Chapter 32: Gambit

216 18 18
                                    

"Urgh!" Kasabay ng malakas na bulalas ni Kokoro ay ang paghampas niya sa mesa. Halos umusok na ang ilong nito sa tindi ng inis at galit na nararamdaman. Bahagya pang nangingig ang buo niyang katawan dahil sa pilit nitong pagpigil sa sarili. Hanggang sa hablutin na nito ang babasaging baso at akmang ibabato na ito sa may pinto nang may magbukas nito.

"Woah!" Gulat na sambit ng isang lalake at kaagad na nagtakip ng mukha sa gagawin sana ni Kokoro.

"Jarrel! What are you-- gosh, can't you knock!?" Mahihimigan pa rin ang inis sa boses ni Kokoro ngunit sapat na ang pagdating ni Jarrel upang mapakalma ang kanyang sarili. Ibinaba niya na ang kanyang kamay na may hawak ng babasaging baso at binalik na ito sa mesa.

"Narinig ko 'yung sigaw mo across the corridor so I didn't bother," depensa ni Jarrel sa kanyang sarili habang iniimbitahan na ang sarili sa kwarto ni Kokoro. Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala. "Is something wrong, ate?"

Napapikit at napabuga ng hininga si Kokoro para muling pakalmahin ang sarili. Muli kasi nitong naalala ang pagtataboy sa kanya ni Ean at ang mga salitang natanggap niya mula rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na tinanggihan siya nito, at pangalawang beses na. Humalukipkip ito bago umiling. "I-it's nothing."

Tumango-tango na lamang si Jarrel sa sagot nito na halatang hindi kumbinsado sa sagot na natanggap. Nais sana nitong magtanong pa ngunit pinangunahan ito ng takot na baka mag-away lang sila. "Anyways, everything's been prepared. Ikaw na lang hinihintay namin."

Sa isang iglap ay agad nagbago ang timpla ng mukha ni Kokoro sa kanyang narinig. Sa kung anong kadahilanan ay sumilay ay nakakalokong ngisi sa kanya kasabay ng pag-angat ng isa niyang kilay. "Very well."

Walang anu-ano'y naglakad na si Kokoro palabas ng kanyang silid habang si Jarrel naman ay tila hindi mapakali. Hanggang sa tawagin niya ang atensyon nito. "Wait, ate Kokoro," pagtawag nito at agad naman nahinto si Kokoro sa paglalakad. "Are we really doing this?"

Hinarap siya ni Kokoro habang hindi maalis ang pagkabalisa kay Jarrel na tila may bumabagabag dito. Nakayuko lamang siya habang pinagkikiskis ang dalawang palad at hindi mapakali. Sa tinuran nito ay agad siyang nilapitan at inalo ni Kokoro. "Yes, we are. We have to. This is for us. We shall proceed as planned."

Sa kabila ng mga sinabi niya ay kita niya mula kay Jarrel na hindi ito kumalma. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata at pinatingala upang tignan siya. Tinignan niya ito na tila nagbibigay ng mensahe na magiging ayos lang ang lahat. "We can do this, Jarrel. Just trust in me, ok?"

*****

*Ean

Sinara ko ang pinto ng silid na nilabasan ko at siniguradong walang makakapasok dito bago tuluyang umalis. Mahirap nang iwan ang kwarto ko na madaling mapasok ng kung sino. Malay ko bang baka may plano na naman ang Kokoro na 'yan o kung sinumang kampon ni tandang Kelbris sa akin o sa gamit ko. Hindi na ako magtataka kung meron man, pero sana ay sumiksik sa utak nila na hindi ito ang tamang oras para magsimula ng gulo. Iisa lang naman ang pakay namin dito at iyon ay ang protektahan ang Haven at lalo na ang templo't ang High Priest.

Lumabas ako para kumustahin sina Yrah at Brendz at maging ang iba pa naming kasamahan. Baka nasa puwesto na ang mga camera widgets at tapos na ang kanilang preparasyon. Siyempre, kung aalis man ako bukas dahil tapos na ang misyon ko rito ay gusto kong masigurado na ligtas sila at maayos nilang magagawa ang pagbabantay dito sa Haven.

Tulad ng inaasahan ay sinalubong ako ng matinding lamig paglabas ko ng gusali. Kaagad kong itinaklob ang makapal na tela sa buo kong katawan at bumuga ng hangin. Grabe talaga sa lugar na 'to, ang tindi ng lamig. Bilib na ako sa High Priest at mga naninirahan dito at natatagalan nila ang klima rito.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon