Chapter 15: The Guardians and the Officers

303 21 90
                                    

Nilapag ko ang dalawang nachos sa mesa saka ako naupo. Walang anu-ano'y agad akong sumubo upang lasapin ang sarap ng pagkain. Kusa akong napangiti nang matikman ko ito. Nakaka-miss! Tanda ko pa noon na ito ang lagi kong kinakain noong nag-aaral pa ako sa tuwing break namin.

"It's f*cking pathetic how an ordinary sh*t like this makes you smile like that," pansin sa akin ng babaeng kasama ko saka niya nilapit sa kanya ang nachos na para sa kanya. "Like haven't you eaten something way better than this?"

"Oy! It's delightshoes! Tsaka na-miss ko nga kasi 'to. Tagal ko nang hindi nakakakain nito eh," depensa ko sa aking sarili at nagkibit balikat lang siya saka sumubo na rin ng kanya. Hirap talaga pakisamahan nitong si Brendz. Taas ng standards. Palibhasa sa mamahalin lagi nabili noong nag-aaral pa at hindi dito sa cafeteria ng Valin. Silang dalawa ni Relena. Mga mayayaman nga naman.

Tulad ng nabanggit ko ay narito kami sa cafeteria ng Valin para magkaroon man lang nang konting laman ang tiyan. Umaga pa lang kasi ay nandito na kami at naghahanda na para sa mangyayari mamaya. Nandoon ang kaba at takot sa pwedeng mangyari, pero alam ko namang hindi mang-iiwan sa ere ang mga kasama kong 'to. Kaya naman pinapalakas ko na lang ang loob ko bilang paghahanda.

"By the way," imik ni Brendz at sandaling nahinto upang humigop sa kapeng binili niya. "What happened to Dylan's interview yesterday? Do you already have the results?"

"Mmh!" Bulalas ko na itinuro pa siya habang pinipigilan ang bibig ko sa pagbuka. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago nagsalita. "Oo nga pala! Nakuha ko na, hindi ko pa nga lang nababasa." Mula sa bulsa ko ay kinuha ko ang piraso ng papel na tinupi-tupi ko. Eh sa hindi ko nagawang basahin 'to kanina dahil nga binigay sa akin 'to ng secretary ni Rake habang abala kami sa paghahanda. Binuklat ko ito at agad binasa ang laman.

Taimtim ko lang binasa ang naging resulta. Habang nagtatagal ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga nababasa ko. Nang matapos ko itong basahin ay humarap na ako kay Brendz. "So? What does it say?"

"Bata pa raw si Dylan para makapasok ng Valin," sagot ko at kita kong napaismid ang kaharap ko.

"Figures. He's just ten," wika niya naman.

"Pero kasi nakalagay dito na nakakagamit na raw pala si Dylan ng magic," pagpapatuloy ko na bahagyang nagpagulat kay Brendz.

"And you didn't know?" Asik niya sa akin na inilingan ko. "But how? And what kind of magic?"

"Cyber magic. 'Yung widget daw na binigay sa kanya ni Moira ang naging daan. Mukhang pinag-aralan ata maigi ni Dylan 'yung soundphones," anunsyo ko at napahalukipkip si Brendz sa kanyang nalaman na para bang hindi makapaniwala.

"Cyber magic. At the age of ten," imik niya at hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagkamangha sa tono niya. "That's something."

Tumango na lang ako sa sinabi niya habang pilit pang pinoproseso ng utak ko ang aking nalaman. Hindi kasi biro ang Cyber magic sa pagkakalaam ko. Logic at algorithm daw kasi ang ginagamit dito para magamit ang ganitong klase ng mahika. Ayon sa nakalagay dito ay nabanggit ni Dylan na may naiba raw siya sa soundphones. Nangangahulugan lamang ito na nagawa niyang alamin ang kung anumang logic o kung ano ang soundphones na binigay sa kanya ni Moira. Eh 'yang logic at algorithm nga mismo hindi ko alam ang ibig sabihin. Grabe, edi ang talino pala ni Dylan? Ibig sabihin mana siya sa kuya niya. Haha!

"So what did Rake's secretary suggest you do with Dylan?" Muling pagtatanong ni Brendz.

"Eh bilang nagagamit na rin lang ni Dylan ang mahika niya. Sabi rito na ipasok ko na raw siya sa Zoidiac class," sagot ko at kita kong napaangat ng kilay si Brendz habang nanlilisik ang mga mata.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon