Chapter 48: Ruin

136 11 22
                                    

Bakas sa mukha ng babae ang pagkabahala habang mataman na pinagmamasdan ang imahe sa mga screens na nakalatag sa harap. Kitang-kita niya kung paano patuloy na nakikipaglaban ang mga tao ng Orthil laban sa mga Visitants at ilang mga miyembro ng MG na nagtatangkang sirain ang kanilang bayan. Nakararamdam din ng inis ito habang natutunghayan ang pagkasira ng ilang gusali dahil sa labanang nagaganap

"Ms. Elsa," pagtawag ng isang tauhan niya na kanyang ikinalingon. "Nadala na po sa spiritual room si sir Rake upang umpisahan ang pagpapagaling sa mga mata niya. Stable na rin daw po ang lagay niya ngayon."

Tila nabunutan ng tinik si Elsa sa kanyang narinig at kahit papaano ay nahimasmasan siya. Tumango siya saka ito sinagot. "Magiging mabilis ba ang proseso ng pagpapagaling sa kanya? Kakailanganin ko siya rito upang makagawa ng ilang counter-strategy."

Umiling ang kanyang tauhan na kanyang ikinadismaya. "Ayon sa report po ay naging malubha ang pinsala sa kaluluwa ni sir Rake, maaaring abutin po ng ilang oras bago maibalik ang paningin niya."

"Tsk," paglagitik na lang ng dila ang nagawa ni Elsa at  muling ibinalik ang atensyon sa screen.

Natunghayan naman ni Moira, na kasalukuyang naghihintay pa ng reports mula sa ibang lugar, ang pag-aalala ni Elsa sa sitwasyon ng Orthil. Dahil dito ay hindi niya maiwasang alalahanin ang katatanggap pa lamang na report ng intel division tungkol sa nangyari kay Yrah. Hindi niya magawang paniwalaan na wala ni isa ang natira sa Haven bukod kay Yrah, na maging ang high priest ay nabawian ng buhay dahil sa muling pagkabuhay ng diyosa ng digmaan.

Napakapit nang mahigpit si Moira sa kanyang upuan at napikit upang manalingin. Good lord Laksen, please give us the strength. May you guide and protect Ean from whatever he's going to face. He is our only hope.

"Reports from sectors 17 to 24." Agad napadilat si Moira nang magsalita ang katabi niyang si Char habang okyupadong ginagalaw ang kontrol ng computer. "The sectors have been cleared and kept safe by the group lead by kuya Shion and so are the skies through the efforts of ate Jedi." May kung anong pwersa ang nagpangiti sa buong silid dahil sa anunsyo ni Char. "They're proceeding to sector 12."

"Good. Ituloy niyo lang ang pagbibigay ng update," maawtoridad na tugon naman ni Elsa na unti-unti na ring nabubuhayan ng loob. Agad namang nakahinga nang maluwag si Moira.

"Moira, can you get a report from the medical division?" Untag ni Char sa kanya.

"O-on it!" Agarang sagot ni Char at agad na ginawa ang inutos sa kanya.

*****

Nanlalaki ang mga mata ni Relena at natulala na lang matapos masaksihan ang sinapit ng kanyang kaibigan na si Brendz. Patuloy na umaagos ang dugo nito mula sa kanyang bibig habang lagpasang nakatusok pa rin ang sibat sa nakaangat niyang katawan. Isang nakakapangilabot na ngisi naman ang suot ni Morrigan na animo'y nakakuha ng sensasyon sa kanyang ginawa.

"No... B-Brendz..." bulong ni Relena habang napabagsak siya sa kanyang tuhod. Sa pagbaba niya ng kanyang tingin sa kanyang mga kamay ay kita niyang unti-unti nang naglalaho ang enerhiyang bumabalot sa kanya. Maging ang kamay niya ay unti-unti na ring nawawala, senyales na nauubos na ang mahika niya at malapit na siya sa kanyang limitasyon. Gustuhin man niyang lumipad tungo sa kanyang kaibigan upang iligtas ito ay hindi niya magawa. Ang tanging nagawa niya lang ay ang umiyak at manalangin. Laksen... help us.

"Humph! Hindi pa sapat," sabi ni Morrigan habang blangkong nakatingin sa nag-aagaw buhay na si Brendz. "Hindi pa sapat ang lakas ninyong lahat upang ipamalas ko ang tunay kong lakas. Lahat kayo. Mga mahihina!"

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon