng maamo nitong mukha ay pinupukulan ng masamang tingin ang nakangising si Kokoro.

Ang puting enerhiyang pinapakawalan ni Rake sa kanyang mga palad ay biglang napalitan ng itim at sa isang iglap ay sabay-sabay na suminghap ang grupo nila Kokoro at napaluhod sa sahig. Doo'y nakakuha ng tiyempo si Jedi na manipulahin ang hangin at iangat ang kanyang sarili. Mabilis namang may tumakbong Zoidiac senior sa tabi niya. "I'm going to come back for you, I promise. So please be careful," paalala ni Jedi bago malakas na pumagaspas ang hangin at binato siya kasama ang Zoidiac senior palabas sa terrace ng malaking bulwagan.

"Haa!" Sumigaw si Kokoro at inis na tumayo na ikinagulat ni Rake sa dali nitong labanan ang ginawa niyang ilusyon. Sa paglagitik ng kanyang daliri ay nanumbalik ang lakas ng kanyang grupo. "Hugh! Go after that b*tch!" Walang anu-anong kumilos si Hugh at pinagana ang jet booster sa likod niya upang bumulusok palabas ng bulwagan. Sinubukan ni CJ pigilan ito gamit ang minamanipula niyang tubig ngunit mabilis na itong nakalayo. Gigil namang humiyaw si Kokoro, "Kill them!"

Sunod-sunod na nagpaputok ng mga baril ang tauhan ni Kokoro, ngunit mabilis na naiangat ni Rake ang mesang pumapagitna sa kanila upang gamitin itong panangga gamit ang kanyang mind magic. Kinuha na ni CJ ang pagkakataong iyon upang pagapangin ang kanyang tubig tungo sa mga tauhan ni Kokoro at mabilis na pinulupot ito sa kanila dahilan para mahinto ang pagpapaputok ng baril.

"Damn it!" Pikon na tili ni Kokoro at sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay tumilapon ang malaking mesa palabas ng bulwagan. Sa laki nito ay nabasag ang salamin palabas ng terrace. Akmang kikilos na ang mga tauhan ni Rake nang lumitaw ang isa pang kaluluwa sa likod ni Kokoro at nang sumanib ito sa kanya ay isang nakakabinging irit ang pinakawalan nito.

Mabilis na nadepensahan ni Rake si CJ at ang kanyang sarili sa malawakang atakeng ginawa ni Kokoro. Laking gulat na lang nila nang makitang nakahandusay na sa sahig ang kanyang mga tauhan. Doo'y isang ideya ang gumuhit sa kanyang isip. A scream accompanied by a cursing spell.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon