Chapter 30: Metania

226 19 62
                                    

*3rd Person POV

Malayang umiihip ang hangin sa bughaw na kalangitan. Sa taas nito ay dinig ang pagaspas habang patuloy lamang sa pagsunod sa direksyon ng hangin ang makakapal na ulap na siyang tumatakip sa maliwanag na sinag ng araw. Mapayapa kung titignan ang kalangitan. Hanggang sa isang matinis na ingay ang bumasag ng katahimikan nito.

Lumilikha ng ingay ang bawat pagaspas ng dalawang naglalakihang pakpak sa likod ng isang nilalang. Kapansin-pansin ang laki nito, ang matulis nitong tuka at mga kuko at ang mukhang ibon nitong itsura na nahaluan ng katawan ng isang makisig na tao. Paikot-ikot lamang sa paglipad ang nilalang habang pinapagala nito ang mga mata sa ibaba kung saan sa taas niya ay kitang kita niya ang kabuuan ng isang malawak na siyudad.

Mula sa kinalulugaran ng nilalang ay kita niya ang mga naglalakihang gusali sa siyudad ng Metania, ang pinakamalaking bayan sa kontinente ng Idolea. Gawa lahat sa matitibay na bakal ang mga gusali rito. Maging ang mga tahanan ng mamamayan dito ay protektado rin ng mga bahay na yari sa bakal. Hindi naman mahihigitan ang kapal at kasigasigan ng bakal na pader na siyang nagsisilbing bakuran ng buong Metania. Sa kabuuan ng Metania ay ni isang lugar na nababahiran ng kulay berde ay hindi makikita rito. Wala kahit anong halaman, puno, o kahit damo. Isang bayang nilamon na ng teknolohiya kung maituturing ang bayan ng Metania.

Sa pagmamasid ng nilalang sa kabuuan ng Metania ay kitang-kita niya kung paano bumulusok ang usok na nagmumula sa makinang nasa likuran ng isang lalake na siyang nag-angat dito sa himpapawid at sundan ang nilalang. Sabay na nahinto ang nilalang at ang lalake nang magkalapit ito, na para bang nagkakaintindihan sila't konektado ang pag-iisip.

"Kumusta ang pagmamasid mula rito?" Asik ng lalake sa nilalang na sinuklian lamang nito ng maikling matinis na ingay. Nangiti naman ang lalake na para bang naintindihan niya ang sinabi nito. "Ok! Maraming salamat, Garuda. Maaari ka nang magpahinga." Kasabay ng pagtatapos ng lalake ay ang paglabas ng berdeng enerhiya sa nakalahad niyang kamay at paglaho ng nilalang. Gamit ang suot nitong Jet Booster ay bumulusok ito muli pabalik sa lupa.

Napiling lumapag ng lalake sa isang may kalawakang rooftop ng isa sa mga pinakamatataas na gusali ng Metania. Kusang lumiit at naging bilog na widget na lamang ang Jet Booster ng lalake nang makatapak na ito sa lupa. Kaagad siyang nilapitan ng ilang kalalakihan at inabot niya ang maliit na device sa isa sa mga ito. "Alam mo na ang gagawin."

Hindi naghintay ng sagot ang lalake at kaagad naglakad tungo sa elevator. Kapansin-pansin ang pagkalito sa lalakeng inabutan niya ng maliit na device sa binilin niya kaya naman sinundan niya ito. "Sir Hugh? I-if you may, may you please elabora--"

"Tsk! Isama mo sa mga surveillance report sa opisina ko, ano ba!? Parang laging bago ah!" Iritadong hiyaw nito sa tauhan niya saka pumasok sa loob ng elevator. Akmang hahakbang na papasok ang mga tauhan niya nang iangat niya ang kamay niya na ikinatigil ng mga ito. "Ano'ng ginagawa niyo? Hindi ba't sinabi ko na ayaw ko nang may nakakasabay dito sa loob? Alis!" Bugaw nito at walang pagdadalawang isip na pinindot ang buton para magsara na ang elevator. Naiwan siyang ngumunguya ng bubble gum at sinusuot ang soundphones na kanina'y nakasabit sa kanyang leeg.

Sa gitna ng pagmumuni nito at pakikinig ng kanta ay nahinto ang musikang tumutugtog rito at napalitan ng mga static sound. Umarko ang kilay nito. "Hugh, how'd the surveillance--"

"Ay's na! Tapos na! Istorbo," pabalang nitong sagot at binulong ang huli nitong sinabi. Napabuntong hininga na lang siya nang mapagtanto ang dahilan ng pagtigil ng kanta.

"Good. Now get over here and I want to show you something," pahayag ng lalakeng nasa kabilang linya na kinaangat ng parehong kilay ni Hugh.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon