Sa ilalim ng maulap na kalangitan kung saan sapat at tama lang ang binibigay na liwanag ng araw ay isang malaking pagsasalo ang nagaganap sa buong lawak ng Lilac garden. Bumagay ang mga manipis na tela na nakasabit sa bawat poste ng ilaw bilang palamuti kasama ang mga naggagandahang bulaklak sa paligid. Ang bawat mesang nakalatag nang maayos ay binabalot din ng maputing tela na binigyang kulay ng isang vase na puno ng iba't ibang uri at kulay na bulaklak. Bakante na ang mga mesa at bawat isa sa mga nakaupo rito ay suot ang matatamis na ngiti na mas nagpaaliwalas sa kapaligiran. Nagmistulang kainan sa gitna ng paraiso ang lugar dahil sa magandang pagkakagayak dito.
Bilang sentro ng atraksyon sa pagsasalong ito ay isang maliit na entablado ang nakatayo sa harap ng mga mesa. May maliit na puting haligi sa magkabila nitong dulo na wari ay ginapangan ng halaman bilang dagdag dekorasyon dito. Sa gitna ng entablado ay nakapuwesto rin ang isa pang mesa kung saan magkatabing nakaupo ang isang lalake at babae. Tindig pa lang ng lalake ay kakikitaan na ito ng tikas habang suot ang puting tuksedo. Nakatulong pa ang malinis na pagkakaayos ng buhok nito sa kagandahan ng lalakeng taglay niya. Bumagay din ang puti ring suot sa morenang babae habang pinapakinang siya ng perlas na kwintas at mga diyamanteng hikaw. Kung titignan ay parang isang diyosa sa hardin ang babae.
Habang sila ay kinukuhanan ng litrato ay hawak ng lalake ang baywang ng babae habang gamit naman ng babae ang pareho niyang kamay para hawakan ang isang bungkos ng mga bulaklak. Ang ngiting suot ng dalawa ay kakikitaan ng walang katapat na saya at napupuno rin ng pagmamahal. Nang makunan na ng litrato ay sumenyas na ang photographer at doo'y sabay na nagbigay pasalamat ang dalawa. Kasabay ng paglisan ng photographer ay ang paglapit ng isang tauhan sa tabi ng lalake.
Yumuko ito saka nagsalita. "Sir, may nagpapaabot po," saka inabot ang nakatiklop na papel.
Agad itong tinanggap ng lalake, binuklat at sinimulang basahin. Habang mataman na naghihintay ang babae upang alamin ang nilalaman ng sulat ay napansin nito ang paglungkot ng mukha ng lalake. "What is it?"
Bumuntong hininga muna ang lalake bago sumagot. "Galing kay Rake," siwalat nito at bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat sa kanyang nalaman. "I heard the news and I just want to congratulate the both of you. Best wishes."
Saglit na naghintay ang babae, umaasang may karagdagang laman pa ang sulat. "That's it? Didn't he say something about coming back in Orthil?"
Umiling ang lalake kasabay ng kanyang pagbuntong hininga. "Kilala ko 'yon si Rake. Sa oras na makapagdesisyon na siya para sa kanyang sarili, hindi na 'yon mababago pa."
Dismayadong napasandal ang babae sa kanyang upuan. "To travel around the world and see for myself what I've done in the past and reflect as my act of repentance," pag-uulit ng babae sa mismong katagang iniwan sa kanila ni Rake. "I still can't believe it. Especially in his condition."
Hinawakan ng lalake ang kamay ng babae saka ito ngumiti upang maibsan namumuong pag-aalala at lungkot ng babae para kay Rake.
"Just how lovely is this reception!? Everything's made with class!" Nagagalak na bulalas ng babaeng nakaupo sa mesa malapit sa entablado.
"Sinabi mo pa, Char. And look at them, they're so in love. Wish ko lang ganito din sa wedding day ko," pagsang-ayon naman ng isang babae sa inuntag ni Char.
"That isn't impossible as a Derfin's heiress," sabi naman ni Elsa habang nakahalukipkip at pinapanood ang nagniningning na mga mata ni Yrah at Char. "Pero bago niyo isipin ang kasal, get yourselves your boyfriends first."
Parang bulang naglaho ang ngiti ng dalawa sa pahayag ni Elsa. Tila napaisip na lang si Char at napayuko habang si Yrah naman ay napatingin kay Elsa. "Ay grabe Ms. Elsa ah, ang sakit."
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...