Bago po ang lahat gusto ko lang sabihin na... MALAPIT NA PO MATAPOS ANG LIBRONG ITO WOOH! Possibly, next chapter will be the last. Mami-miss ko 'to :(
Anywaaaays! 'Wag po kayo magii-scroll pababa. May spoiler po dun. #ThanosDemandYourSilence
Halaaaa ang tanga. Lakserf kaya 'to kaya dapat #MorriganTheManYourPsychTest - Ean
Tanga talaga nito, tinama pa ako mali rin naman. #MorriganDemandYouSaing. Dalian mo na nagugutom na ako! AHAHAHA! Ay ayaw ko na nga. Geh, basa na po kayo. Enjoy!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi mawaglit ang malapad kong ngiti habang pinagmamasdan ang gulantang mukha ni Morrigan. Kitang-kita ko sa kanya ang pagkabigla habang nakatingin sa aming grupo. Walang mag-aakalang darating ang panahong muling magsasama ang mga Guardians ng Orthil para lumaban at protektahan ang bagay na importante sa amin. Kulang man ay inaalay namin ang pakikipaglabang ito para kina Dib at Angel. Sisigurauhin kong pangangatawanan namin ang titulong ipinagkaloob sa amin ng bawat taong bumubuo sa Lakserf.
Suot pa rin ang ngiti at nananatiling nakatingin kay Morrigan ay nagsalita ako. "Sigurado ba kayo na ayos lang iwan ang Orthil?"
Mula sa kanan ko ay humakbang pasulong si Ms. Elsa at sumagot. "They came for assistance." Kumunot ang noo ko upang bigyang linaw ang sinabi niya. "Although late, n'ong makita nila ang batong babagsak sana sa Orthil ay agad silang kumilos. Ang Officers ng Metania."
Saglit na nanlaki ang mata ko sa isiniwalat niya. Nagulat lang ako na sa unang pagkakataon, nakarinig din ako ng magandang balita mula sa Metania. Mukhang nagtagumpay si Jarrel sa paglalahad ng detalye tungkol sa tunay na nangyayari ngayon.
"Paraan daw nila 'yon para makabawi sa atin," segunda pa ni Shion.
Narinig ng buong grupo ang pag-uyam ni CJ at kitang-kita ko kung paano siya humalukipkip at bahagyang umirap. "Humph! Dapat lang! Pero huwag nilang isipin na nakalimutan na natin ang ginawa nila, kaloka sila."
"Tss. Gigil ka na naman, babae," pagpuna ni Rake sa kanyang nobya na inismiran lang nito. Ang ngiting sisilay sana sa bibig ko dahil sa pagsuway niya kay CJ ay agad naglaho nang mapansin ko ang mga namumuting mata ni Rake. May kung ano ang tumusok sa dibdib ko nang makita ko 'yon. Base rin sa kilos niya ay iisa lang ang ibig sabihin nito.
Kukumustahin ko na sana siya nang pangunahan niya ako. "Don't mention it. I'm a Mysticium Senior, Ean. Losing sight would mean nothing."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at napangiti nang tipid. Mukhang tinanggap niya na ito nang buong-buo. Maaaring totoo ang sinabi niya, bilang Mysticium Senior ay wala lang ito, ngunit nakakalungkot pa ring isipin na nangyari ito sa kanya.
"This place is... eerie," imik ni Char na pinagmamasdan maigi ang kinalulugaran namin. Marahil ay isang tuyot at mahamog na patag lang ang makikita sa paligid, pero alam kong ramdam niya ang bumabalot dito sa purgatoryo. "I'm curious to what it may contain."
Mula sa likod ay bumaba mula sa pagkakalipad si Jedi. "I'm afraid your little research has to wait. She's prepping."
Ang kaninang gulat na si Morrigan ay ngayo'y suot na muli ang nakakapangilabot na ngisi. Gayunpaman ay buong tapang siyang hinarap ni Yrah. "Tama si Jedi, hindi ito ang tamang oras para riyan," untag nito habang matalim ang titig kay Morrigan. "Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa high priest at mga tao sa Haven."
Bigla na lamang humalakhak si Morrigan dahilan para bumalik ang atensyon naming lahat sa kanya. Habang nakalahad ang parehong kamay ay dahan-dahan siyang lumulutang na animo'y humahakot ng lakas dahilan para maging alerto kami. "Ah, ang mga Guardians! Marahil ay kayo na ang magpapawi ng pagkauhaw ko sa isang magandang laban, ngunit nagkakamali kang dinala mo ako rito, Ean," litanya nito habang sa akin nakatitig. Nilabanan ko naman ang titig niyang 'yon. "Sa lugar na ito, ako'y malakas. At isa pa'y..." saglit siyang huminto sabay bato ng makahukugang ngisi sa amin. "Nandirito ang aking mga anak."
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...