*3rd Person POV
Mariing nakapikit ang mga mata ni Ean habang nakapokus lang sa paggamit ng kanyang mahika. Sa isang iglap ay humina ang pinapakawalan niyang pwersa sa paligid at matagumpay na naitago ang kanyang presensya. Doo'y agad siyang lumapit sa metal na pader at pinatagos ang kanyang ulo doon upang silipin ang pasilyo. Nang malaman niyang wala ni isang tao ang nandoon ay pinatagos niya na ang buo niyang kaluluwang katawan upang ipagpatuloy ang paglilibot.
"How's everything so far, Ean? Found anything?" Isang himig ng babae ang kanyang narinig sa loob ng kanyang isip habang patuloy siya sa paggala gamit ang kaluluwa niyang katawan at pagkalap ng mga impormasyon sa paligid.
"Wala pa, Brendz. Malilibot ko na ata bawat sulok ng pasilidad na 'to, pero wala pa rin akong makita ni isang tao," sagot ni Ean sa kanyang isip. Sa gitna ng kanyang ginagawa ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib at agad na nahinto. "Shin? A-ano na nangyayari sa pisikal kong katawan?"
"Nanginginig ka, Ean. Your body is not yet used to being separated from its astral self for too long. Kailangan mo nang magmadali," sagot nito sa kanya at agad niyang naramdaman na guminhawa ang pakiramdam sa kanyang dibdib, senyales na ginagamot na nito ang kanyang pisikal na katawan.
"Tsk, bakit kasi kailangan mo pang gamitin ang kaluluwa mo sa pagkalap ng impormasyon diyan? You can usage your telepathetic magic and scanning the era, duh!" Dinig niyang reklamo naman ng isang babae na nagpasimangot sa kanya.
"Manahimik ka, Violet! Puputulin ko link ng buong grupo sa'yo, sige ka," pagbabanta nito at hindi na narinig pa ang pagrereklamo ni Violet.
"We already told you, Violet. Letting Ean use his telapathy magic to scan the whole facility is risky. He can't possibly conceal his magic the way he can when in his astral form. They would've detected us by now otherwise." May inis sa tono ni Brendz nang sabihin niya iyon sa ngayo'y tahimik nang si Violet.
Habang patuloy na inaalam ni Ean ang loob ng pasilidad ay alarma naman sa paligid ang nasa labas na sina Brendz, Violet at Shin kasama ang nakahimlay na pisikal na katawan ni Ean. Inaabangan lang nila ang kung anumang isisiwalat ni Ean, gayunpaman ay makikita sa kanila na handa sila sa kung anumang malalaman nila gayong nasa loob lang ng pasilidad na kaharap nila ang mga kalaban, ang MG.
***
*Ean
"So this is the reason why Moira hasn't returned yet!? Damn this cult!" Nanggagalaiting bulalas ni Rake matapos kong ipaalam sa kanya na kasalukuyang hawak ng MG si Moira at ipakita ang huling entry niya sa kanyang diary bilang pruweba.
Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Lahat ng iyon ay nagpapadagdag lang sa pag-aalala ko kay Moira. Parang mamamatay na nga ako sa pag-aalala. Hindi birong grupo ang may hawak sa kanya. Saksi ako sa mga kung ano ang kayang gawin ng MG at hindi malayong pahirapan at saktan nila si Moira.
"Ano na, Char? Hindi mo pa ba nalalaman ang location ni Moira?" Hindi mapakali kong tanong kay Char na abala sa harap ng kanyang computer.
"Give me a few more seconds, kuya. I'm trying to get some data based on her location when she last accessed Cyber," pahayag niya at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
"Kumalma ka, Ean. Walang mangyayari kung--"
"Kakalma? Paano ako kakalma matapos kong malaman na tatlong araw nang hawak ng MG si Moira?" Putol ko sa pagpapakalma sa akin ni CJ na kasama rin namin dito sa Research Area ni Char. "Kilala ko ang MG. Malaki ang tiyansang sinaktan at pinahirapan nila si Moira. Paano kung bigla na lang nilang maisipang patayin si Moira?"
BINABASA MO ANG
Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]
FantasyTulad ng naibahagi noon ng isang Nelheim ay ang Diyos Amang Laksen Erfus ang Tigapaglikha ng Lakserf. Ito ang pinaniwalaan ng nakararami. Siya ang nagbigay ng buhay sa lahat. Ang Diyos ding ito ang nagbiyaya sa kanila ng mga mahikang taglay ng bawat...