Chapter 14: Rivalry and Competition

294 22 94
                                    

Kusa akong napapangiti habang pinanonood ko ang manghang paglibot ni Dylan sa paligid. Kakalagpas pa lang namin ng gate ay nanglaki na agad ang mata niya sa ganda ng campus ng Valin. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga buhay na buhay na halaman sa paligid, sa mataas na building ng Valin, at sa istatwa ni amang Laksen. Naagaw din ang pansin niya ng fountain at nagsimula siyang maglakad tungo rito.

"Sabi na nga ba't matutuwa ka eh. Ang ganda, hindi ba?" Imik ko na tinanguhan niya lang. Hindi maalis ang ngiti at pagkamangha sa mukha niya ngayong nasa Valin Academy na siya. Natutuwa ako na kahit papaano ay nakukuha niya pa ring ngumiti sa kabila ng mapait na nangyari sa Edira.

Bigla ay napansin ko ang pagkunot niya ng noo saka siya tumingala sa akin. "Bakit ang tahimik dito, kuya? Bakit walang tao?"

"Ah, oras kasi ng klase ngayon. Nasa silid ngayon ang mga estudyante," sagot ko naman sa tanong niya. "Tara na, pumasok na tayo nang makausap na natin ang principal."

Inakbyan ko siya para yayaing pumasok na ng building. Habang tinatahak namin ang daan tungo sa opisina ni Rake ay panay pa rin ang pagbaling-baling ni Dylan sa paligid. Bakas sa inosente niyang mukha ang galak sa kanyang nakikita. Bukod dito ay alam kong masaya rin siya dahil matagal niya nang pinangarap na makarating at mag-aral dito sa Valin. Siguro sa isip niya ay unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap.

Bago pa kami makarating sa opisina ni Rake ay nakita ko ang isang babaeng naglalakad sa pasilyo. Agad ko siyang tinawag. "Brendz!" Agad naman siyang napalingon sa akin saka ko siya kinawayan at agad nilapitan. "Andito ka rin pala. Ano ginagawa mo rito?" Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip ay napabaling ng tingin sa batang kasama ko. "Siyanga pala, Brendz, si Dylan. Dylan, si Brendz."

"H-hello po," nahihiya't inosenteng bati ni Dylan.

"So you're Dylan," imik ni Brendz at humalukipkip. Tinignan niya mula paa hanggang ulo si Dylan. Ramdam kong nailang ang katabi ko sa ginawa niya dahil sa pagsiksik ni Dylan sa akin, ngunit hindi ko inaasahan ay biglang ngumiti nang tipid si Brendz. "Someone told me that you can already fight. Valin would need capable recruits like you."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Brendz. Buong akala ko kasi tatarayan niya si Dylan. Nakalimutan kong may malambot na puso nga pala siya sa mga bata. "S-salamat po. Pero sino po nagsabi sa inyo?" Asik ni Dylan.

Sasagutin na sana ni Brendz ang tanong ni Dylan nang mapatingin siya sa likod namin. "That guy."

Paglingon namin ni Dylan sa likod ay kita naming naglalakad si Shin. Napasimangot naman ako nang si Shin pala ang tinutukoy ni Brendz. Ibig sabihin ay nagkausap sila. Ipupusta ko buhay ng mokong na 'yan na pati si Brendz nilandi niyan. "Uy, Dylan! Andito ka na pala agad. Mage-enroll ka na?"

Umiling si Dylan sa bungad na tanong ni Shin. "Hindi po. Ipapakausap lang ako ni kuya Ean sa principal."

"Teka, si Shin ang nagbanggit sa'yo tungkol kay Dylan? Kailan pa kayo nagkausap?" Pagtatanong ko kay Brendz. Kita kong napairap siya na tila hindi niya nagustuhan ang nangyari. Doon pa lang ay nagkakaroon na ako ng ideya sa pagkikita nila.

"I had no choice. He's the only one skilled enough to speed up the recovery of my wound,"  umiismid niyang sabi. Nabalitaan ko na kay Rake kagabi ang nangyari sa misyon nilang dalawa ni Violet. Si Shin pala ang gumamot sa kanya. "Yesterday when he was healing me, that's when he mentioned to me about Dylan."

"Yep, ako ang nagpagaling kay Brendz," panghihimasok ni Shin na nakasuksok pa ang parehong kamay sa magkabila niyang bulsa habang nakangisi't nakatingin kay Brendz. "Siguro naman sapat na 'yon para pagbigyan mo ako sa date na--"

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon